Dindo Special Chapter

125 9 0
                                    


Dindo Pama Española

Akala ko totoo ang love at first sight, ang destiny, ang romantic love, ang childhood love, ang red string, ang tadhana pero hindi pala. Akala ko kasi nong una nong makita si Archer nong maliit pa kami, sabi ko siya na talaga. Siya na yong taong gusto kong makasama sa pagtanda.

Nong una ko siya makitang umiiyak sinabi ko agad sa sarili na siya yong babaeng iingatan ko dahil ang pangit kasi niya pagumiiyak. Kaya lumapit agad ako sa kanya para tulongan siya at doon na nag simula ang lahat. Hanggang sa nag ka edad na ako. Hinanap ko siya sa kong saan saan hanggang sa makita ko na muli siya.

Kaso nga lang habang iniibig ko siya may mahal naman siyang iba. Bakit ganon,  bakit kailangan kong maranasan to deserve ko naman mahalin. Ang gusto ko lang naman maging girlfriend siya dahil doon masisigurado kong hindi na siya iiyak at bubusogin ko siya nang pagmamahal ko.

"Tita bakit ganon? Bakit hindi niya akong kayang mahalin?"

"Dindo, hindi natin pweding turoan ang puso kong sino ang gusto yang mahalin. Binigyan nga tayo ng utak para pumili at puso para magmahal"

"Hindi ba pweding maging selfish na lang ako sa anak niyo?"

"Dindo, hindi mo pweding gawin yun. May isip at puso si Archer. Kong gagawin mo yun hindi lang siya ang masasaktan mo, masasaktan moren kami at ang mga tao nasa paligid mo"

"Tita mahal na mahal ko po ang anak niyo. Gusto ko ako makakasama niya hanggang sa pagtanda"

"Dindo, ang pagmamahal hindi na tuturoan. Kusang lumalabas lang yan. Hindi naman natin masisisi si Archer kong hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sayo. Hindi mo pweding sirain kong ano meron siya para lang sa kaligayahan mo"

"Paano kong magiba ang hihip nang hangin. Paano kong nagkamali lang siya. Paano kong ako talaga ang mahal niya at hindi si Daniel"

"Kong ikaw man ang mahal ni Archer sana sa umpisa pa lang pinili ka na niya. Dindo baka hindi pagmamahal ang nararamdam mo para sa kanya. Kasin kong totoong mahal mo siya dapat kong saan siya masaya dapat suportado mo siya dahil yun ang tunay na pagmamahal"

"Tama ka nga Tita. Dapat kong saan siya masaya dapat ganon ren ako"

"Tama, dahil kong puro sarili mo lang ang papairalin mo walang mangyayari. Mas lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo"

"Tita thank you dahil hindi niyo kong tinuring na iba kahit na ganito na ang sitwasyon na meron akk. Salamat dahil nandyan kayo para suportahan ako"

"Dindo, tinuring ka na naming pamilya. Mahal ka namin kagaya nang pagmamahal mo sa anak namin. Ang hinihiling ko lang na sana suportahan mo paren ang anak namin"

"Salamat Tita, siguro hindi talaga kami ang itinadhana para sa isat-isa, siguro hindi dito na katira ang taong para sakin"

"Dindo, bawat tao ay may forever. Bawat tao sa mundo ay may inilaan talaga ang Dyos na makakasama mo.  Siguro hindi pa ito ang oras para mag tagpo kayong dalawa"

"Salamat talaga Tita, sige ma una na ko malalim na ang gab'i"

"Magingat ka Dindo, mahal ka namin. Kong gusto mong bumalik dito sa bahay your always welcome kahit anong mangyari"

Inayos  kona ang mga gamit ko at agad nang umalis. Laking pasasalamat ko sa mga magulang ni Archer dahil hindi nila akong tinuring na parang iba. Imbis na pagalitan nila ako dahil naging selfish ako sa anak nila hindi nila ginawa. Mas lalo lang nila ipinaintindi sakin kong totoong pagmamahal.

Pagmamahal na hindi mo pweding turo'an at diktahan. Ang saya ko dahil mas lalo lang luminaw ang puso ko. Hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kayang ibigay sakin ni Archer at tanggap ko yun. Basta ang importante makita ko siyang masaya sa piling ni Daniel.

Siguro oras na para sarili ko naman mona ang iintindihin ko. Sarili ko lang muna ang bibigyan ko pansen. Oras para unahin ko naman ang kaligayan ko. Matagal kong iginugol ang oras ko para lang kay Archer,  ngayon na sisigurado kona hindi kami ang para sa isat-isa. Pinagtagpo kami pero hindi itinadhana.

Saktong paglabas ko ng bahay nila saktong pagdating naman nang dalawa. Ngumiti lang ako sa kanila. Masaya ako para sa kanila dahil na hanap na nila ang kanilang mga sarili.

"Dindo bakit ka na padalaw?" Pagtatanong sakin ni Archer.

"Nagpaalam lang ako sa mga magulang mo dahil balak kong bumalik sa Canada para doon na mag aral"

"Ganon ba, bakit naman biglaan ang pagalis mo" nagtatakang tanong naman ni Daniel habang hawak hawak ang mga kamay ni Archer.

"Kasi kailangan ko munang  unahin ang sarili ko. Tanggap ko naman na hindi talaga kami ni Archer ang para sa isat-isa. Pero nan dito paren ako bilang kaibigan niya"

"Dindo salamat dahil hindi ka naging selfish. Salamat dahil hinayaan mo kong mahal ang taong tinitibok ng puso ko. Basta ang lagi mo lang tatandaan nan dito lang ako para sayo"

"Okay Archer tatandaan ko yan. Basta imbetado ako sa magiging kasal niyo"

"Oo naman Dindo ikaw pa, salamat din dahil nong wala ako sa tabi ni Archer nan doon ka para damayan siya. Magingat ka sa Canada"

"Thanks Daniel, sana iingatan mo ang babaeng pinakamamahal ko. Sana wag mo siyang paiyakin kasi ayoko talaga nakikita siyang umiiyak. Mahalin niyo sana ang isat isa"

"Maaasahan mo ko dyan Dindo, hanggang sa muli nating pagkikita basta sa kasal namin wag kang mawawala"

"Sure ako pa ba. Archer pwedi ba sa huling pagkakataon pwedi ba kitang mayakap?"

"Oo naman Dindo"

Agad kong niyakap ng mahigpit si Archer. Alam kong hito na ang huli natin pagkikita sana ingatan mo ang sarili mo. Alam ko naman na hindi ka pababayaan ni Daniel. Na kikita ko naman na mahal na mahal ka talaga niya. Sana sa pagalis ko wag kang malungkot dahil hindi naman ako mawawala. Nasa puso mo paren ako.

"Thank you Archer, kahit sa huling sandali ko dito pinasaya mo ako. Paalam na sa inyo"

"Paalam Dindo magingat ka"

Ngumiti muli ako sa kanilang dalawa. Ngiti na may pagmamahal. Sana makita ko na ang true love ko sa Canada.

...

Seducing Daniel Heart - Complete Where stories live. Discover now