FADEN 41

763 76 19
                                    

Kyle

Naglalakad na ako pauwi galing school nang masakit ang ulo. Ano nga uli pinag-uusapan namin ni Miss President kanina? Parang nag-away ata kami, pero 'di ko maalala iyong pinag-awayan namin.


Kulang lang ata sa aruga, Kyle. Itulog nalang natin 'to.

Nadaanan ko ang madilim na playground at lalampasan ko na sana ito. Hindi ko naman planong pansinin pa kasi lagi naman akong dumadaan dito.





Pero kasi iba ngayon 'e.




Napatingin ako sa gilid ko nang bigla akong may narandamang galaw. Sa biglaang paglingon ko naman ay nakita ko si Aliyah sa swing, humihikbi at 'di maiangat ang ulo.



Delikado na ah.




Pero 'e? Kanina pa ba siya andito?




Aaminin ko, masama pa rin ang loob ko sa kanya(likas na ata) pero hindi ko na alam ang iisipin ko. Kung nagsisinungaling lang ba siya saakin o ano. But seeing her crying alone in this dark night-- nilapitan ko siya.



"Hey." I called. She looked at me and wiped the tears in her eyes. "Why are you crying?"


"W-wala." She uttered breathlessly.



Napabuntong hininga ako at naupo sa swing na katapat niya lang. "Look, sorry." I sighed. "Hindi ko rin alam ang ginagawa ko kanina at sinugod na naman kita."


Muli siyang tumingin saakin na naluluha." K-kyle. H-hindi ako pumapatay. "




Nilingon ko siya, unaware of what I should react. "I.... really don't know. I don't trust anyone, Aliyah."




May sasabihin pa sana siya pero may biglang umalingawngaw na nakababahala na sigaw sa hindi kalayuan. Napabalikwas ako at napatayo agad nang mapagtanto ko kung kaninong boses ang nagmamay-ari n'on.




Walang sabi sabi ay tinakbo ko agad ang direksyon kung saan nanggaling ang nakababahalang boses— ni hindi ko na nilingon pa si Aliyah. May ibinulong siya pero hindi ko na ito narinig.










Ang tanging laman lamang ng isip ko ay










tila kailangan ng tulong ng babaeng sumigaw.

FADENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon