Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)

13.7K 423 143
                                    

Author's Note: 

Sa kanya 'to dedicated dahil natutuwa ako sa effort nya na makafirst comment palagi sa bawat update! xD Thank you so much po sa pagbabasa! Godbless always and keep inspiring! :)

Sa mga hindi pala nakaalam ng hoopla dance ko. Ito yun ~(^O^)~ LOL! Dami ko tawa habang sinusulat ito. Hope you'll enjoy! LOL.

P.S. Medjo namiss ko ring maghoopla hoopla. Wahaha! Happy reading!

~(^O^)~(^O^)~(^O^)~

OLE! 

♥♥

~unedited

Chapter 68

Nagising ako kinabukasan na nasa loob na ng kwarto sa tinutuluyan naming condo nila Jace. Noong una sa totoo lang akala ko nakidnap na ako. Ayaw kasing rumehistro sa utak ko ang mga nakikita sa paligid. Isa pa, hindi rin naman ganun katagal ang inilagi ko sa kwartong ito para maging ganun kapamilyar.  

Hinanap ko agad ang cellphone ko sa gilid para tawagan si Clarisse. Sa totoo lang kasi hindi ko maalala kung paano ako napunta rito. Syempre una sa lahat, ang alam ko nasa dance studio ang huling lugar kung nasaan ako. Tapos pagkagising ko nandito na ako agad sa kwarto ko?

Ano yun, magic?

"Clarisse! Clarisse! Nasaan ka?" 

Nakauwi na rin kaya yun? Eh si Sophia? Ang alam ko malayo pa ang bahay nun ah! Saan sila sumakay pauwi kagabi? 

"Aray naman freak! Ang aga aga eh mambubulabog." sabi nya sa iritadong tinig. Halatang tulad ko ay bagong gising lang din ang boses nya. 

"Anong nangyari? Paano ako nakauwi kagabi? Nakauwi na rin ba kayo? Kasi ang alam ko umidlip lang ako saglit tapos pagkagising ko nakauwi na ako! Anong nangyari?" mala-armalayt kong tanong. Hindi ako halos huminga dahil kailangan ko ng sagot! 

"Hinay hinay naman. Dudugo ang tenga ko sayo eh bruha ka. Bakit kaya hindi mo itanong jan sa polar mo? Sya ang kumidnap sayo kagabi." 

"Huh? Paanong--" 

"Gosh. Sa tingin ko nasa dreamland ka talaga kagabi noh? At hindi mo na maalala? Sabagay, kung ako rin naman ang bubuhatin ni Souta ng ganun for sure, nasa cloud nine ako!" 

Hindi ko alam yun ah. Tama nga siguro si Clarisse. Nasa dreamland ako noong mga panahon na yun.

"Anong nangyari? Paki-explain?" pero mas lalo akong naging excited.

"Ginawa ba naman ako informant?" mataray nyang tanong. "Wala akong sasabihin sayo dahil wala akong obligasyon. Magtanong ka sa iba kung gus--"

"Sige na. Libre ko ang shopping expenses mo sa loob ng isang linggo." 

"--aba kung ganun pala eh madali akong kausap." At pagkatapos nun nagbago ang tono nya.. Wala na syang paliguy-ligoy pa na nagkwento. 

"Yung pagkatapos nating mag-usap at nagkaroon na ng awkward silencio sa mga pagitan natin..." ito ang O.A nyang introduction. Pagbigyan na. "Kumatok si Jace doon sa dance room para mangamusta. Kinakausap ka nga nya eh pero hindi ka sumagot. Noong nakita namin na nakatulog ka na roon, natawa ng konti si Jace lalo na noong naghilik ka." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon