FADEN 13

1.3K 122 69
                                    

Razade

January 9. Still no call from the police-- meaning wala pa ring balita.




Napapakagat na ako ng kuko sa mga naiisip ko. Tumingin ako sa paligid, bakit parang ako lang may pakealam? Bakit parang hindi nila hinahanap si Francine?




"Pst. Sairazade." A voice from my left cut me off guard. Nilingon ko ito--it was Mae, my seatmate. "Kamusta? Lalim ng iniisip natin ah."



I sighed. "Wala pa ring balita kay Francine."




"Hanggang ngayon?" Nagulat na sabi niya pero kalaunan ay inayos niya uli ang sarili niya bago ako kausapin. Baka hindi siya komportableng pag-usapan 'to. Joker kasi ito at parang wala sa bokabularyo niya ang pagseseryoso-- pero since seryoso ang topic, siguro pinipilit niya lang na mag-adjust para saakin. "Mahahanap din 'yon. Cheer up." She smiled.




"Thank you." Sabi ko nalang bago mag-iwas ng tingin. Walang teacher ngayon at ang mga kaklase ko ay panay chikahan or cellphone lang. Samantalang ako? Wala lang... Panay tingin lang sa kawalan habang iniisip kung ano na ang nangyayari kay Francine ngayon.




Kung nagsign-in ba ako dati gaya ng sabi niya, andito pa ba siya ngayon?





Rather.... Ako ba ang mawawala? O parehas kami?




Dapat pala pinigilan ko siya magthread ng gano'n. May kutob na ako noong kwinekwento palang niya. I'm fond of mysteries, oo pero nang ikwento niya iyon-- parang iba. Parang may iba. I couldn't help but think.





Teka.





Faden?






Tumingin uli ako sa kaliwa ko para kausapin si Mae. May kachikahan siyang iba ko pang kaklase--- so maybe I can use it.




Kinalabit ko siya. "Mae."




"Hmm?" Napalingon siya saakin nang nakangiti.




"May Faden app ka ba?"




Her mouth formed an "O". "Oo naman, may interest ka rin pala doon?"





I smiled a bit. "Wala akong ganong app sa phone ko hehe. Papasa, pwede?" I tried my best to be friendly.




Ngumiti uli ito at inabot saakin ang phone niya. "Walang password iyan, wala naman akong porn or such." Tawa nito.




Nakitawa na rin ako ng onti. "Pwede ko rin ba macheck sa phone mo muna kung paano gamitin 'to? Naglalag kasi phone ko minsan eh."




"Ha? Ah eh, sige. Huwag mo lang ichecheck private messages ko ah. Wala akong porn pero may nudes diyan." Lumaki bigla mata ko. "Syempre joke HAHAHAHAHA".





Hindi na ako nagsalita pa. Hindi naman kasi ako sanay makipagsocialize. Feeling ko nga kahit ganon palang kakonti sinabi ko ay napagod na ako. Kay Francine lang naman kasi ako nagkwekwento ng super dami. Pero kumpara saakin mas madaldal naman siya. Minsan napagkakamalan nga kaming magkapatid, ako panganay tapos siya bunso. Ako taga-sermon at siya pasaway. I don't mind them, we're sisters by heart naman.





Napabalik ako sa wisyo ko ng bigla akong tinap ni Mae sa balikat. "Ito naman, joke nga lang eh." Bigla siyang nagpout. "Ipasa mo na sa'yo tsaka gamitin mo muna cp ko para magamay mo. Huwag ka na sad, bagong taon na oh." Mahinahon na sambit niya saakin.





Nagpasalamat nalang ako uli bago tumalikod. Ang bait ni Mae hindi ko alam kung paano pakitunguhan. Feeling ko ang awkward ko pero ughhh. Nevermind.






Binuksan ko na phone ko at gaya ng pinagpaalam ko, pinasa ko na sa cp ko ang Faden. Ganda ng name-- bukod sa mga kwinekwento saakin ni Francine, ano pa kaya ang meron ang app na 'to para magdownload ang karamihan?






Pinansin ko ang logo. Baraha ito ng ace of spades na nakablack & white at sa harap ay may parang linya lang na faded blue. Parang pinapalibutan ng magaan na linya ang baraha. Nakakabelieve, nakakaattract.







Habang hinihintay ko na mapasa nang tuluyan ang app ay pinakealaman ko muna ang cp ni Mae. Pinindot ko ang Faden at bumungad saakin ang profile ni Mae.








PROFILE

↳ maeganda.

maeganda.
@pabibighorl

hakdog

✞ joined: December 21, 2019

6283 following | 34 followers

---




Mag-iiscroll na sana ako nang biglang may nagpop-up.



"Mae" kalabit ko ulit.



"Oh? Ano ulit?"




"Sorry kung makulit na ako. Pero may nagpop-up kasi sa faden mo. Sabi daw kung gusto mo daw gumamit ng Dark Web theme?"




"Omg! Meron?!" Chineck niya ang cellphone niya pagkasabi niya non. "Accept mo lang girl, baka parang starwars starwars lang iyan ng Messager." Tili niya bago bumalik uli sa kausap niya.






'Di na ako umalma at sinunod nalang siya.







DISPLAY

> Customize your design
> Use Dark Web Theme






Loading . . .



⚜️ W̶̨̩̭̥̜̑͝e̷̡̫̩͇̯̹̹̲̓͋͜͜ļ̶͚̘̩̫̜̣̲̟̱͐c̷͕͔̆̾̄̓̀͛̉̏̕͠ǫ̸͔̼͔̻̩͔̗́͊̔̓͘͝ͅm̴̧̗̜̬͉̻̈́̑̃̋́e̷̺͐̍̃͆̑̒̚ ̴̢̧̳͔͉̰̪̜̜̒̐̄̅̉͘͜t̸̡̥͕̩̠͖͉̽́̒͌̊̆̇̈́̈͠o̶͚͆ ̴̟̥̺̰̩͉͔̦͐̿̓̍̀͊̏͜F̸̧̛̟͕̰͎̲̞̔̂͗̎ą̸̜͍̤̱̰̫̼̐̎̇̈́͂̓̋̕͜ḏ̵̨̀̈́̌̃̊̈́̚̚ę̶͕̙͙̪͕̝͓̟͍̑̋͘ņ̸̦̱̙͔̳̒̒̽͊̈́̕͜ ⚜️

Choose who to follow!

PROFILE

↳ reaperilous


reaperilous.
@_yourenext

i don't kill, i seal

✞ joined: June 06, 2006

1 following | 6,666 followers

[ 𝔽𝕠𝕝𝕝𝕠𝕨 ]






Oh... My... God... What did just happen?

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon