Chapter 48: Curious

1.8M 45.6K 16.2K
                                    

 Sab's Point of View


Akala ko ba ayaw niyang makipagdate? Anong tawag sa narinig namin? Joke? Tss.

Teka nga. Bakit ba ako naiinis? Wala namang dahilan para mainis ako. Wala namang mawawala sa akin kung magdate man sila. Anong pakialam ko? Fine! Go! Magdate sila. Ano naman sa akin? Kung gusto nila magpakasal na sila agad para bongga.

"Hoy, Sab! Ano ba?" Napatingin ako kay Zoe na pumitik sa harap ko. Natingin din ako kay Ayu na parang nagtataka at kay Josh na nakatingin lang din sa akin pero walang expression ang mukha. Agad din akong nagbawi ng tingin.

"Bakit?" tanong ko kay Zoe. Tiningnan lang niya ko pero alam ko ang tingin na 'yun. Parang nagtatanong siya kung ayos lang ba ako kaya nginitian ko siya.

Nagring ang phone ko kaya hinanap ko siya sa bag ko. "Uso ba talaga ang phone calls today?" tanong ni Ayu.

Tiningnan ko lang siya, nagkibit balikat ako at nagpatuloy na sa paghahanap ng phone. Nang makuha ko 'yun ay agad ko siyang sinagot.

"Hello, is this Sabrina Fortalejo?"

"Yes, speaking. Who's this?"

"Hindi mo na narecognize ang boses ko? Nakakapagtampo." Hala. Anong trip nitong tao 'to? Mukha ba akog manghuhula?

"Hindi," tipid kong sagot.

"Ouch. Ang sakit naman. Bakit hindi mo na ako nabobosesan? Parang dati lang isang hello ko lang kiala mo na ko." Medyo pamilyar ang boses niya. Hindi ko lang maalala. Saan ko ba 'to narinig?

Ah! Alam ko na!

"Drake?! Drake!" sigaw ko sa pangalan niya.

Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Finally."

"I miss you, Drake. Kamusta ka na?"

"Miss na rin kita. Ayos naman ako syempre. Ikaw ba?"

"Ayos din syempre." Pero ayos nga ba talaga?

"Great. Kita tayo. Tagal na kitang hindi nakikita."

"Sure. Kailan ba uwi mong Pinas?"

"Nasa Pinas na ako. Nasa tapat na nga ako ng bahay niyo, e. Binigay sa akin nila tita 'yung address. Mukha nga lang walang tao."

"Ha? Nandyan ka?! Ang bilis naman! Sige, uuwi na ko. See you later!".

Tumalikod naman ako at naglakad na paalis pero hindi pa ako nakakalayo ay hinila na ako pabalik ni Zoe. "Hindi masamang magpaalam bago lumayas. Hindi rin masamang iwan ako. Hindi talaga masama."

"Ay, sorry! Sorry! Sabi ko nga mali ako du'n," kamot ko sa ulo ko."Naexcite lang kasi ako. Nasa bahay si Drake. Baka mainip 'yun kaya uuwi na ko. Sama ka ba?"

"Oo naman. Syempre. Nakauwi na pala 'yun. Tara na." Lumingon siya kay Josh at Ayu. "Guys, una na kami. May bisita pala 'tong si Sab sa bahay. And Ayu... explain later. Bye!"

Nginitian ko lang 'yung dalawa at umalis na. Ayan, free na sila. Solo na ulit. Libre na sialng magdate. Tss.



***

Josh's Point of View


Tingnan mo ang mga taong 'yun. Biglang dumating tapos bigla rin umalis.

"Huy, Josh. Anong ayos mo d'yan? Pwede na siguro tayong umalis sa kinatatayuan natin, ano?"

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon