CHAPTER 188

2.4M 53.9K 76.3K
  • Dedicated kay Anne Fernandez Rellon
                                    

MAXWELL'S POV

PAGOD AKONG umuwi mula duty. I locked the doors and went to the kitchen to get a cup of tea. I then went in my room, removed my uniform and sat on the couch. I turned on the television and watched the news. I played my favorite classical music before rushing to the bathroom for a shower. That's my typical routine after a tiring shift.

Sinabayan ko sa isip ang musika habang nagbibihis. Ngunit natinag ako nang may marinig na ingay. Nilingon ko ang madilim na gawi ng sala. Tuluyan kong binuksan ang pinto at dumako sa hallway. Tanging ang puting estante ang natatanaw ko sa dulo. Nasa pwesto ko ang liwanag at malayo ako sa switch ng ilaw sa sala.

Wala na akong marinig o maramdaman pa. Lumapit ako sa switch at nagliwanag ang buong bahay. Inilibot ko ang paningin ngunit katahimikan lang ang meron doon. Wala akong makitang kakaiba.

Baka guni-guni ko lang iyon. Napabuntong-hininga ako.

Ngayon lang nangyari iyon sa itinagal ko sa sariling bahay. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng bottled water, binuksan iyon at mabilis na tinungga. Nanuyo yata ang lalamunan ko dahil sa kaba.

Ngunit halos masamid ako nang may marinig na nabasag, at batid kong nagmumula iyon sa kwarto!

Dinampot ko ang baseball bat sa gulid ng ref saka nakikiramdam na bumalik sa kwarto. Gamit ang bat ay binuksan ko ang bahagyang nakasaradong pinto. Hindi ko matandaang isinara ko iyon. Kaya sa sandaling iyon ay batid kong hindi ako nag-iisa rito. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay nakita ko na ang basag nang picture frame. Iyon ang kaisa-isang picture namin ni Chairman no'ng high school graduation. Nang makapasok ay halos panawan ako ng hininga pero gaya kanina ay wala akong nakita. Nag-igting ang bagang ko at naihampas ang baseball bat sa kama.

"What the hell is going on?" asik ko, halos mapadugo ang sariling labi.

Napalingon at kinilabutan ako nang biglang mamatay ang ilaw sa sala. Natutuliro kong nilingon ang pinanggalingan. Ngunit gaya kanina ay ang puting estante lang ang nakikita ko.

Kabado kong dinampot ang cellphone at nag-dial. Ngunit muling natigilan matapos matanawan ang kamay na nakahawak sa door knob. Huli na bago ko makita ang nagmamay-ari niyon dahil pabagsak na nitong isinara ang pinto. Matapos no'n ay kalabog at binabasag na mga gamit, mula sa sala.

"Damn it!" singhal ko saka nagmadaling pinulot ang bat.

Naghahalo ang kaba, panginginig, takot at galit sa dibdib ko. Gusto kong bagalan ang pagkilos ngunit kusa itong nagmadali. Idinial ko ang numero ni Maxpein bago ko binuksan ang pinto ng kwarto. Patay pa rin ang ilaw pero hindi ko na kinatakutan pa iyon. Binuksan ko ang ilaw sa gawi ko saka tinanaw ang sala kahit pa wala akong makita. Muli kong idinial ang numero ni Maxpein habang naglalakad papalapit sa sala. Gamit muli ang baseball bat ay binuksan ko ang lahat ng ilaw at nang magliwanag ay nakita kong nagkalat na ang mga gamit.

"Yoboseyo?" sa wakas ay sinagot ni Maxpein ang tawag ko.

"I think someone's inside my house, Pein." Iyon ang tanging nasabi ko. Ako rin ang kusang pumutol sa linya nang may maramdaman akong malamig at matigas na bagay sa batok ko.

"'Wag mo na subukang humarap. Magsisisi ka." Tinig iyon ng isang lalaki. "Ganito akong bumisita, nakakakaba ba?"

"Who the hell are you?"

"You don't want to know."

"What do you want?"

"Your soul."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon