Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

|o2 : The Fearmonger Project |

24.8K 1.5K 520
                                    


----- CHAPTER o2 -----


Eksaktong 6 PM nang kumalembang ang university bell. Sinuot ko ang denim green jacket na pumaibabaw sa black t-shirt ko. Isinabit konaman sa kaliwang balikat ang strap ng backpack, at saka isinuot ang headphones ko.

"Hey, daan tayo sa night market after our classes?" pagyayaya ni Bailey habang nililigpit ang mga gamit sa desk niya.

I shook my head. "Sorry, Bay. I have somewhere to be. Maybe tomorrow night?"

She tilted her head a little as her brown eyebrows furrowed. "You just moved here, may plans ka na agad?"

"Nah, for podcast stuff," I lied and shrugged.

Bailey nodded even if she looked quite unsatisfied with my answers. Parang marami pa siyang tanong, pero binalewala niya na lang. Good girl.

My classes are supposed to end at 9, but that woman from yesterday told me to be at the Tramwell Building by 6 PM. Apparently, they will explain more about the project and make us sign some non-disclosure agreements, and the actual contract if we eventually decide to join.

Hindi ako nahirapang puntahan ang Tramwell Building. Alam na kasi agad ng taxi driver kung nasaan ito. He was quite curious though kung bakit ako pupunta rito sa ganitong oras lalo't pasara na raw ang karamihan sa establishments.

I just shrugged at his questions. Malay ko ba.

He had a point though, dahil nang pumasok ako sa building, pansin ko agad ang katahimikan ng paligid. If it wasn't for the lights and the guard, iisipin kong sarado na talaga ang building.

"Ano pong sadya natin, ma'am?" tanong sa akin ng guwardyang nakaputing polo at may earpiece pang suot. May hawak rin siyang tablet. Sosyal.

"This one hot lady told me to come by for a certain project—"

"Pangalan mo po, ma'am?" he cut me off as he looked down on his tablet.

"Wren . . ." I paused and blinked. "Elianna Wren Lozarte," I corrected myself.

He browsed for a little bit on the tablet's screen until he nodded and looked up again. "Sumunod ka po sa akin, ma'am."

We proceeded to a corridor and headed for the elevator. Pumasok ako sa loob, pero siya ay nanatili lamang sa labas at pinindot ang 15th button. "Diretso ka lang po, ma'am."

Habang mag-isa sa loob ng umaangat na cabin, napaisip ako bigla. Baka mamaya, pang prostitution ring o human trafficking related 'tong papasukin ko, lagot talaga ako kay Tito. Pero sayang din naman kasi kung palalampasin ko ang opportunity nang hindi inaalam kung para saan talaga ito.

Pagbukas ng pinto ay napabuntonghininga na lamang ako. "Bahala na nga."

Humakbang ako palabas at napansin agad na naka-dim ang mga ilaw sa pasilyong bumungad sa akin. Medyo cool ang dating, parang sa horror movies na may biglang susulpot na multo at papatayin ako.

I slid down my headphones and let it hung on my neck. Pinakiramdaman ko ang paligid at parang wala talagang katao-tao. Sa kabila nito ay may natatanaw akong isang pinto sa dulo.

Dinukot ko ang swiss army knife mula sa maliit na bulsa ng backpack ko. Mabuti nang sigurado.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang umilaw ang isang bumbilya sa ibabaw ng kinatatayuan ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sunod-sunod na umandar ang iba pang mga bumbilyang nadaraanan ko. Napangisi ako.

How To Make A Serial KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon