Broken

3.4K 63 0
                                    

Jennie

Three days na ang nakakalipas ng magkausap kami ni Lisa sa rooftop and since then never ko na siyang nakita ulit. Hindi pa den siya bumibisita ulit kay Dad simula non. Today is the day na ililipat na namin si Dad from the ICU to a private room pagtapos ng operation niya 3 days ago. Nang magising si Dad ay agad niya kong hinanap pati na rin si Lisa. He asked me what happened at ikinuwento ko naman ang lahat. I told him that he collapsed at dinala namin siya dito. I also told him that Lisa helped with the operation, that she was there to ensure his safety and I still remember the words na binitawan niya "I never doubted her. I know she can conquer it". Gustong gusto ko nang tanungin si Dad kung bakit huminto si Lisa on being a nurse pero I guess it's not the right time yet since nagpapagaling pa siya, saka na lang muna siguro.

"Jen okay na. Pwede na siya ilipat" sabi ni Seungho matapos niyang asikasuhin yung transfer papers ni Dad then I nod and smiled at him.

Araw araw nandito si Seungho para samahan ako at tulungan sa mga papeles na dapat kong asikasuhin para kay Dad. He also keeps me updated sa mga pangyayari sa team ko sa New York. Seungho instructed my team na sa kanya na muna magreport since I have some important matter to attend here. Sabi ko sa kanya na kaya ko namang pagsabayin but he insisted to do it on behalf of me and I can't thank him enough dahil sa kabutihan niya sakin eversince.

When we successfully settled Dad inside the room ay nagdecide kami ni Seungho na mag grocery na muna ng mga pwede naming iistock sa room ni Dad para naman hindi siya magutom.

"Seungho, thank you for everything" sabi ko naman while holding his hands habang nandito kami sa kotse niya matapos naming mag grocery.

"Anything for you Jen" he said giving a huge smile that also made me smile.

After a few minutes of driving ay narating na namin ang hospital. Seungho told me crazy things that Mina told him regarding sa go see ng mga models for the fashion show. Tuwang tuwa siya habang ikinukwento niya sakin kung paano aksidentang nadulas yung model in front of Mina during the audition. Mina even send him the cctv footage of the poor girl.

"Ang sama niyo" sabi ko naman habang tumatawa sa pinapanood niya saking video.

"Pampagoodvibes lang. Besides, natanggap naman siya so okay lang na pagtawanan ko siya ngayon. Sana lang mapigilan kong tumawa kapag nakita ko na siya during the show haha" malakas na pagtawa niya bago kami pumasok ng room ni Dad.

Natawa na lang den ako dahil nakakahawa yung tawa niya but I got shocked when I saw Lisa sitting beside Dad and she was looking at me. Nagtama yung mga mata namin and I can feel how Seungho snaked his hand at the small of my back. I gulped on how intensely Lisa looked at Seungho's hand kaya naman agad akong kumilos at lumapit kay Dad. I gave him a kiss on his forehead.

"I think I need to go" pagpapaalam ni Lisa kay Dad.

We just came in and gusto niya na agad umalis. Maybe she really doesn't want to see me.

"I thought may sasabihin ka kay J--" sabi ni Dad but Lisa cut him and said, "Next time na lang Dad may appointment pa pala ko"

Mabilis siyang lumabas sa kwarto ni Dad at wala akong nagawa kundi panoorin lang siya. I saw how my Dad shook his head matapos makaalis ni Lisa.

"Why?" tanong ko.

"She said she will tell you something" sabi ni Dad.

"Tungkol san?" tanong ko naman.

"Sa inyong dalawa daw" sabi niya without looking at me and reading his newspaper.

"Bakit hindi niyo agad sinabi?" sabi ko naman.

Officially Yours 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now