Chapter 35

103 12 0
                                    

Archer

Matapus kong inumin ang gamot ganing normal na muli ang tibok ng puso ko. Hindi na ako hinihingal masyado. Nakangiti lang ako habang na nonood ng movie. Love story ito at nakakakilig talaga biro'in ginawa lahat lahat ng lalaki ang makakaya niya para sa babaeng pinakamamahal niya. Sana ganon rin sa totoong buhay no.

"Anak, pwedi bang magtanong?" wika ni mama at agad akong lumingon sa kanyang kinauupo'an.

"Bakit ma?" Kinakabahan ako ngayon sa itatanong ni Mama. Kasi pag ganon na siyang magsalita importante ang itatanong niya.

"Archer, alam na ba ito ni Daniel? Ang tungkol sa kalagayan mo? Kasi simula nong dumating kami ng Papa mo ni hindi mo man lang siya pinakilala samin. Mabuti na lang nag text ako kay Dindo"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ulo. Paano ko ipapaliwag ito kay Mama. Ni hindi ko nga magawang sabihin to kay Daniel tapus itong si Mama naman nag tatanong pa kong na saan siya.

"Ma, kasi hindi ko pa kaya" tangin na sagot ko.

"Archer malaki kana alam mo na ang tama sa hindi. Pero Archer karapatan paren di Daniel na malaman niya. Kasi kong hindi mo pa sasabihin sa kanya mas magaalala lang siya lalo sayo"

"Pero na tatakot ako na kapag nalaman niya na may sakit ako lalayo'an niya ako"

"Archer, alam kong ma bait na tao si Daniel hindi kanya pababayaan at isapa nagaalala na talaga siya ngayon sayo. Ang gusto ko lang naman Archer maging honest ka. Kaya nga sinagot mo si Daniel dahil gusto mo may taong gagabay sayo at tutulong. Ano pang dahilan na sinagot mo siya kong ganito lang naman ang gagawin mo."

May point naman si Mama. Pero what if nga, paano kong bigla niya na lang akong iwan na parang bula, paano kong hihiwalayan niya ako dahil sa sakit ko. Hindi ko makakaya yun pag nagkaganon. Pero ayoko talaga dahil pagnalaman niya ito magaalala talaga siya sakin. Kaya nga ayoko pati ako iisipin niya pa.

"Ma, hindi ko talaga alam ang gagawin ko."

"Archer kong mahal mo talaga si Daniel, sundin mo ang sinasabi ko. Kong aalis siya hayaan mo at least ginawa mo ang part mo bilang girlfriend niya"

"Ma, salamat talaga dahil kong wala ka hindi ko na talaga alam ang gagawin ko"

"Nan dito lang ako palagi para sayo. Kaya wag mo ng hintayin pa na magiba ang hihip ng hangin"

"Okay ma"

"Archer susundan ko muna si papa mo sa mall, kasi may binili siya at kailangan niya ng tulong ko. Alam mo naman ang Papa mo masyadong abnormal. Anak gusto kong puntahan mo ngayon si Daniel at ipaliwanag mo sa kanya ang tungkol sayo. Okay?"

"Gagawin ko po Mama"

Tumayo na ako sa kinauupo'an at dumiretsyo na sa kwarto. Saktong pag pasok siya naman pag ring ng cellphone ko. Kaya dali dali ko itong kinuha.

"Hello? Sino to?" pagtatanong ko.

"Sa wakas sinagot mo naren. Archer si Daniel to ginamit ko ang cellphone ni Jungie dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Kaya na isipan ko na sa ibang number na lang kita tatawagan"

"Daniel, pwedi ba tayong mag kita?"

"Oo naman Archer, alam mo miss na miss na takaga kita. Tatlong araw kang hindi nagparamdam sakin. Alam mo bang magtatampo na sana ako kaso hindi na na tuloy dahil sinagot mo ang tawag ko"

"Ikaw talaga ang dami mo na naman mga palusot. Na wala lang ako ng tatlong araw ang drama mo na mag salita"

"Archer naman miss na miss lang talaga kita, pag bigyan mo na ako. Susundo'in na lang kita sa inyo ngayon para sabay na tayo"

Seducing Daniel Heart - Complete Where stories live. Discover now