32

5M 94.8K 212K
                                    


R18. Read at your own risk. 


"What the hell was that?!" 


Kinuyog kaagad ako nila Yanna nang makita ang nangyari. Umiinom pa naman ako at halos magkanda-tapon-tapon na 'yon sa bibig ko dahil sa pag-aalog nila. Nilapag ko muna ang baso para harapin ang mga kaibigan kong mukhang mas excited pa kaysa sa 'kin. 


"Hindi ko rin alam! Nagulat din ako, okay?!" Pagpapaliwanag ko. 


"Oh my god, puntahan mo! Sabihin mo isa pa!" Tinulak ako ni Yanna. 


"Ano ba! Nakakahiya ka!" Bumalik ako sa pwesto ko, natakot. 


Naroon na ulit si Kalix sa loob at nakikipaglaro ulit ng baraha. May mga kausap siyang lalaki, 'yung iba kakilala niya ata. Nagkakatuwaan sila roon habang umiinom. Naiwan naman ako sa labas na nagpapatuyo ng bikini. 


"Masarap?" Pag-usisa ni Sam. 


"H-huh?" Hindi ako nakasagot kaagad. "Ano ba namang tanong 'yan!" 


Nag-iinit na ang pisngi ko, kanina pa simula noong halik na 'yon. 'Yung puso ko nagwawala na sa dibdib ko at hindi maka-kalma. Akala mo naman ay unang beses akong nahalikan kung maka-akto ako! 


But there was something in him that made my heart go wild and crazy. Of course, it was Kalix! Pakiramdam ko ay nauuhaw ako kaya inom ako nang inom dito. Lumalakas tuloy ang loob ko, e! Huminto ako kaagad dahil baka hindi ko na magustuhan ang mga i-aakto ko mamaya. 


Nagbago na ang ilaw sa loob pagkapasok ko. Tinakpan na nila ang bintana at para ka nang nasa bar. Nagkakantyawan na sila roon ng body shot nang pumasok kami. Nanguna 'tong si Samantha! 


Nang magtama ang tingin namin ni Kalix, tinapik niya ulit ang binti niya para maupo ako roon habang may hawak siyang baraha. Naglakad ako palapit at hinatak niya 'ko sa gitna ng binti niya kaya nagulat ako. Dahil nga manipis ang beach shorts at malamig, naramdaman ko ata ang kanya sa may bandang likod ko. 


Naglapag siya ng baraha at agad nag-kantyawan ang mga kasamahan niya nang manalo siya. Ngumisi siya at nilahad ang kamay niya para i-bigay ng mga lalaki ang pusta nila. Nagtatawanan pa sila dahil 'yung isa, relo ang pinusta. Hindi naman kinuha ni Kalix 'yon. 


"Body shot, Luna!" 


Nanlaki ang mga mata ko nang hatakin ako ni Kierra patayo. Napalingon ako kay Kalix na kausap 'yung isa niyang kakilala roon at nakangiti. Umiwas ang tingin ko nang abutan ako ni Via ng shot glass at kumuha si Sam ng platito ng asin. 


"Kalix, come on! Lika rito!" I was mortified when Sam shouted that. 


Nabaling kaagad ang atensyon ni Kalix sa 'min, naguguluhan kung ano bang nangyayari pero tumayo pa rin siya at naglakad palapit. Hindi pa nakakatulong na wala pa rin siyang suot na shirt! 


Kalix still looked so confused when Samantha put some salt on his neck down to his shoulder. When he saw me holding the shot glass, he was hit by sudden realization. He stayed still, waiting for me to take the shot. 

The Rain in España (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon