KABANATA 20

7.3K 403 71
                                    

Lucio's P.O.V.

Sinindihan ko ang isang palito ng posporo at inihagis ito sa pugon (1). Agad namang kumalat ang apoy sa nakasalansang panggatong. "Anong pang ginagawa mo? Pumasok ka na rito."

Nakatayo lamang kasi ito sa may pintuan habang nakangangang sinusuyod ng paningin ang kabuuan ng loob ng aking silid.

"Bakit ang dilim dito? Wala bang ilaw rito, gasera, o kandila man lang?

"Ito oh!" Itinuturo ko ang pugon, habang umuupo ako sa isa sa dalawang sopa na nakaharap dito."

"Yan na ang ilaw mo rito?" nakasimangot ito habang marahang binabagtas ang ikalawang sopa sa aking kaliwa.

"Hindi ako makatulog sa maliwanag na silid."

Hindi pa rin ito humihinto sa pagsuyod ng tingin sa paligid habang kinakapa ang ikalawang sopa na sa maglaon ay inupuan na rin niya.

"Eh..." dumako na ang mga mata nito sa lumalaking apoy sa pugon. "Saan naman ako maaaring matulog dito?"

"Do'n," mabilis kong inginuso ang malapad at mataas kong kama sa aming bandang likuran, "sa kama ko."

Nilingon nito agad ang higaang tinutukoy ko. Palihim naman akong napangisi sa hindi maipintang reaksyon nito.

"Kama ba 'yan?" nakatingala ito. "Bakit ang taas? At may dingding, maliit na bintana, bubong at hagdanan pa!" Itinuro nito ang paikot na hagdanan sa may gilid nito. "Ano ka?" nakatingin na ito sa akin, "ibon?"

Hindi ko na naitago ang paghalakhak ko.

"Ayaw mo niyan? Sigurado ka na ngayon na walang nagtatagong impakto sa ilalim ng kama ko. Kita mo naman. Hawan ang ilalim. Lampas tao. Labing-limang piye ang taas."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2019, All rights reserved.

"Ano ba 'yan?" tumayo ito upang lapitan ang paanan ng hagdan. "Nakapakawirdo mo naman. Ngayon lang ako nakakita ng kamang ganito. Parang bahay ng ibon, sa loob ng napakadilim at napakalamig na silid." Inumpisahan na nito ang paghakbang paakyat. "Eh, kung dito nga ako matutulog, saan ka?"

Tumayo na rin ako at tinungo ang kanyang kinaroroonan, "diyan din, saan pa? 'Yan lang naman ang kama sa silid na ito?"

Huminto ito sa pag-akyat at agad na pumihit paharap sa akin. "Ano?!" Namimilog ang mga mata nito. "Magtatabi tayo?!"

Nginisian ko ito, "puwede rin namang hindi, 'yun naman eh, kung gusto mong matulog sa sahig. Dito sa ibaba. Puwede ring sa sopa. 'Yun nga lang, kailangan mong matulog nang nakaupo."

Muli itong sumimangot. "Bakit ako?"

"Alangan namang ako, bahay ko 'to, 'di ba?"

Muli itong pumihit at humakbang paakyat. Palihim naman akong natatawa sa pagdadabog nito sa bawat baytang na animo'y isang batang nagmamaktol, "ano ba 'yan?" nang makarating na ito sa pinakaitaas. Sumisilip ito sa loob. "Ano ito, nitso? Ang dilim!"

Hindi ko ito sinagot, bagaman nang lumingon ito sa akin ay nahuli ako nitong nakangisi. Agad ko namang inayos ang pustura ko at kunwa'y naging siryoso. "Katulad nga ng sinabi ko. Sa lubos na kadiliman lamang ako nakakatulog."

Muli itong sumulip sa loob. "Malinis ba 'tong kutson mo? Baka mamaya, isang dekada na 'tong 'di napapalitan ha?!"

"Wag kang mag-alala. Pinapalitan 'yan kada ikatlong araw."

"Tsk!" Humakbang ito ng ilang baytang upang hilahin ako sa braso. "Ikaw nga mauna, baka mamaya may mga impakto rito sa loob.

Sumunod naman ako sa gusto niyang mangyari. Nagtungo ako sa may pintuan at pagkatapos ay nagsindi ng layter upang maipakita ko sa kanya kung ano ang nasa loob. "O, tingnan mo. Kutson at mga unan lang 'di ba? Puting-puti ang mga punda, kobre kama at kumot kaya malinis 'yan. Amuyin mo pa kung gusto mo!" Pagkapatay ko ng layter ay isa-isa ko namang hinuhubad ang aking sapatos at inilagay ito sa gilid ng pinakamataas na baytang.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon