3

88.2K 3.5K 938
                                    

Third Person POV

Sa ika-sampung palapag ng isang matayog na gusali nakalagay ang isang malawak at modernong opisina. Abala ang isang lalaking nakasuot ng mamahaling amerikana sa pagtipa sa keyboard ng kanyang computer nang pumasok ang kanyang sekretarya.

"Sir, we received an urgent call from a woman named Adelinda Salvacion. She asked me to inform your that you son, Noah, was kidnapped two days ago," Ang pagpapaalam ng isang lalaking nakasuot ng isang itim at plansyadong amerikana at eyeglasses sa boss niya.

Napatigil sa pagtipa si Nathan at nagtaas ng tingin. Matagal itong napatitig sa kanyang secretary gamit ang kanyang pares ng mga malalalim na mga mata. Hindi naman maiwasang ng sekretarya na kabahan at mailang sa ginawang pagtitig sa kanya ng kanyang boss. Pigil ang kanyang hininga at tagaktak ang kanyang malalamig na pawis dahil sa kaba.

"Come again?" Malamig at malalim ang boses ng kanyang amo. Boses na kayang magpaluhod at magpaamo kahit kanino. Ngunit may iba sa dating ng boses nito. Mas mababa, mas malamig, mas nakakatakot. May bahid ng pagbabanta.

"Your son is missing, sir." Ang pag-uulit niya.

Hindi nakalagpas sa mga mata niya ang pagngitngit ng ekspresyon sa mukha ng kanyang boss. Nakaigting ang mga bagang nito at nakakuyom ng mahigpit ang mga kamay.

"Move all my appointments until next week and make sure to connect a call with Joshua," ang utos nito bago muling bumalik sa pagtipa sa kanyang keyboard na para bang walang nangyari.

"Copy, sir. Have a good day." Ang pagsang-ayon ng sekretarya bago tumalikod at naglakad palabas ng opisina.

Austine Villaluz

Pagkatapos naming maghapunan kasama si papa, nagtipon-tipon kaming lahat sa aming cute na sala. Nandito rin si Lovely katabi si kuya. Supportive sister-in-law ang role ng frenny ko ngayon.

Actually, nakatira na silang dalawa ni kuya isang bubong kasama ang pamangkin kong si Aniston.  Diyan lang naman sa kabila ang bahay nilang dalawa pero tuwing sabado ay pumupunta si Lovely sa bahay niya sa kabilang baranggay. Chillax lang naman si papa sa relasyon nilang dalawa dahil bukod sa binigyan na ni kuya si papa ng apo, hindi judger ang papa ko. Nag-judge pa nga ito sa miss gay dito sa barangay.

Tumikhim si papa kaya napunta sa kanya ang atensyon naming lahat. Masyadong excited si mama kaya ayon chinika kaagad kay papa ang nangyari.

"Anong pangalan mo bata?" Tanong niya kay Noah.

Naramdaman kong sumiksik sa tagiliran ko ang bata. Natakot yata sa malaking boses ni papa. Saka malaking tao rin kasi si papa pareho sila ni Kuya Arvy na 6'0 ang height at mamasel ang katawan. 'Di katulad ko na 5'3 lang at sobrang payat pa. Mas mataas pa nga si Chammy sa akin eh.

"Arjo, wag mo naman takutin ang bata. Hindi siya si Aniston na kayang makipag sabayan sayo." Saway ni mama kay papa na ikinatawa namin.

Idol na idol kasi ng pamangkin ko si papa kaya ginagaya nito minsan ang pananalita, galaw at mga gusto ni papa.

Malakas na tumawa si papa. Jusko! Feel ko talaga reincarnation ni Goliath itong si papa.

JB1: The Cold Hearted Father [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon