4. Fair

6.4K 269 21
                                    

NAPAPAHID ng daliri sa ilong si Brie. "Para sabihin ko sa 'yo... Desirable ako sa maraming tao," pagbubuhat niya ng sariling bangko, "ikaw nga lang itong laging nagtataboy sa 'kin. Malinis naman ako, ah. Mabango. Kahit amuyin mo pa. Wala din akong nakakahawang sakit, kaya hindi mo 'ko kailangang layuan."

Napaismid naman si Lorraine sa sinabi niya.
"Well... Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako kabilang sa mga taong sinasabi mo. At talaga nga bang wala kang nakahahawang sakit?" Anitong tila may nais ipakahulugan.

"Kung gusto mo samahan mo pa 'ko sa doktor ngayon. Papatingin ako," sagot naman niya rito. Hindi na muna pinansin ang pahaging nito. It's not the time yet.

"Sa tingin ko ay hindi doktor ang kailangan mo," sabi pa nito.

"Eh, ano naman?" Pinigil ni Brie na tuluyang mainis dito. Siya naman ang napahalukipkip.

Umirap lang si Lagring. "Wala," anitong ayaw na rin sigurong maka-offend pa at ibinaba na muli ang walis. "Tumabi ka nga riyan. Pahara-hara ka, nagwawalis ako."

Hindi tuminag sa pagkakatayo si Brie kaya't sinamaan siya nito ng tingin.

"Isa—"

"Ayaw," parang batang pagmamatigas niya, "sumama ka muna sa 'kin. Pagkatapos, pangako, tatantanan na kita."

"Hindi ka rin talaga makulit, ano?" sarkastikang wika nito, "hindi ka ba talaga marunong tumanggap ng 'hindi'?"

"Hindi."

Asar na napaangil si Lorraine sa kanya. "Hahambalusin kita nitong walis, makikita mo," pagbabanta nitong nakataas na ang kamay na may hawak na walis.

"Ba't ba ang sungit-sungit mo? Para kang laging may dalaw," ani Brie. Hindi nasindak sa walis ni Lagring.

"Pakialam mo! Sa gusto kong magsungit. Umalis ka na nga riyan! Magpunta ka sa fair nang mag-isa mo. O kaya maghanap ka ng ibang taong makakaladkad papunta roon," pagtataboy pa ni Lorraine. Nangingitngit na nagpatuloy nang muli sa pagwawalis.

Hinarangan ni Brie ang winawalisan nito.

Umunat muli si Lorraine na tila nauubusan na ng pasensya. Pakiramdam ni Brie ay handa na siya nitong bugahan ng apoy sa mga oras na 'yon.

"Sige na... Last na 'tong pangungulit ko, promise. Sumama ka lang ngayon sa 'kin," hindi pa rin sumusukong pangungulit ni Brie.

Binigyan siya nito ng nanunukat na tingin.

Lihim na napangiti si Brie. Umaasang bibigay na din ito sa wakas.

"Pagkatapos nito tatantanan mo na 'ko?" ang tanong.

Hm... Not exactly, sa isip-isip ni Brie ngunit hindi isinatinig iyon. Sa halip ay tumango dito. "Oo." Maybe she could bribe Lorraine just this one.

"Usapang-matino?" Paninigurado nito.

"Oo naman," agad na sagot niya.

Lorraine released a defeated sigh. "Fine. Pagbibigyan kita ngayon —"

Ngiting tagumpay si Brie.

" — pero ngayon lang. Pagkatapos nito ay wala nang susunod, okay? Tantanan mo na ang pangungulit sa 'kin dahil naririndi na 'ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" nakapamaywang pa itong nagsalita para ipahayag ang punto.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon