Chapter 69 ♥ The Blue Archer

16.8K 437 209
                                    

Author's Note: 

Huhu. Hindi ko sya natapos before ng birthday ko. Naging super hectic kasi ang sched ko. Ni hindi na nga ako makapag-open ng laptop eh, hanggang mobile na lang ako. Pagsasabay sabayin ko na sana itong UD na ito hanggang epilogue pero hindi ko pa tapos so heto muna. Ang bigat din kasi sa feeling. Alam mo yung alam mo na yung isusulat mo? Planado ko na rin pero hindi ko magawa sa sarili ko na tapusin ang kwento dahil nalulungkot din ako. Nalulungkot na masaya. Nalulungkot kasi matatapos ko na. Masaya dahil isa na naman ang kwento na matapos ko nang makumpleto. Success na yun para sa akin. Kaso kasi sa mga nangyayari ngyn sa story, masakit sa heart. Mabigat n eh. Mawawala ang kailangang mawala. Hindi pa ako handang magpaalam sa kanila. Pero parte yung ng kwento eh :( 

Hopefully yung Chapter 70 baka hahatiin ko ng 2 o 3 chapters. Sa next UD hupefully (ulit) mapagsasabay sabay ko sila hanggang epilogue. Parang yung ginawa ko sa LTMS para hindi kayo mabitin at tuloy tuloy na sa pagbabasa. Sana matapos ko na. Sana masulat ko na. I need your powers! Magcomment kayo para mas lalo akong mainspire :) Kapit bisig! 

Btw, dedicated sa kanya ito. Nabasa ko yung comment nya at natutuwa ako na naiiyak. Salamat dear. Nung sinulat ko talaga itong story na 'to wala akong plinano na makapang-impluwensya ng tao, makapag-inspire o kung ano pa man. Trip ko lang talaga 'to dahil sa sobrang hilig kong magbasa. Butata pa nga sulat ko noon (well, kahit naman ngayon). Napakajeje. Aminado naman akong madaming corny scenes dito ajejejejeje. Kasi pass time ko lang ito. Hindi ko naman akalaing hahantong sa ganito. Kaya super nakakaoverwhelmed na malaman na marami sa inyo ay idol si Serene and to some extent, ginagaya nyo pa sya. Kaya payo ko lang sayo dear, wag ballpen ang gamitin mo sa pagdradrawing ng gclef sa wrist mo. Wag yun. Bukod sa hindi maganda sa balat, masakit. Ang gamitin mo? Black Eyeliner. Yung water proof! (LOL! Nagpayo raw ba?) Pero gayunpaman, datapwat, subalit, echos, eklavush, boompanes, habra cadabra, boom boom boom, dedicated sayo 'to :) 

I love you all Listeners! Sa nalalapit na pagtatapos. Maghawak kamay tayo. Kaya ko 'to wooooh! Isang chpater na lang at epilogue! Gora na!! 

May you have a blessed day Listeners :) 

OLE!

♥♥

~unedited

Chapter 69 

Lumipas ang dalawang araw at wala kaming ibang ginawa kundi magplano ng magplano. Hanggang ngayon ay inaayos pa rin namin ang mga nasirang imprastraktura ng bagong Ellipses headquarter at nang bahay namin. Tinatawagan na rin namin ang mga koneksyon na meron kami. Sa nalalabing isang araw bago ako matanggalan ng korona, kailangan ko nang gawin ang mga kailangang gawin. 

Pagkatapos ng performance namin sa Maeda Mora ay sila Jace at Pietr na ang nagpresinta na tulungan si Owen na makumbinsi ang mga estudyante ng Maeda Mora na parte ng Gangster Society. Nagtutulungan silang tatlo-- oo. Hindi ko nga alam kung anong mahika ang ginawa nila pero bago pa man matapos ang araw ay nagtagumpay sila-- isang magandang balita sa panig namin dahil nasa amin na ang katapatan ng Maeda Mora.

Ngayon kami ni kuya Niel ay kasalukuyang nasa bagong headquarter ng Ellipses. Kasalukuyan naming pinapanood ang pagtratraining ni Aziel sa ibang myembro ng Ellipses. 

"Magaling si Aziel." komento ni kuya Niel. Kaming dalawa ay patuloy silang pinapanood mula sa malayo para hindi kami makaistorbo. 

"Si mama ang nagtrain sa kanya eh. Hindi na nakakapagtaka yun." 

"Mabilis din sya. Maswerte ang mga estudyante nya dahil meron silang trainer na mahaba ang pasensya." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon