Chapter 6

10.7K 252 4
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH"

BY:EMMZ

CHAPTER 6...

"No papa nooo!..hindi mo pwedeng gawin ito sa akin papa hindiii!...saka nagtatakbong umiiyak si Farah patungo sa kanyang kwarto.

"Farah bumalik ka rito!...sigaw ng gobernador ngunit puro hagulgol lang ang kanilang narinig mula kay Farah...

"Paano na ngayon yan Manuel parang wala tayong maaasahang kalutasan sa malaki nating problemang kinakaharap,...maya maya'y saad ni don Lucio..

"Basta akong bahala kaya wag kayong mag panic dahil malulutas ang gulong ito maniwala kayo sa akin at Matt payag ka bang si Farah nalang ang ipapalit ko kay Frieda?..baling ng gov. kay Matt..

"Wala na po akong magagawa tito kaysa naman mabilad ako sa kahihiyan...sagot ni Matt saka napatingin ito sa may hagdanang binagtas ni Farah...

"Ok ,..so everything settled then! Sige aalis na kami Manuel basta tuloy parin ang kasal.....wika ni don Lucio saka sabay na lumabas ang mag anak...

Samantala halos hindi makahinga ng maayos si Farah sa sama ng loob dahil sa sinabing iyon ng kanyang papa...

"No hindi pwedeng mangyari ito!,..hindi ako pakakasal kay Matt dahil si Leo ang mahal ko,..si Leo lang ang lalaking gusto kong magdadala sa akin sa harap ng altar dahil kami ang nagmamahalan,..oh DIYOS ko wag mo pong pahintulutan na mangyari sa akin ang ganito hindi ko kakayanin hu hu hu!....humahagulgol na samo ni Farah habang sapo nito ng dalawang kamay ang kanyang mukha ng may kumatok ngunit binaliwala niya ito hanggang kusa ng bumukas ang pinto...

"Sa ayaw at gusto mo ay pakakasal ka kay Matt dahil siya ang nababagay sa iyo hindi ang nobyo mong iyon maliwanag!!...maawtoridad na saad ng gov. kay Farah..

"Pero papa alam naman ninyong hindi ko siya mahal at may mahal na akong iba!.....sagot ni Farah na halos hindi niya mabigkas bigkas ang salita dahil sa mga hikbi nito..

"Matututunan mo rin siyang mahalin pagdating ng araw at mabait naman si Matt eh kaya ngayon ayusin mo ang iyong sarili dahil dalawang araw nalang mula ngayon ay kasal na ninyo at wag na wag kang lalabas ng bahay ng hindi ko alam dahil malilintikan ka sa akin...

"Papa bakit kaylupit mo sa akin?..bakit pakiramdam ko'y kay bigat ng iyong dugo at nio hindi mo man lang ako kayang mahalin bilang anak mo huh u hu!....maya maya'y sabi ni Farah na nagpakunot ng noon g kanyang ama...

"Hindi moa lam ang sinasabi mo Farah kaya tumigil ka sa mga sinasabi mo!,..ayusin mong sarili mo at ihanda mo ito hindi yang iyak ka ng iyak diyan ng walang katuturan!,...bulyaw ng ama kay Farah saka lumabas ng kwarto ni Farah at pabalibag nitong isinara ang pinto..

"Oh Diyos ko bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko saan po ako nagkulang at ito ang parusang naigawad sa akin huh u hu!...yakap ang sarili ni Farah na parang bata na umiyak ng umiyak..

Matapos mailabas ni Farah ang sama ng loob ay kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone at idinayal nito ang numero at maya maya pa'y sinagot na ang kanyang tawag....

'Hello mahal ko!,..ano ang ginagawa mo?...tanong ni Farah kay Leo sa kabilang linya na noon ay nag uunahan na naman ang knayang mga luha na hindi niya naitago kay Leo..

"Wala naman mahal nanunuod ako ng tv,..ikaw anong ginagawa mo bakit parang umiiyak ka yata mahal?...balik tanong ni Leo ng mapansin ang sunod sunod na paghikbi ni Farah...

Hindi sinagot ni Farah ang tanaong ni Leo bagkus humagulgol ito ng humagulgol na siyang ipinagtaka ni Leo..

'Mahal ok ka lang ba?..ano bang problema mo at umiiyak ka?..sunod sunod na tanong ng nag aalalang si Leo..

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon