Chapter 37: Sacrifice

18.2K 544 40
                                    

Play the song "Terrified" by Katherine Mcphee while reading this chapter

               ***Samara's Pov***

Papayag na ba ako?

Kung sakaling pumayag ako sa gusto nya hindi na mahihirapan pa ang mga nasasakupan ko. Wala nang mamatay pa.

"Paano ako makatitiyak na tutupad ka sa usapan" tanong ko rito

"Ang isang hari ay hindi sumisira sa usapan. Ano nakapagdesisyon ka na ba?"tanong nito. Muli kong inilibot ang aking paningin at nahagip nito ang isang pares ng matang nakamasid sa akin. Nagtitigan lang kami hanggang sa ako na rin ang unang umiwas. Nakapagdesisyon na ako!

"Oo nakapagdesisyon na ako!"sagot ko rito.

"Ano iyon binibini? Pumapayag ka na bang ika'y aking maging reyna kapalit ng kalayaan ng buong magic kingdom?"nakangising tanong nito

"Hindi!"sagot ko rito na nakapgpawala sa kanyang malademonyong ngisi

"Ano iyong ibig sabihin?"takhang tanong nito

"Kahit kailan hindi ako makikipagkasundo sa isang tusong haring katulad mo. Mas pipiliin ko na lamang ang mamatay kesa makasama ang isang walang pusong katulad mo. At ang pag-ibig ko ay nabibilang lamang sa iisang tao!!!!!"sigaw ko sa kanya

"Kung iyan ang iyong desisyon ay wala na akong magagawa pa." kalmadong sabi nito pero nakita ko ang unti-unting pamumuo ng dark ball sa kanyang palad"Sa tingin ko ay katapusan na ng inyong lahi nakakalungkot lang isipin na dahil sayo kaya mangyayari ang bagay na iyon...dahil iyon sa hangal mong desisyon!!!"sigaw nito lumalaki na rin ang dark ball sa mga palad na ito. Sigurado akong pag pinakawalan nya ito ay mawawasak ang buong academy. Pati na rin ang mga nandirito ay tiyak kong mamatay kaya  hindi ako makakapayag na mangyayari yon.

Sira na ang buong hall kaya naman malaya akong nakalipad pataas gumawa ako ng barrier na poprotekta sa lahat ng nandirito. Napatigil ang lahat at napatingin sa gawi kung nasaan ang dark king pati na rin ako.

"Samara wag mong gawin toh!!"sigaw ni Aria

"Samara nakikiusap ako wag mong ituloy kung ano man ang binabalak mo!!"Cloud

"Patawarin mo kami dahil hindi kami naniwala sayo...wag mong ituloy to pls."Light

"Sam!"napatingin ako sa sumigaw sa pangalan ko at hindi nga ako nagkamali kay firen nanggaling ang boses na ito"Sam...I'm begging you...don't do this...I'm sorry...please let us fight together...don't you dare do what you are planning to do...we can do this...please im begging you"sabi nito habang umiiyak pati ako ay napaiyak na rin.

The Long Lost Legendary Beautiful PrincessWhere stories live. Discover now