Kabanata 11

19K 795 630
                                    

"You always make feel I don't deserve any of your attention," kinuha ko ang kamay niya at marahan siyang hinila patayo.

"Stop thinking that way." Ani ko. "I can just forget what I saw and replace it with another happy memory with you. I just hope I won't see the same thing again. Pero hindi naman kita pipilitin na iwasan siya." Ngumiti ako sa kanya.

It will take time before I finally reach her heart. Gaya nang sinabi ko noon pa man, kaya kong maghintay. It's not easy to pursue someone but you know it'll be worth it. Kung hindi talaga, I didn't lose anything, there's nothing to lose in pursuing someone in the first place, because what you get are happy memories and those are still worth it.

Takot ang ibang magmahal kasi baka sa dulo ay hindi rin naman kayo para sa isa't-isa. I've considered that thought between us, but then I know whatever end we have, magiging masaya pa rin ako. Wala akong pagsisisihan kasi ganito naman talaga ang takbo ng buhay, you'll know someone, it's either they'll love or stay, and at the end of the day, whatever they choose, what's important is they came and you surely learned a thing from them.

Kung dumating sila sa buhay mo para saktan ka, may matututunan ka pa rin naman, iyon ay tanggapin ang sakit at yakapin ito, upang sa susunod mas malakas ka na. Never ever think of revenging to someone who hurt you, because in the middle of revenging for yourself you might end up hurting yourself instead. Just always remind yourself that this is life, and you have to learn from every people you meet.

"Sorry may sinabi ka?" Tanong ko nang sandaling lumalim ang iniisip.

"Wala," bahagya siyang umiling habang nagpipigil ng ngiti. Muli kong kinuha ang kamay niya matapos siyang magsign-language.

"Pakikilala kita kay Mang Sandro, ilang araw niya na rin akong kinukulit kung para kanino ang mga bulaklak na pinitas at pina-arrange ko sa kanya."

Nagtungo kami sa munting cottage ni Mang Sandro, kung saan siya madalas magpahinga tuwing patirik na ang araw. "Mang Sandro?" Agad siyang lumabas sa cottage nang marinig ang tawag ko sa kanya. Inalis niya ang suot na sumbrero.

"Sir Dray!" Lalong lumapad ang ngiti ni Mang Sandro nang maaninagang mabuti ang kasama kong si Yshara. Si Mang Sandro ay nasa late forties na. Pansin ko ang bahagyang pagtago ni Yshara sa likuran ko, marahan siyang kumapit sa may manggas ng v-neck shirt ko.

"It's okay. He'll help us pick your favorite flowers." Marahan siyang nag-angat ng tingin kay Mang Sandro bago tumango. Pinakilala ko siya kay Mang Sandro bago kami nagsimulang mamitas ng bulaklak. She settled with sunflowers because it's her favorite.

"Ang galing niya!" Si Yshara habang pinapanood namin si Mang Sandro na nag-a-arrange ng mga bulaklak. "You don't know how to?"

"Tinuruan na ako ni Mang Sandro, but he can do it perfectly than what I can do. Kaya siya na lamang." I chuckled a little.

"Oh heto. Okay ba Yshara?" Tumango-tango si Yshara bago kunin ang isang bouquet ng sunflowers. "Kung gusto mo pa, magpasabi ka lang kay Sir Dray. Maaari kang magpapitas ng iba pang bulaklak. Maganda din ang mga rosas."

"Thank you po." Lumingon sa akin si Mang Sandro.

"Salamat daw po Mang Sandro."

Pagkatapos ay nagkayayaan na kaming magtungo sa bukana ng garden, kung saan pina-set up ni mommy ang lunch namin ngayong araw. Sumabay na rin sa amin si Mang Sandro.

"Ang dami," nilapag ko muna ang bulaklak ni Yshara sa isang tabi.

"That's for our workers and maids too. Salo-salo kaming kumain tuwing breakfast, lunch at dinner. Mas masarap kumain nang marami at sabay-sabay." Ngumiti ako sa kanya.

Until You Say It [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon