Chapter 4

10.8K 263 4
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 4

Nagmamadaling umakyat sa kanyang kwarto at agad niyang tinungo ang banyo upang magbabad sa tubig dahil pakiwari niya ay nakadikit parin sa kanyang katawan ang mga bisig ni Matt dahil sa nangyaring iyon sa kanila kanina at tuloy napahawak siya sa kanyang labi ng maalala nito ang hAlik na napagsaluhan nila kani kanina lang..

"Oh Diyos ko po hindi ko po sinasadya ang nangyari at lalo na po ang pagtaksilan ang aking nobyo dahil mahal na mahal ko si Leo.... Ani Farah sa sarili na nakukonsensiya dahil pakiwari niya ay nagtaksil siya sa kanyang nobyo..

Samanta nadatnan ni Matt ang kanyang mga magulang sa may sala na nanunood ng balita at napalinhon ang mga ito sa kanya ng pabagsak na umupo siya sa sofa...

"Oh iho bakit napapansin ko lagi kana yatang napapagawi sa bahay ng magiging biyenan mo ah!....wika ni don Lucio kay Matt habang nakaunat ang dalawang braso sa may sandalan ng sofa..

"Mommy we're so busy right now at itong si Frieda naman ay paglalakwatsa naman ang inaatupag pati ang mga invitation namin ay wala eh ilang linggo nalang bago ang kasal namin!....buntong hiningang saad ni Matt..

"Ano!!..bakit naman ganoon ang babaeng iyon parang hindi yata intresadong magpakasal sa iyo eh!..parang napipilitan lang yata!....singit ni donya Nenita sa usapan ng mAg ama..

"Mommy maybe she just enjoying first her life style being single!....pagtatanggol ni Matt sa kanyang fiancee.

"What Matt!..inienjoy niya ang pagkadalaga niya samantalang ikaw ang nagpupursige sa pag aasikaso ng lahat ng para sa kasal ninyo.,,!ni hindi pa kayo kasal ay ganyan na ang ginagawa niya !,, how much more pa pag kasal na kayo baka iiputan na niya ang iyong ulo!....sermon ni donya Nenita sa anak..

"Mommy ano ba ang pinagsasabi ninyo hindi gagawin ni Frieda anv ganoon sa akin dahil kilala ko siya!...saad ni Matt sa kanyang ina...

"Ay ewan ko sayo Matt hindi kita maintindihan sa totoo lang hindi ko siya gusto para sayo.,,sana si Farah nalang ang niligawan mo at inaya ng kasal dahil napakabait ng batang iyon maganda pa!....ani donya Nenita saka napatingin sa braso ni Matt...

"Oh iho napaano ka bakit may pasa ka sa braso?...biglang alala ng donya pagkakita niyo sa braso ni Matt.

"Ah nagasgas kasi nagkabanggaan kami kanina ni Farah sa may pinto ng hindi sinasadya kaya itong braso ko ay naitungkod ko bago kami bumagsak sa sahig at salamat at hindi tumama ang ulo niyo sa semento.,,

"Sana siya nalang ang pinakasalan mo anak sayang talaga!...,gustong gusto ko kaya ang batang iyon!...muling wika ng ina ni Matt kaya' naiiling nalang ito...

"Mommy may nobyo po si Farah bago ko siya makilala kaya imposible ang sinasabi ninyo!...

"Eh kung sakaling wala ba siyang nobyo noon liligawan mo ba siya noon?...saad ng donya kay Matt na sadyang napatigil,,

"Mommy your talking to much!..tanging sagot ni Matt saka pumunta siya ng kanyang kwarto,

"Hay ano ba itong nangyayaring ito sa akin ikakasal na ako saka naman naging ganito ang lahat!...bakit ba tuwing nababanggit ang kanyang pangalan ay parang nababalisa ako lalo na ang nangyari sa amin kanina kaya't hindi ko napigilan ang aking sarili na halikan siya.,,kay lambot ng kanyang mga labi kaysarap halikan...,Oh Diyos ko patawarin mo ako!...samo ni Matt habang nakasandig sa headboard ng kanyang kama.

