Bola 14

2.2K 152 20
                                    

CHAPTER 14

LINGGO, isang araw bago ganapin ang College Basketball League.

Isa itong kompetisyon sa pagitan ng sampung tertiary schools sa Calapan City kung saan ay ang city government ang umi-sponsor. May malaking premyo nga ring makukuha ang sinumang magka-kampeon dito. Sa kompetisyong ito, ay round rovin ang magiging sistema ng laban at sa oras na matapos ang siyam na laban ng bawat team ay doon na pipiliin ang top 4. Lalabanan ng nasa 1st ang nasa 4th place, samantalang ang 2nd at 3rd naman ang magkakaharap. Ito ay sa isang best of three games. Ang unang makadalawang panalo naman ay siyang uusad sa finals. Pagdating naman ng Finals, mayroon namang best of five games kung saan, ang mauunang maka-tatlo ng panalo ay siya ang magiging champion ng CBL.

Ang Calapan University ang school na palaging nagka-kampeon dito at tila sila pa rin ang mananalo sa season na ito. Halos lahat kasi ng kanilang mga players ay magagaling at lahat ng mga ito ay praktisado para sa bawat laro na lalaruin nila. Sa mata nga ng marami ay nananatiling walang makakatalo sa paaralang ito lalo pa't narito ang tinaguriang Big 3 ng CBL.

Bukas na nga gaganapin ang opening ng CBL sa CU at inaasahang maraming estudyante mula sa iba't ibang school ang pupunta rito. Isa pa, ang CU ay ang nag-iisang university sa buong Oriental Mindoro, sa ganda at laki nga ng school gym nila ay kayang-kaya nilang iukopa ang maraming manonood. Bukas din gaganapin ang unang laro sa pagitan ng CU Ballers at St. Anthony Thunder. Isa itong laban na siguradong maraming manonood dahil maglalaban kaagad ang top 2 teams ng CBL. Ang Big 3 laban sa kinikilalang Big 3 ng SA! Nitong nakaraang season nga ay nagawang ma-3 to zero ng CU ang kalabang ito, pero sa kabila noon ay naging dikit pa rin ang bawat laro nila.

Samantala, habang ang lahat ng mga players ng bawat school ay abala sa paghahanda sa CBL, mas pinili naman ng coach ng CISA na pagpahingahin ang kanyang mga players. Hindi sila nagkaroon ng practice game nitong dumaang sabado. Naisipan nga ni Coach Erik na gawin iyon, dahil nakita niya ang puspusang pagpa-practice ng ilan sa kanyang mga players. Sila ay sina Alfante, Romero at Cunanan. Maging ang baguhang si Ricky Mendez ay nakikita rin niyang pursigido. Aminado si Coach na hindi lahat ng players niya ay siniseryoso ang practice games, pero hindi niya maipaliwanag ngayon, pakiramdam niya kasi ay tila may maiipanalo na silang laban ngayong darating na season.

Isang normal na Linggo ng umaga naman nga para kay Ricky ang araw na ito. Pagkatapos niyang mag-jogging at sa bihirang pagkakataon ay dinala niya ang kanyang sarili sa basketball court na malapit sa bahay nila. Tulad ng madalas niyang napapansin, may mga naglalaro na kaagad dito. Mga binatang halos kaedad niya ang mga naroon at may ilan ding mga nasa trenta na pataas ang edad.

Napatingin siya sa court pagkatapos niyang umupo sa isang tabi. Naisipan niya muna kasing magpahinga. Nang sandaling mapatingin siya sa court ay napaisip na lamang siya.

"Bukas na ang opening ng CBL. Sa Martes, may laro na kami..."

Wala pang ideya si Ricky sa player na kanyang babantayan, pero isa lang ang bagay na alam niya... magaling na player ito.

Pinanood niya muna sandali ang mga naglalaro sa court. Puro shooting lang ang nakikita niyang ginagawa nila. May siyam na kalalakihan at may ilang mga bata na nakikisambot ng bola sa ilalim ng basket kapag hindi papasok ang tira ng mga nandoon.

Halos mga walang pantaas ang mga naglalaro rito. Halata ngang kanina pa lang ay naglalaro na ang mga ito. Tila nga walang kapaguran kung sila ay titingnan. Para sa kanila, ang sarap maglaro ng basketball. Nakikita nga rin ni Ricky ang mga payabangan ng mga moves at mga kung ano-ano ng bawat isa.

Napaisip tuloy si Ricky kung may ibubuga ba siya sa basketball? Para kay Mika? Para mapansin ni Mika?

Napangiti na lang na parang sira si Ricky. Para na naman daw kay Mika. Aminado siya na iyon talaga ang main reason niya, ngunit dahil kasali na siya sa varsity... kailangan na rin niyang mag-ayos kahit paunti-unti.

KINBEN I (Basketball Story) - CompletedKde žijí příběhy. Začni objevovat