CHAPTER 10 JACKET

4.3K 142 13
                                    

After kumain ay inihiga ko na muna si Princess sa kama. Hindi pa rin kasi bumababa ang kaniyang lagnat. Naiwan sa kitchen ang mag-ama at napahanga naman ako ni Prince bulilit kasi nakita ko kung paano niya pinagpatong-patong ang mga plato at dahan-dahan niyang inilipat sa counter ng lababo. At nagtulong silang mag-Daddy ng pagsasabon ng mga plato na plastic lang naman kaya okay lang hawakan ng bata. Nagkukulitan pa silang mag-ama sa mga bula ng dishwashing habang sa counter nakaupo si Prince bulilit.

Napakaganda talaga ng pagpapalaki niya sa mga bata at masyado akong napapahanga ni Prince bilang isang Daddy. Napakasuwerte sana ng ina ng mga bata kung sakaling nagkatuluyan sila ni Prince pero para namang sinaksak ang puso ko kung sakali namang mangyari iyon. Nasaan na nga kaya ang ina ng mga bata? Hindi man lang ba niya gustong makita ang kaniyang mga anak?

Biglang sumikip ang dibdib ko nang may maalala akong eksena sa nakaraan. Nanubig ang aking mga mata kaya dagli ko itong pinalis sa aking isipan.

Humiga rin ako sa tabi ni Princess at niyakap siya.

"Mommy," mahinang ungot niya sa akin at yumakap pa ng mahigpit. Itinaas pa niya ang kaniyang kaliwang binti sa aking baywang at itinanday.

"Yes, baby?" sagot ko sa kaniya at hinagod-hagod ko ang kaniyang mahabang buhok. Itim na itim ang kulay ng kaniyang buhok at medyo makakapal ang hibla na kagaya ng sa akin.

"I'm sleepy po," mahina niya pa ring sagot. Nararamdaman ko ang init ng kaniyang hininga. Bakit ba siya nilagnat? Dahil ba sa natakot siya kanina doon sa naabutan kong umiiyak siya ng malakas at may nabasag na vase sa labas ng unit?

"Just sleep, baby," saad ko at ini-unan ko pa ang aking braso sa kaniya at patuloy ako sa paghagod ng kaniyang buhok.

"Don't leave me, Mommy."

"I'll never leave you baby, a'right?" Hindi na siya umimik at pumikit na ng tuluyan ang kaniyang mga mata.

Tumataba ang puso ko sa klase ng turing niya sa akin, nilang dalawa ni Prince sa akin at nakakaramdam ako ng kakaibang takot sa aking dibdib at gumugulo sa aking isipan. Paano kung mapalapit ako sa dalawang bata? Paano kapag napamahal ako sa kanila? Tapos ay biglang bumalik ang tunay nilang mommy at binawi sila? Ngayon pa nga lang ay parang nagsisikip na kaagad ang aking dibdib sa isiping malalayo sila sa akin.

Hindi ko alam kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko sa aking dibdib para sa dalawang bata. Para bang binubuhay nila ang patay kong pagmamahal sa aking puso para sa batang nabuo sa aking sinapupunan pero pilit ko siyang winasak at dinurog hanggang sa mawala.

Wala akong ipinagkaiba sa kaniyang amang nagsamantala sa akin. Pareho lang kaming kriminal. Dahil pinatay ko ang batang walang kamuwang-muwang at walang kalaban-kalaban.

***
FLASHBACK
CJ's POV

"Aubrey, nasaan na ba kasi tayo? Naliligaw na 'ata tayo eh. Nasaan na ba kasi iyong sinusundan natin? Nakakatakot na dito." Inabot na kami ng dilim sa kasusunod sa grupo nila Ian at barkada nito dito sa gubat. At hindi na namin alam kung saan sila nagpunta.
At ang mahirap pa nito ay hindi na rin namin alam ang pabalik sa camp site.

"Sabi ko naman kasi sa iyo na huwag na natin silang sundan eh. 'Ayan tuloy, paano pa tayo makakabalik? Ang dilim-dilim na. Hindi na natin makikita ang daan. Ang dami-dami pang lamok dito. Mamaya niyan, may sawa pa tayong makasalubong. Oh baka baboy ramo! Oh my Gee! Ayoko pang mamatay! Sayang naman ang flawless kong skin!" Napangiwi naman ako sa kaartehan nitong si Aubrey. Paano ko ba ito naging bestfriend?

"Ikaw naman ang may kasalanan eh. Kung anu-anong balita na hindi naman makatotohanan ang sinasabi mo sa akin. Kaya bang gawin ni Ian iyon? Wala naman sa hitsura niya ang gumawa ng masama eh," pagtatanggol ko kay Ian. Mabait naman kasi iyon kahit never ko pang nakakausap.

SHADOW 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon