Chapter 18 - Moment of truth

558 11 2
                                    

Samantala araw ng Valentine's day sa America. Naisip ni Mateo na dalawin muli ang kaibigang si Carson sa Black bean café. Nasa trabaho pa naman ang ate niya. Kaya wala siyang dadatnan sa bahay ng mga ito kapag dumalaw siya doon ng maaga.

Pero maaga pa lang ay pina-deliver na niya ang flowers para sa ate niya at sa pamangking si Lovelyn. Maghahanda daw si Faith ng dinner nila. Kaya pinapupunta nito si Mateo sa bahay ng mga ito para doon mag-celebrate ng Valentines day.

"Mateo, my man!" malakas na bati ni Carson pagkakita sa kanya na papasok sa loob ng café. Sabay shake hands nito nang tuluyan ng makalapit kay Mateo.

"How are you!" pormal naman na bati at tanong ni Mateo dito.

"I'm good, how about you? Let's go to my office, we can chitchat inside!" sagot ni Carson sabay paanyaya kay Mateo papunta ng office nito.

Inalok nito ng maiinom si Mateo pero tumanggi agad siya dahil hindi naman siya magtatagal doon. Pagkaupo niya sa office chair sa harapan ng table ni Carson. Di sinasadyang naiikot niya ang paningin sa kabuuan ng office ng kaibigan. Wala pa ring pinagbago ang opisinang yun mula noong siya pa ang manager doon hanggang ngayon. Hindi niya napagtuunan ng pansin ang opisina nang una niyang dalaw kay Carson. Dahil nga na-divert ang attention niya sa kwento ni Carson na may Filipina itong staff sa café.

Hanggang sa napako ang paningin ni Mateo sa organizational chart ng café. Tumayo siya upang tingnan ang chart ng malapitan. Naalala niya bigla ang sinabi ni Carson na may Filipina itong staff. Nagbakasakali siya na baka nakilala na niya ito sa Christmas party ng mga Pinoy na dinaluhan niya kamakailan lang.

Habang isa-isang binabaybay ng paningin ni Mateo ang bawat larawan at pangalan ng mga staff ay na-stuck ang mga mata niya sa isang familiar na larawan. Tiningnan niya ito ng mas maige upang makasiguro. At nang makumpirma niya kung sino ang nasa larawan ay tila ba tumigil ang oras niya. Hindi siya pwedeng magkamali kung sino ito.

"Mia!" mahinang usal ni Mateo na titig na titig sa picture.

Dahil sa natuklasan at nakita ay biglang tumibok ng napakabilis ang dibdib niya. Hindi siya makapaniwala na nasa malapit lang pala si Mia. Pero naisip din niya na baka namamalik-mata lang siya dahil sa sobrang pagka-miss sa dating nobya.

Kaya naman para makasiguro ay ikinurap-kurap niya ang kanyang mga mata at tinitigan na namang mabuti ang maliit na larawan sa chart. Inilapit pa niya ng husto ang mukha sa maliit na picture at binasa ang maliit na pangalan nito sa baba ng larawan.

Amelia Sandoval Bradly! God, siya nga si Mia. Hindi ako namamalik-mata lang! Bulong niya sa isip. She's married? Damn, totoo nga na married na siya. Dugtong at panghihinayang pa niya.

"Do you know her?" nagtatakang tanong ni Carson. Dahil napansin nito na titig na titig siya sa picture ni Mia sa chart. "She is Lia, the Filipina staff that I'm telling you last time you visited here," dugtong nito.

"Where is she, can I see her?" maagap na tanong niya dahil gustong-gusto na niyang makita at makausap agad si Mia.

"I'm sorry, man. That chart is outdated! She already resigned and left the US," malumanay na sagot ni Carson na walang kaalam-alam sa nakaraan ni Mia at Mateo.

"What do you mean she left the country?" pagtataka niya.

"I mean, she went back to the Philippines for good. You know what man, she is my best employee. But I'm telling you, she is so stunning, so beautiful and so smart. I like her so much, but too bad, she doesn't like me as a man," bida pa nito na halata ang panghihinayang.

"Did she tell you why she wanted to settle back to the Philippines for good?" mahinahong tanong ni Mateo.

"Well, she told me that she wanted to focus on her family. And she's tired of her life alone here in the US. It makes sense. Because I also am tired of this life here. I want to enjoy life, no stress, and no need to wake up early in the morning and drive in a negative 0-degree cold winter!" dire-diretsong litanya ni Carson. "You're so lucky because you're the boss of your own business!" dugtong pa nito sabay nakangiting tinapik-tapik pa ang balikat ni Mateo.

It's never too late to start over again (Coffee and cake 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon