Chapter 23

82K 2.8K 328
                                    

Dedicated to empresssaji, Pinkynami, nicajeanpetallar, LaePeraman, CherryMaePascual, JealousYssa, Freeey Yan, a-z09275835864, july_22, shasha_30, ice_bluenzzer, parkjiyeon_Lkim, KzelKulit. 

Happy 35k+ 




Chapter  23: Ate and HIM



Fuschia's POV


Nang makarating kami sa cafeteria ay ramdam ko na agad ang atensyon na ipinupukol nila sa aming apat.



"Even she's nerd, she's cool."

"They're awesome a while ago."

"They look professional players."



Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng cafeteria at agad kinuha ang aming biniling energy drinks. Maski ang tatlong kasama ko ay wala na ring pakielam pa sa paligid.



"Oh life. Mas nakakapagod pala ang maging player than our activities." Rinig kong bulong  ni Lexine pagkatapos uminom. Hell yes. Tama din naman ang sinabi niya. But guns has more thrill than balls.



I hate their eyes kaya naghanap na lang kami ng pwesto sa grounds at saktong sakto ang puno na dati ko nang tinulugan. Umakyat kami doon at panamantala silang umidlip. We still have one hour to rest. Dahil mamaya may laban na naman. Saglit na napatitig ako sa mga kasamahan ko na nakatulog na. 



Angels but demon inside. 



What an irony. But behind those masks are ladies who's longing for love. Kung hindi lang nangyari ang lahat ng bagay noon. Marahil isa lang kaming grupo ng kababaihan. Mga papasok na babae na tarantang gagawa ng assignments habang may klase. Mga babaeng shopping lang ang alam. At mga babaeng kikiligin kapag dumaan ang kanilang crush. Typical student life. But too different for us because, were extra ordinaries.




Natigil ang pagiisip ko nang makarinig na hagulhol. Tiningnan ko kung saan ito nanggaling and my eyes almost widen when I saw where that sob belongs. A child. 



Agad akong bumaba at tiningnan siya. Anong ginagawa ng isang bata dito? Bahagya pa akong natigilan at napatitig sa mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali. May kamukha siya. Hindi ko lang masabi kung sino dahil hindi ko lubos maalala. Her face screams innocence. At para din siyang manika.



"Why are you crying?" I asked na ikinabigla naman niya. Pero bigla nitong inilagay ang kanyang hintuturo sa labi na senyales na huwag daw ako maingay. Bipolar child. Umiiyak kanina pero ngayon parang takot pagalitan at nakangiti lamang.

EMPIRE HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon