Entry #40

196K 4.5K 69
                                    

Dear Future Boyfriend,

Kanina umakyat ako sa attic ni Lola. Nakita ko yung mga lumang laruan ko. Ang creepy pala tignan ng mga malalaking lumang manika? Tapos may nakita akong baul na maraming laman na photo albums. Mga pictures ni Lola nung dalaga pa sya. Alam kong maraming friends si Lola pero di ko alam na mahilig pala syang magpa-party. :D

Ngayong nakita ko yung mga pictures nya noong teenager palang sya, napapatanong ako bigla sa sarili ko. What am I doing with my life? Nasasayang yata ang kabataan ko sa pagkukulong dito sa bahay ni Lola. Mabuti pa si Kuya nagkaron ng bagong friends. Di bale bukas gagala ako. May birthday party pa naman na pupuntahan sina Lola bukas, sasama ako. :)

Nandon ka kaya?

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon