CHAPTER 24

13.9K 497 36
                                    

LINGGO NANG HAPON..PERO DI INAASAHAN NI STEPHANIE NA AAYAIN SIYA NI LUCAS NA LUMABAS.

"Are you okay?"

Sinulyapan niya ito habang nakatuon kanina ang kanyang mga mata sa kanilang magkahawak na mga kamay.

"Ayos lang ba kung.." hinila niya nang kaunti ang kanyang kamay ngunit hindi iyon pinakawalan nang binata.

"Don't.."

"Pero baka mabangga tayo"

Sumilay ang ngiti sa labi nito nang ilapit ang kanyang kamay sa labi nito at hinalikan iyon. Aaminin niyang kinikilig siya sa mga kilos nito at,l siyempre sa ngiti nito na malimit niyang nakikita.

Hindi na siya umimik pa at hinayaan na lamang na hawakan nito ang kanyag kamay habang nagmamaneho. Napatingin siya labas nang huminto ang sasakyan nito.

Nagtataka siya kung bakit dito sila pumunta. Ang weirdo talaga minsan ni Lucas sa isip isip niya.

"Let's go"

"Bakit dito?"

Tumigil si Lucas sa paglalakad at pagkatapos ay umikot para tignan siya "ayaw mo ba?"

"Hindi--siyempre gusto"

Naramdaman muli niya ang mainit na palad ni Lucas nang magkadaop ang kanilang mga kamay.

Hindi niya malaman kung bakit dito sa Enchanted Kingdom siya nito dinala. Kung tutuusin nga mga bata lang karamihan ang nakikita nila doon.

Nang makapasok sila sa loob ay hindi parin nito pinapakawalan ang kanyang kamay. Naaasiwa na siya dahil ilan sa mga tao roon ay napapatingin sakanila. Sabagay good looking guy si Lucas..samantalang siya? Never mind!

"Gusto mong subukan?"

Tinuro ni Lucas ang isang rides at nanlaki ang kanyang mga mata dahil ang tinuturo nito ay ang malaking Roller Coaster!

"Di--diyan? Ahh--ehh"

Takot siya sa mga matataas. Kaya parang gusto na niyang lumabas nang Enchanted para lang di makasakay sa Roller Coaster.

"Why? Takot ka?"

Unti-unti siyang napatango. "Ayoko kasi nang matataas. Para akong mahuhulog"

"Don't worry..kasama mo naman ako. Hindi kita hahayaang mahulog"

Hinila siya nito at nakipila sila doon. Nang sila na ang susunod ay tila parang ayaw humakbang nang kanyang mga paa. Mabuti nalang at hawak ni Lucas ang kanyang kamay at ginabayan siya nito.

"Nandito lang ako"

Huminga siya nang malalim nang gumalaw ang kinauupuan nila. Pinikit niya ang kanyang mga mata at pinigil ang kanyang paghinga. Nanlamig ang kanyang kamay at mahigpit na napakapit kay Lucas.

Dinig na dinig niya ang hiyawan at sigaw nang mga tao na kasama nila maging si Lucas. Pero siya ay mistulang naninigas na sa kanyang puwesto.

"Stephanie ope your eyes! Come on honey..open your eyes!"

Napalunok pa siya nang ilang beses nang unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata at mula sa itaas ay kitang kita niya ang ibaba..bigla siyang napasigaw nang umikot nang mabilis ang rides.

"Tignan mo iyon" tinuro ni Lucas ang paligid. Puno nang ibat ibang kulay na ilaw sa paligid na sa taas mo lamang mapapansin at makikita.

Bigla siyang namangha dahil sa ganda nang tanawin mula roon. Kahit umiikot ang rides ay pinanood niya ang paligid.

"Isn't it Beautiful?"

"Oo..ang ganda! Whooooooooaaaa!!!!!"

