Chapter 33

120K 3.6K 874
                                    

"Nasaan ang mag-ina ko?" Wilson asked, slightly frowning as he's trying to figure out why on Earth Poleng is wearing skimpy swimwear while carrying a try of barbecue.

"Nasa likod po, Mayor, nagpo-pool party kami."

"Oh, I see. Kaya pala ganyan ang suot mo. Akala ko inatake ka na naman ng toyo mo sa utak," biro niya kay Poleng.

"Napaka-sexy ko, ano, mayor?" Umikot pa ito.

"Pero si Señorita Sasahh, sobra ang ka-sexy-han. Kaya hindi kataka-taka  na muntik ka nang mabaliw nang iwan ka niya."

"Pinagsasabi mo? Muntik akong mabaliw dahil sa anak ko at hindi dahil kay Sasahh."

"Naku! Deny pa more! Mayor, kapag nalalasing ka, umiiyak ka po, tinatawag mo ang pangalan ni Señorita Sasahh. Minsan nga napagkamalan mo pa akong si señorita, mantakin mo gusto mo akong halikan. Muntik na nga sana kitang pagbigyan, hindi lang talaga kita type." Humalakhak si Wilson sa mga pinagsasabi ni Poleng. Ayaw niyang paniwalaan ang kwento nito pero vinideohan siya nito habang lasing na lasing siya, umiiyak at tinatawag ang pangalan ni Sasahh at ni Ryke.

"Hoy, Poleng! Huwag na huwag mong sasabihin kay Sasahh 'yan, ah? Lalaki lang ulo niya kapag nalaman niya 'yan. Saka natauhan na ako ngayon. Hindi na ako in love sa kanya."

"Weh? Eh, bakit po papakasalan mo?"

"Para kay Ryke!" Nayayamot niyang tinalikuran si Poleng at nagpatiuna na sa pool area. Hinding-hindi siya aamin sa totoong nararamdaman niya sa pagbalik ni Sasahh.

Hindi lang si Sasahh, at ang mga bata ang masayang naliligo. Naroon si Simon, ang kanyang bodyguard, tinuturuan si Ryke sa paglangoy habang ang kambal ay nasa kanya-kanyang sa lifesaver. Nakabantay sa mga ito si Sasahh.

Hindi  niya isinama si Simon sa lakad niya ngayon. Pinasahaman niya kasi sina Sasahh na mamasyal kanina. Kung wala lang siyang gagawin ay siya na lang sana ang sumama sa mga ito.

"Grabe ang alindog ni Señorita! Pag-umahon siya mamaya sa tubig makikita mo ang suot niya. Kahit si Simon hindi mapigilang mapatitig sa puwet niya." Biglang naibaling ni Wilson ang mukha kay Poleng na nasa tabi niya.

"Ano? Tinitigan ni Simon ang puwet ng asawa ko?" He could feel his blood rushing to his brain from his feet.

"Relax lang po, yorme. Natural lang 'yon, ako nga muntik ko nang makalimutan na babae pala ko." Ngingisi-ngisi si Poleng na tinungo ang mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain at inilapag doon ang tray.

Nagtagis ang mga ngipin ni Wilson nang sa pagbalik niya ng tingin sa pool ay nasa likod na ni Simon si Sasahh. Nakahawak sa mga balikat nito.

"Ang sarap sigurong pisilin ng maskels ni Simon." Si Poleng na muli siyang binalikan. May dalang hotdog na nakatusok sa barbeque stick.

"Tingnan mo si Señorita at panay ang pisil sa broad shoulders ni Simon. Kay gwapong bodyguard! Lalaking-laki ang datingan. Moreno, matangkad tapos may tattoo pa sa braso. Ruggedly handsome." Malaking kagat ang ginawa nito sa hotdog bago muling umalis.

Dikit ang kilay na ibinalik ni Wilson ang atensiyon sa pool. Sasahh is now cheering Ryke who's trying to swim. Nakadapa ang bata sa nakalahad na kamay ni Simon at paminsan-minsan ay binibitawan.

"Simon!" Malakas niyang tawag sa pangalan ng lalaki. Sabay-sabay na bumaling sa kanyang kinaroroon ang dalawa pati na rin si Ryke na malapad na ngumiti nang makita siya. Kumaway pa ito sa kanya.

"Umahon ka riyan, Simon! Ako na ang magtuturong lumangoy sa anak ko." Sinimulan niyang kalasin ang butones ng polo. Hinubad iyon ay itinapon sa chase lounge, isinunod ang sapatos at pantalon hanggang sa isang puting briefs na lang ang natira sa saplot.

Fatal Attraction 3: La Impostora Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon