Ikaw (Part 3)

5.1K 206 25
                                    

----

Nagsimula na ang GGV Taping, Si Jolina Magdangal at si Marvin Agustin ang guest. Nangangalahati na ang Taping.

"Nagkagirlfriend ka na ba?" tanong ni Marvin kay Vice.

"Oo, lima." proud na tugon ni Vice.

"Wooooow, chickboy!!" pangaasar ni Jolina.

"Gago! Meron nga akong girlfriend ngayon eh. In fact, nandito sya." pagmamayabang ni Vice sa MarJo.

"Sino? Labas mo nga!" tugon ni Marvin.

Tumayo si Vice at pumunta sa spot kung saan nakaupo si.....Karylle.

Pinatayo ni Vice sa Karylle at inakbayan ni Vice ang dalaga. "Jolina, Marvin... Si Karylle. Girlfriend ko." sambit ni Vice na boses lalaki pa.

"Seryoso ka ba Vice? Maniniwala talaga ako ha!" sambit ni Jolina.

"Oo, seryoso. Gusto nyo, halikan ko pa?" tugon ni Vice.

"Sige nga!!" Marvin.

Mula sa pagkakaakbay, humarap si Vice kay Karylle. Hinaplos nya ang pisngi nang dalaga.

As for Karylle. Pulang pula na sya sa kilig. Sino ba naman ang hindi kikiligin eh prinoclaim na Girlfriend sya nang isang Vice Ganda. Aba, swerte mo!

Palapit na nang palapit ang mukha ni Vice kay Karylle. He was so in the moment. Ngunit dahang dahang lumalapit si Marvin sa dalawa... At biglang itinulak ang ulo ni Vice para makadikit na ang labi kay Karylle. Good thing ay nakaiwas agad si Karylle. Niyakap naman ni Vice si Karylle dahil sa pagkakatulak ni Marvin.

"Loko ka Marvin, Nakakahiya dito sa Girlfriend ko!" sigaw ni Vice na nakaakbay kay Karylle.

"Di nga, Kayo talaga?" di makapaniwalang tanong ni Jolina.

"Oo nga! Bat ayaw mong maniwala?" Vice.

"De kase diba, Kilala ka bilang Vice GANDA?" Jolina.

"Hindi porket bakla ako, di na ko pwedeng magkagirlfriend." sinserong tugon ni Vice.

"Sa bagay. Pero great choice Vice ah. Ganda nya." Jolina.

"Bakit? Gwapo naman ako ah?"

nang dahil sa sinabi ni Vice ay tumili ang buong GGV Audience. Lalong lalo na ang Team Karylle.

"Sa bagay, Oh Vice. Message mo sa Girlfriend mo?" Marvin.

"Umm, ano ba," humarap si Vice kay Karylle, "I love you baby!" tugon ni Vice kay Karylle.

"Naks. Lalaki ka na pala Vice!" Marvin.

"People change. Nothing stays the same forever." tugon ni Vice at kumindat kay Karylle.

><><><><><><

Tapos na ang GGV Taping. Kasalukuyang nagpapasalamat si Vice sa Audience... At biglang nag picture taking na.

Lalapit na sana si Karylle kaso palapit na pala si Vice sakanya.

"Ate Vice, s-selfie p-po t-tayo." tugon ni Karylle kay Vice. Nauutal pa ang dalaga dahil hindu sya makarecover sa "Girlfriend" thingy.

"Sure!" tugon ni Vice.

1...2...3...click!

Their selfie was perfect. Their smiles are genuine. Nakalagay ang arm ni Vice sa bewang ni Karylle while Karylle's arm was on Vice's bewang also.

"Thank you for coming Karylle ha! It was nice meeting you.." - tugon ni Vice.

"Thank you rin po. Sa pag imbita, sa starbucks, sa duet, sa girlfriend thingy and sa selfie. I love you po!" sambit ni Karylle.

"Maliit na bagay.." tugon ni Vice na nakangiti.

"Ay! Nga pala, Pwede po pa-autograph po nang albums nyo?" tugon ni Karylle.

"Ay sure!!!" Vice.

Iniabot ni Karylle ang dalawang albums ni Vice at nag abot rin nang pentel pen. Pagkatapos nya pirmahan ito, Ibinalik ni Karylle ang albums sa bag nya.

"Ate Vice oh... Ginawan po kita nang cupcakes. Ako po gumawa nyan. Sana po magustuhan nyo.." nahihiyang sambit ni Karylle sabay abot nang customized cupcakes para kay Vice.

"Wow. Thank you! I really appreciate it. I love you!!" tuwang tuwa na tugon ni Vice at niyakap si Karylle.

"I love you more ate Vice!!" Karylle.

Hindi parin kumakalas si Vice sa yakap nila. Nagustuhan nya talaga ang Cupcakes. "I love you K. Thank you." sambit ni Vice sabay halik sa buhok ni Karylle.

Halos matulala na si Karylle sa ginawa ni Vice sakanya.

><><><><><><><

8pm. Nasa Mcdo ABS ang Team Karylle. Nagsasalo salo sila sa 2 Bucket Meal na inorder nila sa Jollibee, Pero bumili rin sila nang 8 na BFF Bundle.

Tahimik lang ang buong Team Karylle. Walang kumikibo. Napansin naman ito ni Karylle.

"Okay lang kayo?" tugon ni Karylle.

"May ikekwento ka pa saamin ate K." matamlay na tugon ni Franz.

"Narinig ko na nagpapasalamat ka kay Vice about sa Starbucks. Nilibre ka ba nya?" seryosong tanong ni Cass.

"How did he know your name? Diba ngayon palang kayo nagkita?" tanong ni Mari.

"Ate, naguguluhan na kami." sambit ni Nicolette.

"Magkakilala na ba kayo before nang encounter nyo ngayon?" tugon ni Lia.

Napabuntong hininga naman si Karylle at nagsalita. "Okay, simula nung grineet ako ni Vice sa Showtime, ilang araw after nun, Nag DM sya saakin. Even though he doesnt follow me. He has this app na pwedeng mag dm sa followers na hindi mo finafollow. Then we became friends.Tas etong GGV na to. Sya mismo nangimbita. Then nung nagcr ako, nakabump ko sya, then ayun, nagusap kami. Tas nanglibre sya sa Starbucks. Kahit ayoko. Tas about sa Girlfriend chenes. Maske ako hindi ko ineexpect yun." Karylle explained.

It took minutes para magsalita muli ang Team Karylle.

3.....

2..

1...

"AHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!" sigaw nang Team Karylle.

"Grabe, nakakainggit ka ate K! Dyosa ka talaga!" - Astrid.

"Kinilig ako! Nilibre ka nang Starbucks!!" Ela.

"Omg i kenaaaaat!!!" Ynna.

"MAMAMATAY NA KO SA KILIG!" Hazelle.

"Ang swerte mo ate K!!" Pau.

"Kota ka na ate, promise!!" Ara.

"Omg!!!!" Jillann.

"*insert tili here*" Ruthie.

"Kinikilig ako!!!" Syrene.

"Hay, kakilig!" Claire.

"Swerte mo te! First encounter palang yan ah!!" Raffy.

"Pero guys, walang makakaalam neto ha. Tayo lang. Syempre, privacy para kay Vice." -Karylle.

Tumango naman ang Team Karylle. Nagpatuloy lang sila sa chikahan, kwentuhan, harutan at nagpalipas oras.

><><><><><><><

11pm. Nakauwi na si Karylle galing sa ABS. Mabuti at hindi sya napagalitan nang kanyang Senyorang Ina.

Nakahiga na si Karylle. Inaalala nya ang mga nangyari..

Hindi sya makapaniwala dahil unang pagkikita palang nila ay ganon na. Paano pa kaya pag sunod sunod na?

Kinuha ni Karylle ang bag nya at Inilabas ang dalawang VG albums na pirmado na ni Vice.

Halos hindi sya makapaniwala sa nabasa nya.

"Puso ay nalumbay nang kay tagal ngunit ngayo'y nandito na.....IKAW. -Vice"

*******

A/N: There you have it!! Kakilig no? Hahaha. Vicerylle pordawin!! <3

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon