Training Ground (Gathering an Army)

14 1 0
                                    

Takot na takot ang batang si Polo sa nasasaksihang karumal dumal at madugong nangyayari...

Habang hinihintay nya ang kanyang mga magulang sa kanyang silid yakap nya ang kanyang laruang robot na regalo ng kanyang ama..

"Polo...inumin mo na muna itong gatas mo para mahimbing ang iyong pagtulog..." wika ni Aling Isay, ang kanilang matapat na kasambahay.

"Milk! milk! namnamnam yaya..?" bulol na wika ni Polo.

"Oo..oh inum na ha..bait ng alaga ko talaga..."wika ni Aling Isay, at biglang  isang malamig na hangin ang pumasok mula sa nakabukas na bintana..

"oh..bakit nakabukas naman itong bintana..?hindi ko naman ito binubuksan ah...binuksan ko ba..?ah...baka naman kanina..ay naku tumatanda na rin ata talaga ako..." wika sa sarili ni Aling Isay..at lumapit sya dito upang isara ng biglang...

"hah?! sino kayo?! papano kayo nakapasok dito?!anong kailangan nyo?!"naghalong takot at pagkabigla na sambit ni Aling Isay. Dalawang bandidong lalaki na nakasuot ng itim na bonnet ang tumambad sa kanya mula sa bintana at may nakatutok na kutsilyo sa kanyang mukha.

"ssssh..wag kang sisigaw kung ayaw mong gilitin ko ang leeg mo!"pabulong ngunit mariing utos ng isang lalaki. "kunin mo ang bata!" utos nito sa kasama.

Si Polo na gulat na gulat din sa nangyayari...umiiyak subalit walang ingay na lumalabas sa kanyang bibig...nanginginig sa takot yakap ang kanyang laruang robot...
"daddy...mommy...pokot baby polo...mommy...daddy...pokot baby..." bulong ni Polo na habang naguunahan ang luha sa magkabilang mata..pilit na isinisiksik ang sarili sa headboard ng kanyang kama...

Samantala sa labas ng kwarto...

Leticia: Aling Isay...? andyan ka pa ba...? pakibukas naman nitong pinto at papasok kami ng senyor Alfonso nyo.. habang kumakatok ito.

Agad namang tinakpan ng mga bandido ang bibig ng dalawang hostage sa loob ng kwarto upang hindi ito makapagingay.

Alfonso: mahal parang nakatulog na ata ang anak natin...marahil ay napagod sa pakikipaglaro sa ibang bata na kasama ng ating mga bisita kanina...tayo na ring magpahinga mahal alam kong napagod ka rin...

Si Leticia dismayado man dahil di man lang nya nahalikan ang kanilang anak bago makatulog ay sumunod na rin sa kanyang asawa...

Sa loob ng kwarto pilit na pumipiglas si aling isay sa mga braso ng isang bandido...inipon nya ang kanyang lakas para makawala dito at nagtagumpay sya...dagli nyang nadampot ang vase na malapit sa kama at ipinukpok sa ulo ng lalaki..dahilan upang pansamantala itong mahilo...hinablot nya ang bata sa kamay ng isa pang lalaki...yakap yakap nya ito na patakbo sa pinto ng kwarto..."Sir..!tulong.......!" huling sambit ni aling Isay at tuluyan na itong bumulagta sa sahig..pinagsasaksak sya ng lalaking may hawak sa bata kanina...naligo sa sariling dugo si Aling Isay...wala ng buhay...

"Putangina! wala yan sa plano! putangina!" gigil at gulat na pabulong na hiyaw ng lalaking sapo-sapo pa ang batok dahil sa sakit ng pagkakahampas sa kanya ng vase kanina..."Putangina tara na! baka makatunog si Don Alfonso at mga sekyu dito gago! tara na!" muling sabi nito sa kasama.

"Pare paano itong bata?! witness ito!" sagot naman ng lalaking nanaksak. "Hindi pa yan makakapagsalita! tara na!" muling sabi ng isa. At narinig nila ang kalampag ng pinto mula sa labas.

Leticia: Alfonso ano yun? may parang bumagsak o nahulog sa kwarto ni Polo...baka nahulog ang anak natin sa kama ah...

At muling kinatok ng sunod sunod ni Leticia ang pinto ng kwarto.

Leticia: Aling Isay..! Aling Isay...! Polo anak..?! buksan nyo ang pinto..! Anak...? Aling Isay..!

Kinakabahan na si Leticia. nagmamadaling kinuha ni Alfonso ang Master's Key na nakasabit lang sa emergency cabinet na nakakabit sa di kalayuan sa kwarto.

Simon Empire (Polo Simon - The Lost Heir)Where stories live. Discover now