Mabilis na lumipas ang mga araw at tatlong araw nalang bago ang kasal nila Matt at Frieda kaya't mas lalo pang naging abala silang dalawa sa paglalakad ng mga dapat ayusin sa kasal ngunit si Frieda ay halos hindi na maasahan ni Matt kaya't pinababayaan nalang niya para sulutin nito ang buhay dalaga.,,ngunit lingid kay Matt ay...

"Ano na ngayon ang desisyon mo dapat ko ng malaman dahil ilang araw nalang ay kasal mo sa lalaking iyon!....wika ni Garry kay Frieda habang nakahiga ito sa kama at nakayakap naman si Frieda na tanging kumot lang ang tumatakip sa kanilang kahundan..

"Nakapagdesisyon na ako mahal ko malalaman no ito bukas ng umaga basta hintayin mo ako rito!....sagot ni Frieda saka hinalikan ng buong pagmamahal si Garry na siyang nagdala muli sa walang hanggang kaligayahan....

Pagdating ni Frieda sa kanilang bahay ay nakatulog na ang lahat ng mga kasambahay niya kaya agad siyang dumeritso sa kanyang kwarto at pagdating doon ay agad niyang binuksan ang kanyang wardrob saka dali daling kinuha ang maliit niyong luggage na kakasya ang mga dadalhin niyang mga damit at ng nailagay ng lahat ang dapat niyang dalhin ay saka kinuha ang kaperasong papel saka may isunulat doon...

I

PAPA...,.,patawad po kung nagawa ko ito.,sasama po ako kay Garry dahil siya ang mahal ko at hindi si Matt.,,hindi ko kayang pakasal sa lalaking ni kahit kailan ay hindi ko minahal papa kaya muli po akong humihingi ng tawad sa inyo.,,,FRIEDA.

Saka inilapag ni Frieda ang sulat na ginawa nito sa mismong ibabaw ng kama at binitbit ang kanyang bagahe at dahan dahang bumaba at deretso palabas ng bahay para tunguhin ang kanyang sasakyan...

Maagang nagising si Matt dahil may kasunduan sila ni Frieda na pupunta ng simbahan para kausapin ang pari na magmimisa sa kanilang kasal...

Pagdating niya ng mansiyon nila Frieda ay nasalubong niya si Farah sa may garden na hawak hawak ang pandilig ng halaman at nakashort ito ng halos isa't kalahating dangkal lang ang haba at naka shirt ng sleveless.,,at ng magtama ang kanilang paningin ay biglang pinamukahan ng mukha saka deretsong tinungo ang garden para diligan ang mga halaman...

Pagdating ni Matt sa loob ng bahay ay nadatnan niyang nagbabasa ng diyaryo ang magiging biyenan nito kaya binati niya ito!

..

"Good morning po!..gising na po ba si Frieda kasi po pupunta kami ngayon sa simbahan para kausapin ang pari eh alas nwebe na po at baka mamaya eh marami ng tao sa simbahan dahil sa misa..

"Ay oo nga ano.,,!manang Mona pakitawag nga si Frieda dahil may pupuntahan daw sila ni Matt.,,ani gov Manuel kay mamang Mona na tumalima naman itoi

Nakailang katok na ito ngunit walang sumasagot kaya't binuksan ni manang MOna ang pinto at napakunot ang noo nito ng makitang walang tao at ng mapansin ang papel sa kama ay agad niya itong binasa at halos natutop niya ang bibig ng mabasa ito at dahan dahan siyang pumanaog at lumapit sa kinaroroonan ng dalawa..

"Oh manang Mona asan na si Frieda hindi mo ba siya ginising?..wika ni gov. Manuel

Ngunit imbis na sumagot ay ibinigay nito ang hawak na papel sa dalawa at ng mabasa ni Matt ay!!!!

"Noo!!!!!,,,halos dumagundong sa kabahayan ang sigaw ni Matt sa pagkadismaya....

ITUTULOY!!!

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon