Chapter 26

28.3K 831 212
                                    

Bridgette's POV

"This one is from Tita Levie" basa ni Chelsea sa regalo na hawak nito at inabot kay Jane.

"Wow!! Dresses for my Barbies!!" tuwang tuwa nitong sabi at nagtitili pa habang bilib na bilib sa mini wardrobe na regalo ni Levie. Isa itong mga maliit na cabinets na may lamang iba't ibang klase ng damit sa loob.

"And.. this one is from me" pag-ngiti ni Chelsea sa aking anak.

"Thank you, Mommy!!" nakangiting sagot nito na ikinagulat naming dalawa.

"Why Mommy?" tanong ni Chelsea sa bata.

"Because I like you to be my other Mommy" inosenteng sagot ni Jane.

Napatingin naman saakin si Chelsea at ako naman ay nagkibit-balikat lang at tinawanan ito ng kaunti.

"Well, I would love that. But ask your Mommy Bridgette if I can be your another Mommy"

Humiwalay naman ito kaagad kay Chelsea at tumakbo papalapit saakin and I let her sit on my lap. Hinawakan nito ang dalawa kong pisngi, "Mommy can I have Tita Chels to be my another Mommy?" tanong nito na medyo nabubulol pa.

"Let me think about it first.."

"Please Mommy!! Please Please Please?" Pangungulit nito na ikinatawa ni Chelsea

"Fine. Ofcourse you can have her as another mommy" ngiti ko dito at pinaghahalikan ang pisngi nito.

"Yey!!!" Tuwang-tuwa na sagot nito at nagtatalon pa sa couch na agad ko naman binawalan dahil baka mahulog pa ito.

For the whole Christmas morning, nagkulitan lang kaming tatlo sa bahay tapos by lunch ay naisipan naming mag movie marathon ng Disney movies sa Theater Room. Nang sumapit naman ang gabi ay inanyayahan kami ng parents ni Chelsea na doon mag-dinner sa bahay nila.

"Good Evening po" bati ko sa parents nito at nagmano. Pinag-mano ko rin si Jane sa mga ito pati narin sa kay Alejo at sa asawa nito.

"Good Evening, Bridgette.. It's nice of you to accept our invitation" wika ni Tita habang niyakap ako.

"It's my pleasure po, Tita"

"Ang laki na ng baby girl mo.." sabi nito habang pinagmamasdan si Jane na nakikipaglaro kila Yohan at Yunice.

"Oo nga po e, mag-3 years old na po.." pag-ngiti ko rito habang naglalakad papuntang sala.

"Kamusta na sila Florencia at Bernardo?" tanong nito sa mga magulang ko.

Hindi naman ako nakasagot agad, "I think they are outside the country po, Tita"

"Oo nga naman, tumatanda na sila.. Parang kami rin ng Tito mo, pumapasyal-pasyal nalang dahil hindi na bumabata" wika nito habang umupo kami sa sofa. "I don't mean to pry, nagkakausap naman ba kayo?"

"Hindi po" diretso kong sabi.

Bumuntong-hininga ito at ipinatong ang dalawa nitong palad sa kamay ko. "Kahit anong mangyari, mga magulang mo parin sila"

Ngumiti ako rito at tumango, "Marami pong salamat, Tita"

"Anong nangyayari dito" pag-singit ni Chelsea at curious na nakatingin sa kamay naming dalawa ni Tita Victoria.

"Wala naman, pinaghahanda ko lang 'tong si Bridgette dahil paniguradong sooner or later ay mawawalan ito ng pasensya sayo.." pang-aasar ni Tita kay Chelsea.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon