Chapter 22 : Weird

695 69 1
                                    

CHAPTER 22

MIDORI'S POV






"CLASS DISMISSED."

Out of nowhere, para bang bigla na lang naging aligaga ang mga teacher ng school namin.

Pagbalik ni Sir Jim kanina galing sa meeting ng mga teacher, bigla na lang niyang binura ang mga nakasulat sa board at nag-dismiss ng klase. Within this day, nagkaroon ng halos limang meetings ang faculties. Apat sa mga ito ang ginanap simula nang bumalik ako sa room matapos kong ihatid si Niana sa music room.

Pero hindi lang 'yon ang kinababahala ko. I'm bothered na hanggang ngayon wala pa rin si Niana. I'm aware of her talent, we are both aware pero kasi . . . habang tumatagal mas natatakot ako sa kalagayan niya. Lalo na ngayon at sinasabi niya sa akin na nakikita niya ang mga pinag-aaralan namin.

I tried to conceal my concern for her dahil mas kailangan niya ang assurance at suporta ko.

I have always believed what she tells. There's nothing else too impossible for me to believe.

Nagtayuan na ang mga kaklase ko and so do I. After na sabihin ni Sir Jim ang class dismissed, patakbo siyang lumabas ng room at mukhang—hindi lang mukhang—he's obviously in a rush.

Bigla naman akong naging curious even though hindi naman dapat pinapansin ng estudyanteng kagaya ko ang mga ganitong kilos ng mga teacher. Pero kasi ngayon lang nangyari ang ganito sa mga guro namin, it seems like they are trembling in rush! Sana mahanap ko kaagad si Niana. I know kapag nalaman niya 'to, she would be interested as much as I do.

Pagkalabas ko ng room namin, hinanap ko kaagad siya. After kasi ng class namin kay Sir Jim, break time na rin namin nang halos isang oras. After no'n babalik naman kami para sa history class.

Sinimulan ko siyang hanapin sa music room pero wala na siya ro'n. I tried to look for her sa right wing ng school pero mukhang wala siya sa kahit saan dito kaya sinubukan ko siyang hanapin sa left wing hanggang mapahinto ako nang may makitang pamilyar na mukha—si Niana!

Pasan-pasan siya ng isang lalaki na kalalabas lang mula sa arts clubs office. Hindi ko alam kung paano napunta sa building na 'to si Niana pero agad akong nataranta dahil walang malay si Niana sa likod ng lalaking nagbubuhat sa kaniya.

"Niana!" Napatakbo akong lumapit sa lalaking may buhat sa kaniya. Pagkatapos ay marahan kong hinawakan sa pisngi ang kaibigan ko. "Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko sa lalaki.

"She fainted inside. Hindi ko rin alam kung anong nangyari dahil mukha naman siyang maayos kanina habang tumitingin sa paintings sa loob," ani ng lalaki.

Mabilis kaming naglalakad papunta sa clinic. May ilang mga mag-aaral na napapatingin sa amin kapag nadadaanan at nakakasalubong namin sila sa hallway.

"The clinic's too far."

Hindi man nagsasalita 'yong lalaki na may buhat kay Niana, naririnig ko naman ang thoughts niya. He's genuinely concerned about my friend kaya mas nilakihan niya ang bawat paghakbang niya. Mabilis naman akong tumatakbo para masundan siya at ang kaibigan ko na wala pa ring malay.

Nang makarating kami sa clinic, maingat na ibinaba ng lalaki si Niana sa higaan. Agad namang tiningnan ng nurse ang lagay ng kaibigan ko.

"I'm afraid that I already have my next class to attend. I assume you're a friend of hers so I leave her in your custody," sabi ng lalaki.

"A-ah—oo. Salamat nang marami," tugon ko. "Ano pa lang pangalan mo? Just in case magising si Niana, at least I know the name of the man who helped her."

"Carson."

"Thank you, Carson." Tumango naman siya. "I'm Midori. Should you seek help in the future, we are obliged to return the favor," sabi ko. Ngumiti naman siya bago tingnan sa huling pagkakataon si Niana. Lumabas na siya sa clinic pagkatapos.

"Tingin ko kailangan natin siyang dalhin sa ospital," sabi ng nurse kaya nanlaki ang mga mata ko. "Sobrang taas ng lagnat niya, hindi siya pwede mag-stay dito kung ayaw nating lumala ang kalagayan niya," dagdag pa nito kaya nataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya napahawak na lang ako sa kamay ni Niana.

Sobrang init nga niya!

"Hintayin mo ako rito, dadalhin natin siya sa ospital," sabi ng nurse bago patakbong lumabas sa clinic.

"Anong nangyari sa'yo?" kinakabahan kong bulong sa walang malay na kaibigan.

May kinalaman kaya ang sixth sense niya sa nangyayari sa kaniya ngayon?

I tried to use my enhanced hearing sense sa kaniya pero sumakit lang bigla ang ulo ko. Ngayon lang nangyari na hindi ko marinig ang nasa isip niya. This day is an exception to my ability.

Her mind is too complicated for me to hear. Kung dahil nga sa talent nya kaya siya nagkaganito, it's possible that thoughts are coming all at once to her kaya hindi ko marinig kung ano ang nasa isip niya. She probably developed a wall on her own kaya naba-block ang kakayahan ko pagdating sa kaniya.

And that means it's bad. The worst case I experienced since I learned about my sixth sense.

Bumalik na 'yong nurse at kasama niya ang driver ng school service. Agad na binuhat ng huli ang kaibigan ko kaya wala akong nagawa kundi sundan sila palabas ng clinic hanggang marating nila ang shuttle service ng university.

Hindi magkandamayaw sa pagkabog ang dibdib ko.

"Kami na ang bahala sa kaniya dahil may klase ka pa. Hindi ka namin pwedeng isama," sabi ng nurse nang akmang sasakay na rin ako sa shuttle service.

Wala na akong nasabi dahil wala rin naman akong choice kundi ang maiwan. Pinanood ko lang ang pag-alis ng shuttle service campus hanggang sa mawala na ito sa paningin ko nang tuluyan nang makalabas sa gate ng university.

Biglang kumulo ang tiyan ko at doon ko lang naalala na hindi pa ako kumakain.

Naglakad na ako papunta sa canteen pero nang nakapila na ako, sakto namang nag-ring ang bell. Bumili na lang ako ng snacks at inumin dahil hindi na ako pwedeng kumain sa loob ng canteen. Strikto sa oras ang professor namin sa history class kaya nagmamadali akong tumakbo pabalik sa classroom.

Nang makarating ako sa room, wala pa ang propesora kaya wala akong naging problema hanggang makaupo ako sa upuan ko. Mabilis ko ring binuksan at kinain ang mga binili ko habang tahimik na nakikinig sa mga bulungan ng mga kaklase ko. Ito rin ang unang beses na na-late ang propesora namin sa history class kaya nakakapagtaka.

"Narinig ko sila ma'am kanina na kausap 'yong principal, ang sabi nila kailangan ng emergency evacuation ng mga estudyante. Hindi ko nga alam kung bakit e. Pero ayos lang 'yon sa 'kin. Evacuation means class suspension. Tama guys?"

Nanatili akong nakikinig habang kumakain.

Wala man ako sa posisyon para mangamba, dahil sa inaakto ng mga guro namin hindi ko maiwasang mapatanong sa isip kung ano talagang nangyayari. Idagdag mo pa ang nangyari kay Niana.

This is simply the most concerning day at school.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon