FADEN 16

1K 116 131
                                    

Razade


Natapos ang morning class na walang pumasok sa isip ko ni isang lesson. Buong isang oras ay tinitigan ko lang nang may pagtataka si Mr. Pasqualino--- or Kyle. Hindi rin naman siya nakikinig, busy siya sa pagsecellphone. Sa bawat pagsulyap ko, nakikita kong nasa Faden app siya. Adik ba 'to sa Faden? Ano bang meron sa Faden?



Biglang may sumagi na idea sa isip ko. Kung gamay siya sa Faden pwede niya naman ata ako turuan? Baka may malaman lang ako sa mga pinagpopost ni Francine. Or baka may malaman ako tungkol kay reap— teka sino nga uli 'yon? Reaperchuchu? Ay basta.




Tapos na ang klase for the morning at naglabasan na karamihan ng estudyante nang lapitan ko siya. Tumabi ako agad sa kaniya at hinila siya paupo bago pa man siya makatayo.




He just gave me the wtf look and sat down.


"What do you want?"



"Actually kanina pa kita gustong kausapin."



"I'm not gonna give you my number." cold na sabi niya at tumayo uli.




Hinigit ko uli siya paupo, pero mas malakas. Mas may pwersa siyang bumagsak sa upuan. Ramdam kong nasaktan ko siya dahil sa masamang titig niya saakin.



Napalunok ako uli. Kalma. "Hindi 'yon. May itatanong sana ako."




"Single but not interested." Sagot niya. Nabitawan ko siya ng wala sa oras.




"Ang kapal ha, putangina."



"Ha? May sinasabi ka po ba miss president?" Pagmamaang-maangan niya na may kasabay na pang-aasar. Tumawa siya mag-isa. Kung sino man makakakita saamin ngayon, baka isipin niya na close kami. Ew.




Hindi ko nalang ito pinansin at nagsalita. "Diba ikaw 'yong nakita ko kahapon sa police station?"




Biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Tinitigan niya ako ng mabuti. "Ah, ikaw rin pala 'yong babaeng tumititig saakin kahapon." Bulalas niya na parang may narealize siya. "Coincidental, but get straight to the point will you?" Mayabang na sabi niya.



"Are you reaperchuchu?" Napabulong ako sa kaba.





"W-what did you just say?"



I froze. "Nothing." Siguro, next time nalang.



"How'd you know that name?" Bigla akong napatingin sa kanya ng medyo humina ang boses niya. Nanlaki ang mata ko. Kung ganyan ang reaction niya — Mukhang may alam nga talaga siya. Tumingin siya sa paligid bago kunin ang phone niya. He scrolled down to tap the Faden app. As soon as he tapped it, the screen went black and texts suddenly appeared creepy.


It's the Dark Web Theme once again.



"I just know." I shrugged. Tinitigan niya akong maigi na parang hindi kumbinsido sa sagot ko.



"Well, do you have an account?" he tapped something: the search bar. "Sa Faden, I mean."



"Wala pa."



"Then paano mo nga siya nakilala?" Mas lalo pang humina ang boses niya— as if he doesn't want anyone to know about it.



"Look.. my friend's missing. That's why nakita mo ko sa police station kahapon. I talked to you kasi when I saw you, you looked suspicious. I thought you knew something about her, kasi 'yong user na 'yon-- lagi niyang nababanggit saakin and when I saw you, you looked creepy... lalo na at nagsmirk ka."



"Oh." Tipid niyang sagot bago napatawa ng kaunti. "Akala ko nainlove ka na saakin o ano." Hindi niya ako tinitigan habang nagsasalita pero nilahad niya ang kamay niya pagkatapos. "Give me your phone."




Napahawak ako sa cp ko na nasa bulsa ng palda ko. "Why?"



"Based on your story, you want to know the user na binanggit mo kanina, right?" Nagdalawang isip ako bago tumango. "Then, give me your phone. I'll make an account for you. Gamay ako sa Faden pero I can't seem to uncover the mysteries alone." Saad niya.




"What? Inaalam mo din secrets ng app?"




"Yup 'cause why not?" Ooohhh.




I handed him my phone without second thoughts. Napag-isipan ko na 'to kanina habang nakatulala sakanya. Malakas ang kutob ko na baka makatulong siya saakin. "There."




Pinindot niya ang app at tumingin saakin. Medyo naweirduhan uli ako ng tinitigan niya ako. I felt my stomach rumble. Hindi pa nga pala kami naglalunch. I felt bad, libre ko nalang siguro si Kyle mamaya.




"Ms. President...."





"Hmm?"





"Are you sure you want to sign up?"





I raised my eyebrows. "Ofcourse, yes."







"Really....?"

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon