End of Day 1

3.3K 72 4
                                    

Jennie

"Tara" pag aya ko sa kanya pagtapos ng moment namin dun sa burol. Masyadong maganda ang Batanes para magstay lang kami sa iisang lugar.

Inaya ko si Lisa and she continue to drive hanggang sa marating namin yung Chavayan Alleys. It is an old village known for its stone houses. I like this place coz it's not too crowded. Konting foreign tourists lang daw kasi yung nakakarating dito sabi ng mga locals. Huminto kami sa isang tindahan para bumili ng snack at softdrinks at habang nakaupo kami sa upuan sa tapat ng tindahan ay may nakilala kaming mga tubong taga Batanes at kinuwentuhan nila kami about the history of this Village nung malaman nilang turista kami. According to them, some of the stone houses here are over hundred years old na. Nagsimula daw gawin ang mga bahay na to nung panahon pa ng mga kastila. Tinuruan daw umano ng mga kastila ang mga ninuno nila para mabuo ang mga bahay na bato na magandang panlaban sa mga bagyo na madalas pumasok dito. I was amazed nung makita ko ng malapitan yung itsura nung stone houses. Kung titignan mo siya mukha lang siyang pinagpatong patong na bato which roof is made out of cogon, pero sabi nila napakatibay ng bahay na to at wala daw bagyo ang makakatibag nito. Well, we believe them kasi hindi naman to tatagal ng isang daang taon kung hindi talaga to matibay. Bukod sa mga stone houses na to ay naamaze den ako sa 'vakul' which is a traditional Ivatan headdress, made out of local grasses and palm trees. Sabi nila panlaban daw to sa init at ulan. At syempre hindi naman makukumpleto ang tour namin dito kung hindi namin masusubukang magsuot ng vakul. Lisa and I took a selfie wearing a vakul.

"Akin na picturan ko kayo" sabi nung isang local na babaeng nagkukuwento samin kanina.

Isa pa sa mga nagustuhan ko dito sa Batanes ay yung mga hospitable at laging nakangiting mga locals. Napaka accommodating nila at hindi mo mararamdaman na nasa ibang lugar ka dahil they will always make you feel at home.

When the woman extend her hands towards Lisa, agad niya namang inabot dun sa ale yung phone niya at saka siya bumalik sakin. She stood beside me and she snaked her hands at the small of my back and she pulled me closer to her then we both smiled.

"Isa pa" sabi nung ale.

I faced her and I reached for her cute cheeks and I piched it. I leaned closer to her making our faces near from each other and I pouted my lips, like I was about to kiss her while looking at her doe eyes habang siya naman ay bahagyang nakayuko at nakangiti habang nakatingin rin sa mga mata ko.

"One, two, three, smileee"

Click

Binitiwan ko yung mukha niya at lumapit ako dun sa ale na may hawak ng cellphone ni Lisa. Lisa followed me at habang papalapit naman ako ay biglang nagsalita yung ale.

"Bagay kayo. Ang cute niyo pareho" sabi niya ng nakangiti habang tinitignan yung mga litratong kuha niya sa phone ni Lisa.

Napangiti naman ako. She gave me Lisa's phone and I looked at it. Cute. I love these photos. I should get my copy before we part ways. I was busy looking at the other photos when I got startled ng biglang magsalita si Lisa. She's now backhugging me, resting her chin on my shoulder habang nakikitingin sa phone niya. I tilted my head a little and I raise the phone higher para mas makita niya.

"Narinig mo yun love, bagay daw tayo, ang cute ko daw" sabi niya na tatawa tawa.

I smiled. "Ang sabi ni manang cute TAYO" I said emphasizing the word TAYO.

"Hindi ka naman cute eh" sabi niya while chuckling.

I furrowed my brows and I turned my head on the side to look at her. She's teasing me now huh!

Officially Yours 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now