Doon niya lang na-enjoy ang sumakay. Unang sabak niya sa Roller Coaster ngunit unforgetable iyon para sakanya. Nakakatakot man ngunit napagtagumpayan niya iyon dahil sa tulong ni Lucas.

Nang matapos sila doon ay inaya siya ni Lucas na magmeryenda at maupo muna. Iyon nga ang kailangan niya dahil nanginginig pa ang katawan niya. Mabuti nalang at di siya napasuka.

"Here.."

Nilapag ni Lucas ang isang coffee sa kanyang harapan. Agad niya iyong ininum para mainitan ang kanyang sikmura dahil sa lamig na natamo sa itaas.

"First time mo sa Roller Coaster?"

Tumango siya dito. "Kaya pala..How's your feeling?"

"Okay na ako..Salamat--salamat kasi hindi mo ako pinabayaan sa itaas"

Tumango sakanya si Lucas "I told you right.maganda ang view sa itaas..kaya inaya kitang sumakay para atleast makita mo ang kagandahan mula sa itaas."

"Oo nga..ang ganda--"

"Yeah..Beautiful"

Napakurap siya nang nakatingin sakanya si Lucas..

"The Place..ahmm..tara na"

Para itong nasilihan nang tumayo ito at nagpati-una nang lumakad. Sinundan niya ito. Hindi siya nagtanong kung saan sila sunod na pupunta. Sa karamihan nang tao ay doon sila nagtungo. Ngunit pumuwesto sila di kalayuan doon.

"A--anong meron?"

Tumingala si Lucas at biglang napa-bilang.

"10,9,8,7,6,5,4,3,2,1.."

At biglang nakarinig siya nang malakas na tunog pagkatapos ay umilaw sa itaas.

Isang Fireworks Display! Napangiti siya nang makita ang ibat ibang klase nang design at kulay nang mga fireworks..ngayon lang siya nakapanood nito--na may kasama..

Espesyal ang gabing ito para sakanya dahil kasama niya ang taong kanyang pinakamamahal habang nanonood nang Fireworks.

"Sabi nila..kapag kasama mo daw ang taong mahal mo na manood nang Fireworks ay kayo na forever"

Bumaling ang kanyang mata sa couple na nasa kanilang harapan. Bigla siyang napangiti at nang mapatingin sa kinaroroonan ni Lucas ay sumalubong sakanya ang mga titig nito.

Walang nagsalita sakanila hanggang sa hinila nito ang kanyang kamay at mahigpit iyong hinawakan.

"Lu--lucas..Bakit--"

Nakita niyang napatingala ito sa kalangitan at kalaunan ay bumaba ang mga mata nito sakanya.

"Huwag mo akong tanungin..Dahil ayoko ring itanong iyan sa sarili ko. Basta..ang gusto ko hawak ko lang ang kamay mo--para dito ka lang palagi sa tabi ko.."

Unti-unting bumaba ang mukha nito sakanya at napapikit siya nang maramdaman niya ang paglapat nang labi ni Lucas sa kanya.

Hinayaan niyang halikan siya nito. hindi iyon nagtagal at lumayo ang binata sakanya. Kapagkuwan ay hinila siya nito at niyakap.

"Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. At hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit ganito ako lalo na kapag kasama kita..I can't explain myself Steph..Pero isa lang ang kinakatakot--ang iwanan mo din ako"

Humigpit ang yakap niya sa binata. Kahit hindi nito puntuhin ay alam niya ang sinasabi nito. Gusto nitong manatili siya. Bagay na sang-ayon naman siya.

"Kahit walang kasiguraduhan ito Lucas pero nangangako ako..Dito lang ako sa tabi mo hindi kita iiwan..huwag mo lang akong bitawan"

"Hahawakan ko ang kamay mo.. Hindi ko ito bibitawan"

Umagos ang mga luha ni Stephanie nang marinig niya ang mga sinabi ni Lucas. Maaring ito na nga ang umpisa nang mandang samahan nila..

-itutuloy-

Joden15

PAYMENTS OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon