CHAPTER 30

121K 2.7K 264
                                    


FINALLY, you're here." Sinalubong ni Wilson ng mahigpit na yakap si Sasahh pagpasok niya ng opisina nito. Kanina pa ito nagtatanong kung nasaan na siya.

Wilson enclosed her face with his palms and dropped a soft kiss on the lips.  "I miss you!" Bulong nito. Tipid na ngiti lang ang kaya niyang isukli rito.

"Busy ka ba?" Her voice was small and fragile.

"Hindi naman. Halika may ipapakilala ako sa 'yo." Iginiya siya ni Wilson patungo sa desk nito kung saan iniwan ang kausap. Tumayo ang isang magandang babae.

"This is Tessmarie, a wedding planner. Tessmarie, this my wife, Sasahh."

"Hello!" Inilahad nito ang kamay na agad naman niyang tinanggap.

"Siya ang mag-aasikaso ng lahat sa kasal natin." Gulat na napatingin si Sasahh kay Wilson.

"Kasal?"

"I told you I will marry you again. Bilang Sasaahh Rodriguez." Sa halip na matuwa ay parang pinisil ang puso niya at hindi niya mapigilan ang biglang pagpatak ng luha.

"She gets emotional," Tessmarie said with a smile, thought she burst into tears because she's happy.

"Can we talk?"

He nooded. "Can you excuse us for awhile, Tessmarie?"

"Sure! Lalabas lang muna ako."

Nang maiwan ang dalawa ay umupo silang magkaharap sa visitor's chair. Hinila pang palapit sa kanya ni Wilson ang upuan. His happiness and excitement were radiating from him. Ramdam na ramdam iyon ni Sasahh.

"I'm excited for our wedding. Puntahan natin ang simbahan kung saan ikinasal si Mama at Papa mamaya para makita mo. Doon ko sana gustong magpakasal tayo, kung okay sa 'yo. Then si Ryke ang magiging ring bearer, ang kambal flower girl, yung tatlong itlog syempre ang bestmen ko, pwede naman ang tatlo 'di ba?  Ikaw, si Lyca ba ang matron of honor mo? Si Tyler ang maghahatid sa 'yo sa altar, right?"

Sasahh squeezed her eyes shut and fought the tears of frustration to fall, but she failed. Naglandas pa rin iyon. Gusto niya ang mga plano ni Wilson. Gustong-gusto. Siguradong kahit siya magiging excited kung wala lang siya sa sitwasyong ito. Inabot ni Wilson ang pisngi ni Sasahh at pinahid ang luha na dumaloy roon.

"These are tears of joy?" Mariin niyang hinawakan ang kamay ni Wilson at pinanatili iyong nasa kanyang pisngi. Nagmulat siya at tinitigan si Wilson. Hindi maitago ang kaligayahang nararamdaman nito at napaka-swerte niya na minahal siya ng tulad nito.

"Mahal na mahal kita."

"Mas mahal kita, Sasahh!"

"Alam mo naman gusto ko rin magpakasal sa 'yo 'di ba?"

"Of course! You are head over heels for me ." He chuckled.

"I am.  I am so much in love with you! Pero may gusto sana akong ipakiusap."

"Anything, baby." Ginagap ni Wilson ang dalawang kamay ni Sasahh at mariing hinawakan.

"Tell me."

"Si Tyler kasi... gusto niyang magpunta kami ng US. Wilson, hindi niya matanggap ang relasyon natin. Hanggang ngayon galit na galit siya sa pamilya mo."

"You want me talk to him. Okay, I'll do that."

"No!" Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Wilson at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Wilson.

"Gusto ko muna sanang ayusin ang pamilya ko. He needs me. He still feel devastated over what had happened to our family. Gusto kong iparamdam sa kanya na nandito ako para sa kanya. Ngayon niya ako kailangan."

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon