016

361 38 85
                                    


miss jinea
─────────────

Synver

Pasan na pasan ko si Hixiel sa likod. Now I realized kung bakit tinutukso siyang biik nila Leirand. Ang bigat niya para sa isang babae.

"Steilah?" tawag ko sa babaeng nakatayo sa labas ng gate. She looks relief ng makita niya ako and napatingin siya sa babae na nasa likod ko.

"Saan ba kayo nang galing? You know what natakot kami akala namin may nangyari sa inyong masama" ginulo ko lang yung buhok niya

"Stop doing that Synver alam mo bang mahirap ayusin yung buhok? Anyway galit parin si Huero. I don't know what happened basta yung sinabi niya lang iniwan daw siya Hixiel eh wala namang sila, just kidding. Pero totoo talaga yung galit si Huero" hindi talaga magandang ipagsama yung dalawang ito. Knowing na nagkakainitan lagi sila. Like a negative result when you combine incompatible chemicals, it explode.

"Tamang tama lang dating niyo kasi kakain na daw tayo. Kuya De and Ate Ila is also there pati sila Snow. You know the people we want to avoid" I remember na kailangan ko pa sila pag sabihan na we need Ms. Jinea to know what happened.

Napatigil ako sa paglalakad ng lumabas si Huero which I can hardly tell he's really annoyed.

"Ibigay ko nalang si Hixiel sa kanya baka madamay pa ako sa inis nito"

"Ano ba Synver pag binigay mo baka balian niya ng buto yan. Sabi niya pa kanina na babalian niya para hindi na makalayo sa kanya" bulong pabalik ni Steilah. Isa siya sa nakakatakot galitin isali mo na rin si Gallem.

"Pumasok na kayo at kakain na" malamig niyang tugon pati yung tingin niya sa amin. Tinopak na naman ang lalaking ito.

Nauna siyang pumasok at sumunod agad si Steilah. Habang ako naiwan dito sa labas. Mukhang sasakit katawan ko bukas. Ang bigat kasi ni Hixiel.

Pumasok na ako sa dorm at agad naman tumungin yung mga nasa hapagkainan. Minsan ma issue din mga ito. Tignan mo nga mga tingin nila. Tinapik ko yung pisngi ni Hixiel para magising pero mukhang hindi ata siya magigising.

"Ilalagay ko muna siya sa kwarto niya-"

"Akin na yan umupo ka na dito" napalunok nalang ako at napatango kay Huero. Kung wala lang akong alam kung ano talaga ang nangyari eh mag iisip talaga akong may sila.

Dahan dahan kong binigay si Hixiel pero hinablot niya ito at kinarga na parang sako.

"Hoy Huero hinay hinay naman baka mabali si Hixiel" sigaw ni Steilah kay Huero at nabatukan niya pa ito. Napairap naman yung gago.

"Sa taba ng biik na ito? Mababali? Asa naman kayo" padabog siyang naglakad at kahit nasa may second floor na sila rinig ko parin yung pagdadabog ni Huero.

Napailing nalang ako at hinila ako ni Steilah papuntang lamesa.

"Synver pakikuha nung pitsel" utos ni Rhesia sakin. Minsan abusada din ang babaeng ito pero ok lang siya naman bunso namin.

Dala dala ko na yung pitsel at nung bumalik ako inupuan na ni Gallem yung upuan na katabi ni Steilah at naghanap ako ng pwedeng maupuan, yun naman ang katabing upuan ni Kuya De at ni Leigh which means sa gitna nila.

"Ano pala nangyari kay Hixiel?" tanong ni Ate Ila at napatingin naman ito kay Kuya De.

"Napagod po ate kasi andami niyang sinalihan na special class" nakita ko naman yung mukha ni Snow. Isa pa ito dumagdag sa ma issue.

"Nag away sila kanina ni Huero narinig ko yung sa may field. Feeling ko talaga na may relasyo   yung dalawa nung una natulog si Huero sa kwarto ni Hixiel tas kanina sinabi niya iniwan siya ni Hixiel" nag tinignan kaming mag barkada dahil napatikhim si Kuya De sa narinig niya. Hindi naman bawal mag stay pero hindi kasi madumi isip ni Kuya De, actually madumi but not in a pervy way.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon