• C H A P T E R 4

4.2K 97 0
                                        

Inspired by true events.

Civilian guard ako ngayon araw, rotation kasi kami dahil yun ang gusto ni sir bong. Nasa loob ako ng selling area at paikot-ikot, nagpapanggap na shopper para makahuli ng shoplifter, kadalasan kasing dayuhin ng shoplifter ang supermarket branch namin.

Nang mga sandaling yun ay may minamatyagan kaming suspected shoplifter. Maingat ang bawat kilos namin para hindi niya mahalata.

pumunta sya sa biscuit section saka lumingon sa magkabilang gilid at agad ipinasok sa katawan ng palihim ang biscuit na ninakaw niya sabay alis at pinuntahan ang international section kung saan nakalagay lahat ng international items.

Alpha1..Alpha1.. Nasa international section na ang subject over..

Sabi ng isang civilian guard sa telepono ko.

Alpha1..this is bravo2.. Makita ko na ang subject..over

Sabi ko.

Naupo ako at mula sa kinalalagyan ko ay pinagmasdan ko ang subject sa ginagawa nya. Simisipol ito habang tinitingnan ang mga items.

Lumingon uli sya sa magkabilang gilid ngunit may dumaang ibang shopper kaya hindi na nya naituloy ang gagawin, sa halip ay hinintay nya mula itong mawala saka kinuha ang item na ilalagay nya sa katawan. Nang mahawakan nya ito ay biglang may pumigil sa kanya, hinawakan sya sa braso ng sobrang mahigpit. Nagalit ang shoplifter at tumingin sa nakahawak sa braso nya sabay sabi..

Ano bang problema mo??

Sabi nya.

Nagulat sya at natakot pagkakita nya dito. Galit na galit ito ngunit malabo ang mukha at nanlilisik ang mata. Sa sobrang takot nya dito ay napatakbong bigla ang shoplifter papalabas ng supermarket.

Apha1..apha1.. Tumatakas ang subject..papalabas na sya ng supermarket..

Sabi nito.

Hinabol ko ang shoplifter pati ang iba pang mga civilian guard dun. Agad na sinalubong sya ng isa pang guard na nakabantay sa entrance at hinarang upang hindi makatakas. Napahinto sya at lumingon sa likuran para maghanap ng ibang pupuntahan ng makita nya ako sa harapan nya. Kitang-kita ko ang labis na takot sa mukha nya habang itinataas ang dalawang mga kamay hudyat ng kanyang pagsuko sa amin.

Suko na ako! Sasama na ako sa inyo. Sabi nya sa akin ng medyo mataas ang boses.

Lalapitan kita at huwag kang gagalaw sa kinatatayuan mo.

Sabi ko.

Nagtaka ako sa sinagot nya sa akin ng lumapit ako at hawakan ang kaliwang braso upang dalhin sa loob.

May multo..

Sabi nya.

Ano??

Sabi ko.

Bigla nya akong tiningnan ng bakas ng takot sa kanyang mukha.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya sa akin ng mga oras na iyon.

Matiwasay na dinala namin sya sa office para mainquest bago iturn over. Nakaupo sya sa upuan habang hawak ang braso nya at takot na takot.

Hoy. Okay ka lang ba??

Sabi ni agustin
May multo..nakita ko sya..may multo.

Sabi nya.

Hindi ko inasahan yun, kung kanina hindi ko lang pinapakinggan ang mga sinasabi nya iba na ngayon lalo na ng makita ko syang takot na takot at namumutla.

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Where stories live. Discover now