Kabanata 5

22.1K 829 759
                                    

I wrote the formula of velocity on my yellow pad paper before solving for the last problem in General Physics 1 before our lunch break.

"Hintayin mo ako ah." Si Jordan na kanina pa bulong nang bulong. Tumango ako. Jordan is born smart, iyon nga lang ay kulang sa sipag at tiyaga. Kaya madalas naiisip niyang hindi talaga siya matalino ay dahil kulang na kulang siya sa pagpupursigi. Hindi ko rin masisi ang isang ito dahil sa bunso mula sa tatlong magkakapatid na mga lalaki na may kanya-kanya na ring pamilya. He's spoiled in all things but never I've seen him degrading anyone who's not the same as our status in life.

Nang ma-solve ko ang huling problem ay tumayo na ako upang makapagpasa. Sumunod na rin sa akin si Jordan. "Did you double checked your answers?" Ngumisi lamang ito sa akin. I doubt he did. Nagkibit siya ng balikat bago kami tuluyang lumabas. We still have 15 minutes left before the actual lunch break kaya naman ay sa cafeteria kami ng mga Grade 11 mag-lu-lunch ngayon.

We texted last night before we went to sleep. Kasama sa napag-usapan namin ang sabay naming paglu-lunch ngayon. I asked if it's okay sa kanya na kasama namin si Jordan ngayon. Wala naman itong problema sa kanya.

She's already in line when we reached the cafeteria. Marahang tinapik ni Jordan ang balikat ko nang bahagyang mapatulala kay Yshara. Her hair is in bun now exposing her neck and collarbones. Sobrang kinis na animo'y modelo ng isang whitening product from an international brand.

Nang makita niya ako ay tipid lamang siyang ngumiti sa akin. Kumaway ako at ngumiti nang malapad bago naglakad patungo sa kanya.

Nakatulala sa kanya ang tindera sa cafeteria, medyo may awang ang bibig. "This is the first time I'm buying food here, I usually eat in the classroom." Aniya. Napatitig sa amin ang tindera. "My Yaya usually prepare my food. But she's sick now."

"What do you like to eat?" Tinuro niya ang pasta at chicken. "Rice?" Umiling siya sa akin. "2 order of past and chicken and iced tea." Marahan niyang hinila ang laylayan ng uniform ko. "Ayaw mo ng iced tea?" Tumango siya. "Anong gusto mo?"

May tinuro siya mula sa malaking fridge nitong cafeteria kung saan nakalagay ang iba't-ibang uri ng beverages. "Chocolate drink," she did that sign language. And the only chocolate drink I saw there was Chuckie.

"Mahilig ka sa Chuckie?" Lumapad ang ngiti niya sa naging tanong ko habang paulit-ulit na tumatango. "At dalawa pong Chuckie," nakakunot ang noo siyang tumitig sa akin. "One for your lunch today, and one later while on your way home. Hindi kasi kita maiihahatid sa inyo." Tipid akong ngumiti sa kanya.

Sa gilid ko naman ay panay ang pagtikhim ni Jordan at siko sa akin. "Gusto ko rin ng Chuckie, babe..." Ngumuso ito at makahulugang tumitig sa akin. Nasapak ko tuloy dahil ang landi ng tingin nito sa akin, nakakakilabot ang gago. Humagalpak siya sa tawa na inignora ko na lang bago kunin ang tray namin ni Yshara. Ako ang nagbayad sa pagkain namin.

Pinaghila ko ng upuan si Yshara, alanganin pa siyang umupo rito. Napangiti ako nang sa wakas ay umupo rin siya sa tabi ko. Nilabas niya ang kanyang wallet at kumuha rito ng 500 peso bill tsaka inabot sa akin. "I should pay for my food." Aniya. Pansin ko ang paglingon sa amin ng ilan. Tila mangha na nag-uusap kaming dalawa habang siya ay nag-si-sign language.

"We're friends. I'm just treating you now." Ngumiti ako sa kanya.

"Bakit ako hindi mo nililibre? Unfair! Unfair!" Pang-aasar ni Jordan nang umupo ito sa katapat naming upuan. Napaisip tuloy ako kung tama ba na pinasama ko siya sa aming dalawa ni Yshara.

"Shut up Jordan." Mariin kong sabi sa kanya subalit humalakhak lang ito bago may kung ano-anong kinalikot sa phone. Mabuti at sa wakas ay nanahimik na rin.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon