Chapter 9

11.5K 263 3
                                    

FLAMES SERIES 1

THE FANCY BRIDE

"FARAH'

BY:EMMZ

CHAPTER 9...

Parang panaginip nga kay Farah ang lahat dahil natapos ang kasal na kahit wala sa kanyang plano ay nagawa niyang magpakitang tao sa lahat dahil nakasalalay sa kanya ang pangalan ng lahat lalo na ng kanyang papa dahil sa nalalpit nitong pagtakbong muli sa kandidatura ...

Tahimik lang na nakamasid sa mga tao si Farah habang ang mga iba ay nagtatawanan at nagtsitsikahan sa kani kanilang mga amiga ng maya maya ay bigla siyang nilapitan ni Matt...

"Andito ka lang pala halika at gusto ka daw makilala ng mga kaibigan ko....malumanay na wika ni Matt kay Farah habang nakatingin ito sa magandang mukha ni Farah...

"Pagod ako at gusto ko ng magpahinga!...sagot nito saka inirapan niya si Matt dahil naiirita siya sa paran ng pagtitig nito sa kanya...

"Sandali lang naman eh please!...halos magmakaawang samo ni Matt kay Farah kaya't pabuntong hininga na tumayo si Farah at saka hinawakan ni Matt ang kamay nito ngunit iwinaksi naman ni Farah at muling hinawakan ni Matt ang knayng kamay at iwawaksi na naman sana niyang muli ng makitang palapit sa kinaroroonan nila ang mommy ni Matt kaya't hindi na niya nagawa pang iwaksi ang kamay ni Matt at dahil doon ay lihim na napangiti si Matt at sinamantala naman nitong akayin sa may bewang si Farah palapit sa kinaroroonan ng mga bisita...

Inis na inis si Farah ng maramdaman niya ang kamay ni Matt sa kanyang balakang ngunit hindi siya makprotesta dahil nasa harap na nila ang mommy ni Matt na ngayon ay instant biyenan na niya...

"Oh Farah iha andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap saan kaba nagpunta iha?...tanong ni donya Nenita sa kanyang manugang ngunit si Matt na ng sumagot...

"Mommy galing po siya sa taas nagtoilet lang siya....alibay ni Matt saka pasimpleng tumingin kay Farah na agad naman nitong nakuha ang ibig sabihin ni Matt...

"Opo nag toilet lang po ako tita....sagot ni Farah na ikinalingon ni Matt sa kanya at saka nagkatinginan ang mag ina...

"Iha mommy nalang ang itawag mo sa akin tutal mag asawa na kayo ni Matt kaya't masanay ka nang tawagin akong mommy dahil dito kayo titira ni Matt sa bahay...

"Naiilang lang po ako tita...ani Farah kay donya Nenita..

"Mommy iha please say it!...parang nakikiusap na wika ng donya sa kanyang manugang..

"O-opo mom- mommy!...pautal utal na bigkas ni Farah na halos mamula pa ito...

"Ganyan iha!,..oh thank you iha and i hope na continous na ang pagtawag mo sa akin ng mommy and im so glad about your wedding alam mo iha andaming nag sasabi na napakaganda daw ng aking manugang and it's true dahil talagang napakaganda mo hindi nakaksawang pagmasdan ang iyong mukha bagkus kapag tinitingnan ka sa matagalan ay mas nagiging kaakit akit ka diba Matt?...saad ng donya saka binalingan nito ang kanyang anak para hingin ang suporta nito..

"Yes mommy!,..my wife is the most beautiful bride ever....may pagmamalaking sagot ni Matt sa kanyang ina saka tumingin ito kay Farah at kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito sa papuring natamo mula kay Matt..

Nasisiyahang pagmasdan ni MAtt ang pamumula ng mukha ni FArah dahil mas lalo pang gumaganda ito.

Nang mapansin ni Farah na nakangiti sa kanya si Matt ay agad niya itong sinimangutan at tatalikod na sana siya ng pasimpleng hinawakan ni Matt ang kanyang kamay kaya't hindi niya naituloy ang tangkang pag alis dahil papalapit na sa kanilang kinaroroonan ang mga kaibigan ni Matt...

Flames Series 1...THE FANCY BRIDE..."FARAH"...by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon