Chapter 44

17.4K 679 313
                                    



Kennie's POV

"Kennie, anak. May bisita ka." naglalaro ako sa likod ng bahay namin kung saan may court kami nung tinawag ako ni Mommy na nasa balcony ng kwarto nila.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis ko gamit ang tshirt kong suot. Tumingin ako sa lady butler ko. Naintindihan nya agad ang tingin ko at sinundo ang bisita na tinutukoy ni Mommy.

"Bakit hindi ka magbihis?" tanong ni Mommy.

"Nah, hindi rin magtatagal kung sino man 'yon." sabi ko. Kinuha ko ang bola at drinibble.

Tumakbo ako papunta sa ring pero iniisip kong may kalaban ako sa harapan ko kaya naman tumitigil ako at nag-crossover. Humakbang ako sa kaliwa kasabay ng pagpasa ng bola sa kanan at sa kanan dumaan. Mataas na tumalon ako at nag-dunk. Hindi ako bumaba agad. Nakalambitin lang ako sa ring. 

"Woah!" boses pa lang ay kilala ko na. Tumalon ako sa semento at tumingin sa kanila

"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Kennie." may bantang tono na sabi ni Mommy. Napatingala silang lahat kay Mommy.

"Hello, Tita!" bati nilang lahat. Ngumiti si Mommy at binati din sila.

"Kennie, magbihis ka na muna kaninang madaling araw ka pa nandyan." sabi ni Mommy.

Buntong hininga ako. Wala pa ngang alas nueva pinapatigil na nya ako.

"Hintayin ninyo ako sa sala. Lady butler pakiasikaso sila." sabi ko. Umuna na akong pumasok sa loob at nagtungo sa kwarto ko. Dumiretso ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng white polo shirt at pants. Cotton slippers lang sinuot ko since dito lang naman sa bahay. Bumaba na ako pagkatapos. Tinignan ko ang mga bisita ko na masayang lumalatak ng pagkain inihain sa kanila.

"Wow! Kennie! Nasa bahay ka lang pero para kang aalis." sabi ni Julia.

"Ganito talaga ang sinusuot ko kapag nasa bahay." sabi ko at umupo sa tabi ni Rigel. Pinaggigitnaan namin sya ni Zandy.

"Tapos kapag aalis ka, tshirt at pants lang?" sabi ni Joella. Nakitbitbalikat ako.

"Anong pinunta ninyo dito?" tanong ko sa kanila.

"Mas mayaman pa pala kayo sa Walker Family." sabi ni Julia na hindi sinasagot ang tanong ko. Nililibot nya ang tingin nya sa paligid.

"Siguro." sagot ko. Hindi kami ganito kayaman noon pero nung nakilala ni Mom ang pinsan nyang si LA at Louch Levinson ay bigla na lang gumanto ang buhay namin. Nung una hindi pinansin ni Mom ang kambal na Levinson na 'yon dahil iniisip nya na kaapelyido nya lang pero nung nagkakilala sila at nagpa-DNA, doon nila nalaman na magkadugo sila. Doon na tinulungan ni Mom ang kambal na Levinson sa mga business na iniwan sa kanila ng parents nila at ilan sa business ng kambal ay binigay sa mga Kuya at Ate ko.

Walang interest ang kambal sa business pero kailangan nila itong pangalagaan dahil iniwan iyon ng parents nila. Tinutulungan lang sila ng mga kaibigan nila at sila Mom. Kaya ganito kami kayaman dahil sa kanila. 

"May sarili ka pang butler." sabi pa ni Julia.

"Bawat miyembro ng pamilya may sari-sariling butler at maid." sabi ko. Napanganga si Julia sa sinabi ko.

"Gaano kayo kayaman?" tanong ni Lee.

"Kung ang angkan ng Levinson, siguro triple ng yaman ng Walker." sabi ko. Nakikita ko sa kanila ang pagkabigla sa nalaman. Hindi ko sila masisisi, dahil ang pamilya ng kambal ay napakayaman. Tatlo ang school na meron sila, may limang klaseng business na merong halos sampung branch bawat isa, meron din silang isla at sa pagkakaalam ko, sila ang Gangster King at Queen.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now