Entry #43

210K 4.8K 364
                                    

Dear Future Boyfriend,

Akala ko magiging boring ang buong araw ko. Pero nagkamali pala ako. Kasi kanina, dumating sa bahay si Steve kasama ang iba pang apo ng dabarkads ni Lola. Nang-harana sila. Hinarana ako ni Steve! Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa kakatawa o maiiyak ako dahil sa pagkanta nya. Narinig mo na bang kumanta si Squidward? Alam mo yung boring nyang boses na parang nag-aannounce ng number sa Lotto? (mas boring pa dun!)

Alam ko na sa ibang babae siguro sobrang matutuwa sila. Pero kasi hindi ko sya type! Hindi ko sya gusto o kahit na kailan ay gugustuhin. Hindi ko maimagine ang sarili ko na naglalakad sa mall na ka-holding hands sya! Mas kaya ko pang tanggapin yung nangyari sa amin ni Ashton noon, kahit na hindi ko rin naman sya gusto, hindi naman ako nandiri sa kanya nang hawakan nya ang kamay ko! Pero iba si Squidward! Hindi ko masikmura kahit sa imagination palang! Ang layo ni Corporal Giroro (si Ashton) kay Squidward (si Steve)!

May pagkakahawig sina Corporal Giroro at Ashton. Parehas sila na... medyo nakakatakot pero... medyo sweet. At may nakasabit lagi kay Giroro katulad ni Ashton, laging nakasabit gitara nya. Haha! Di ko pala nadala yung bigay nyang Sgt Keroro.

Back to the topic, kinikilig sina Lola kasi mukhang boto sya na maging kami ni Squidward. Gusto nya yata na maging apo yun dahil apo yun ng isa sa mga kabarkads nya. Mabuti si Kuya Dylan hindi ako iniwan habang kausap ko si Steve sa sala. Mukha nga syang bodyguard ko eh. Ang sama kaya ng tingin nya kay Squidward haha!

Umalis din naman sila after one hour. Kung akala ko stress na yung pag-take ko ng finals exam, mas stress pa pala na i-pair ka sa isang taong di mo gusto. Haay. Kasalanan mo to! Ang tagal mo kasi dumating! Pahihirapan talaga kita kapag nagkita tayo! >.<

Love,

Kayleen

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon