Chapter 31

118K 3.6K 615
                                    

NAKULONG si Robert. Sa dami ng ebidensiya at testigo ay madali itong nahatulan. Inilaglag ito ng mismong mga tauhan nito. Malaking ebidensiya ang drug laboratory nito sa isla. Patong-patong ang kinaharap na kaso nito. Si Charlotta ay nakulong din dahil sa ginawa nitong pagsira sa preno ng sasakyan ni Samantha na dahilan ng pagkasawi ni Samantha at muntik na niyang ikamatay. Umuwi ng Pilipinas si Samara at ito mismo ang nagsampa ng demanda kay Charlotta. Malaki ang naitulong ng video ng pag-amin ni Queenie kay Wilson sa ginawang krimen ng ina.

Nagbigay rin si Sasahh ng statement sa aksidenteng nangyari sa kanila, pati na rin si Tyler sa pagkamatay ng kanilang magulang bago sila umalis ng Pilipinas. Hindi na rin naman kinailangan ang presensiya nila habang dinidinig ang kaso dahil sa dami ng isinampang kaso kay Robert ay sapat na iyon para makulong ito.

May isang tauhan si Robert na lumutang at tumistigo sa pagkamay ng kanilang magulang. Iyon ang nagligtas kay Tyler. Baguhan ito sa trabaho, napilitan sumama sa grupo dahil sa kagipitan. Ito ang pumigil sa mga kasamahan para hindi na idamay pa ang kambal at si Tyler ay sadya nitong inilayo sa lugar dahil tiyak ang kamatayan nito kung nakita ng ibang tauhan.

Lahat ng pulitiko at mga negosyanteng sangkot sa drug syndicates ay nakulong. May mga malalaki ring sindikato ang naibulgar at dahil iyong lahat kay Senator dela Fuente. Wala pa pala sa kalahati ang nakuha niyang listahan. Maging ang bise presidente ay protektor pala ng sindikato. Isa palang international syndicate ang pinamumunuan ni Robert. Hindi lang sa Pilipinas ang operasyon  niyon kundi sa iba pang panig ng mundo. Isang naliit na sangay lang kung tutuusin ang sindikatong pinamumunuan ni Robert.

Si Senator dela Fuente ay nakalaya naman pagkatapos ng pagkakakulong ng saglit na panahon. Humingi ito ng immunity sa presidente kapalit nang pagsasalita nito. Pumayag ang presidente sa nais nito. Ibinasura ang lahat ng kaso para kay Senator dela Fuente kapalit ng pagsiwalat sa mga sangkot sa sindikato. Malalaking sindikato ang nabuwag at iyon ang mahalaga sa gobyerno.

Lalong ikinagalit ni Tyler ang pagpapalaya kay Senator. Sa halip na maibsan ang galit ng kanyang kapatid sa mga dela Fuente ay lalo lang pinasiklab ng pagkalaya ng matanda.

She continued her career as a model. Maging sa international news ay nabalita ang nangyari sa kanila ni Samantha. Pati rin ang pagiging mag-ina ni Samara at Samantha na matagal na itinago ni Samara sa publiko ay nabunyag.

It's been almost a year since they left for New York. Living in America's largest metro area is her dream ever since. She loves walking down the street of New York no matter how crowded it was. Tyler and she used to do candid street photography. Iyon ang bonding nilang magkapatid noon sa tuwing dadalaw si Tyler sa kanila. Pero ibang-iba ngayon. Hindi siya makaramdam ng kaligayahan sa pagtira sa lugar na pinangarap niya. Hindi siya makaramdam ng saya sa ginagawa niyang pagpose sa harap ng camera na siyang pangarap niya.

Si Ryke lang at ang mga kapatid niya ang nagbibigay ng dahilan para ngumiti sa araw-araw, pero hindi buo ang kaligayahan niya. Miss na miss na niya si Wilson. Alam niyang galit pa rin ito sa kanya. He never talks to her. Kay Nana Myrna lang ito tatawag para kausapin si Ryke at sa tuwing susubukan niyang sumingit pagkatapos mag-usap ng mag-ama ay bababaan na siya nito.

Hinaplos ni Sasahh ang screen ng kanyang cellphone kung saan ang latest photo ni Wilson ang screen display. He is dazzling. His smile radiating genuine happiness as he waves at his thousand of supporters. Mukhang naka-move on na ito sa pag-iwan niya. He still the mayor of La Carlota. Muling nanalo si Wilson sa pagka-alkalde sa kabila ng mga batikos na natanggap mula sa mga kritiko nito. Ito pa rin ang pinili ng taong bayan ng La Carlota. Hindi naniwala ang mga taong kasangkot si Wilson sa ilegal na gawain ng senator.

Hindi niya kilala si Wilson bilang alkalde. Mas pinaniwala niya ang kanyang sarili noon na protektor ito ng sindikato. Pero sa pagtatanggol at suporta ng mga tao, masasabi niyang mabuting pinuno si Wilson. According to his supporters, Wilson wasn't insensitive to the needs and problems of others. He had been helping people at his own expense. Sana nasa tabi siya nito at sinasamahan sa tagumpay.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon