Chapter 14

52K 949 28
                                    

Chapter 14

Habang nag lalakad kami palabas ng elevator ay hindi nya mapigilan ang matawa, kanina pa sya tawa nang tawa ako naman ay kanina pa badtrip nakakainis! Tuwang tuwa siya dahil sa reaksyon ko kanina.

"Declan, umayos ka nga diyan!" Inis na sabi ko sa kanya, kung hindi sya tatawa ay ngingisi naman.

Sa totoo lang pag nangisi siya para siyang adik na tambay sa kanto iyon nga lang gwapo siya at mas lamang ng maraming beses na paligo.

Psh, hindi naman talaga made-deny ma gwapo siya kaya fine.

But Still he's still annoying, like what the ef? He's saying na nag seselos ako kahit hindi naman duh.

"Come on, Nev ang cute mo pag nag seselos." tumawa nanaman siya. Hindi ba siya nahihiya? Pinag titinginan na kami ng mga tao, eh!

"Declan, Isa pa tamo iiwan kita dito, sabing hindi nga ako mag seselos eh!" Napalakas ang sigaw ko dahil sa inis at naging dahilan iyon para mas makuha namin ang atensyon ng mga tao.

B'wisit talaga.

"Oww, sorry guys. My baby is bad mood Because of  mens?" Humalakhak siya na para bang sobrang nakakatawa ang sinabi niya.

Huminga ako ng malalim at matalim siyang tinignan. Ang lakas talaga ng trip niya ngayon at sobrang hindi na nakakatuwa.

"Bwisit ka bahala ka na nga d'yan." Tinalikuran ko na siya at na naunang mag lakad sa parking lot ng building pero kumunot ang noo ko ng hindi ko nakita roon ang sasakyan niya, nasaan iyon?

"Nev, wait Hahahah you're cute," Inis ko siyang nilingon, ang bilis naman nito mag lakad.

"Sa'n tayo sasakay?" Tanong ko sa kaniya, hindi na pinansin ang pinag sasabi niya.

"Hhmm, doon."  Turo niya kung saan kaya naman sinundan ko iyon ng tingin at nanlaki ang mata ko ng makitang motor iyon.

Seryoso ba siya?! Mabilis akong umiling.

"Ayoko sumakay sa motor, Declan." Iling ko.

"Why? Marunong naman akong mag motor kapit kalang sakin, okay?" He pat my head, mas uliling ako, ayoko ng idea niya 'no.

"Bakit mo'ko pinag dress? Kung mag momotor tayo?" Pinag taasan ko siya ng kilay.

Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa at natigilan tsaka mahinang napamura.

My forehead creased, what now?

"Shit, bakit hindi ko napansin? Hindi naman yan 'yong dress na pinakita ko eh, Yung over all tara mag palit ka, bat ba diko napansin shit." Anong inig niyang sabihin? Eh kano pala ito kung hindi ito ang isu-suot ko?

Hindi na ako nakapag tanong pa ng hilahin na niya ako papasok ulit sa building.

"Atat na atat ka kasi tapos kasalanan ko pa?" Inis na bulong ko.

Nang tumingin ako sa harapan ay elevator na ang sumalubong sa amin, bumukas iyon at agad na kaming pumasok ni Declan, mabuti na lang at kami lang ang laman.

"Eh, bakit ba kasi tayo na ka motor? Nasaan ang kotse mo?" Tanong ko kasabay ng pag bukas ng elevator.

"Wag na maraming tanong, love." Sabi niya ng makapasok kami sa unit, hawak ang kamay ko.

"Mag palit ka ng overall, okay? Go." Dagdag niya ng makarating kami sa harap ng kwarto, binuksan niya ang pinto at tinulak ako papasok sa loob.

Mabuti na lang at nakapag balance ako agad dahil kung hindi natumba ako rito. Gggrr, Declan!

Started With a Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon