Entry #41

200K 4.5K 161
                                    

Dear Future Boyfriend,

Umuwi ako nang maaga galing sa party. Pagkatapos kong makikain umalis kaagad ako (hehe). Pano ba naman kasi si Lola at yung kabarkads nya pinagtripan akong i-pair dun sa apo nung may birthday. Bagay daw kami. Si Steve?

Si Steve ay isang college student din katulad ko. BSCoE ang course nya, yung nag-iimbento ng mga softwares at madalas din mga robots etc. Isa syang malaking nerd (Insulto ba yon? Sorry). Pero yon talaga ang description ko sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya kasi nerd sya, hindi yon eh. Paano ko ba ipapaliwanag? Alam mo yung tipo ng tao na maraming sinasabi na parang lumiliit ang tingin mo sa sarili mo? Sya yung tipo na gumagamit ng mga words na kailangan mo pang hanapin sa dictionary. Hindi simpleng english o tagalog words ang gamit nya. Ang lalim na para syang nag-susulat ng libro. Hindi ko sya maintindihan at hindi ko sya magawang patahimikin. At ang annoying ng boses nya parang kay Squidward! >.<

Hindi ko sya natagalan at pakiramdam ko ang sama na ng hitsura ko kanina dahil sa simangot ko. Bakit ba kasi sya nakabuntot sakin sa party? Pinagtatawanan tuloy ako ni Kuya Dylan. Kainis! Pero tinulungan din naman nya ako makatakas. Nagkulong na naman tuloy ako sa kwarto ko kasama si Toothless. Amoy laway na ako ni Toothless, ayaw nyang tigilan dilaan yung paa ko (medyo kinakagat pa nya). Pinalabas ko nalang sya ng kwarto, ayun umiiyak sa may pinto.

Ang epic fail ng plano ko na makipag-friends. Matutulog na nga lang muna ako.

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon