2. Lagring

9.4K 290 35
                                    

Napasilip si Brie sa labas ng bintana nang makita ang tumigil na truck sa katabing bahay. Maraming kargang gamit iyon. Mukhang may uokopa nang muli sa dating bahay ng mga Santos. Nag-migrate na kasi ang mga ito sa Canada kaya't matagal nang bakante iyon.

Si Brie ay mag-isa lang na naninirahan sa kanyang inuupahang bahay. Ulila na siyang lubos sa mga magulang.

Lalo pang nanghaba ang leeg ni Brie nang mula sa kotseng nakatigil sa unahan ng truck ay lumabas ang isang magandang babae.

"Uy, chicks... Maganda 'to ah," aniya sa sarili at curious na sinipat ang bagong kapit-bahay. 'Straight kaya 'to? Sayang naman kung gano'n.'

Inayos ni Brie ang manggas ng suot na oversized t-shirt mula sa pagkakalukot sa braso at nagpasyang lumabas.

'Makapagpa-impress nga sa bagong neighbor.'

Palakaibigang tao si Brielle at hindi niya hinahayaang maging hadlang ang sexuality niya para makipagkaibigan sa iba kahit sabihin pang straight ito.

"Hi, new neighbor!" Over-enthusiastic na bati niya sa magandang babae habang kumakaway. Hindi siya tuluyang lumabas at nakahawak ang isang kamay sa hindi kataasang gate ng sariling bahay.

Napalingon ang babae mula sa pagmamando sa mga lalaking naghahakot ng gamit. Nakakunot ang noo nito at babahagya lang ngumiti.

"Hi," tipid na bati nito at humarap nang muli sa truck at naghalungkat ng gamit sa isang kahon.

"Ay... Sungit ni ate..." Bulong ni Brie sa sarili. Pinagmasdan niya ang babae at lihim na napasipol. Labas kasi ang makikinis nitong hita sa suot na puting shorts. Bakat din ang magandang kurba ng katawan nito sa suot na fitted polo-shirt. Naglakad siya at lumapit sa nakatalikod na babae. "Baka gusto mo ng tulong?"

"Hindi, okay lang. Kaya na nila 'to," anang babae na hindi man lang lumingon. Ang tinutukoy nito ay ang tatlong tagahakot na agad rin namang bumalik mula sa loob ng bahay.

"Okay..." Sabi na lang ni Brie. Napahalukipkip na lang siya habang pinagmamasdan ang babae. "Mag-isa ka lang bang lilipat diyan?" Tanong niya.

Blangko siyang tiningnan ng babae na para bang nagtatanong ng: 'may nakikita ka bang iba?'.

Natulala naman si Brielle nang mapagmasdan ng husto ang babae. Mas maganda ito sa malapitan. Hindi iyong magandang-maganda kundi iyong tipo na habang pinagmamasdan mo ay lalong gumaganda. Ni walang bakas ng make-up sa mukha nito pero ang lakas ng appeal. May pagka-messy pa ang pagkakapusod ng buhok nito at may ilang hibla na kumawala na sa mukha, pero nakadagdag lang iyon sa appeal nito.

"Obviously," anito.

Napaisip si Brielle kung talagang laging one-word lang ito kung sumagot sa tanong. Hindi na lang niya pinansin ang pagsusuplada nito. "Ako nga pala si Brielle. Brie for short," aniyang agad nang inilahad ang kamay bago pa siya muling talikuran nito. "Ikaw, anong pangalan mo?"

Parang napipilitan lang na tinanggap ng babae ang pakikipagkamay niya. "Lorraine," tipid na sagot muli nito.

Ikiniling ni Brie ang mukha. Biglang may dumaang sasakyan at hindi niya nakuha ang sinabi nito. May slight hearing problem kasi siya.  "I'm sorry, I didn't catch that. Was it... Laring?"

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon