PROLOGUE

6.7M 109K 110K
                                    


University Series #1: The Rain in España (complete)

University Series #2: Safe Skies, Archer


This story contains spoilers for University Series #1.


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is not affiliated with UST/ADMU/FEU/DLSU/other universities.


Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.


This story is unedited. It might have typographical and grammatical errors ('nanaman', 'sa'yo', 'sa'kin', 'din', 'daw' 'sa'min'). Please bear with me. I'll get back to this after I finish the whole series. 

***


"In behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today. Have a great day." 


Ngumiti ako sa mga pasaherong palabas na ng eroplano. Nakatayo lang ako sa gilid at nagpapasalamat sa bawat labas nila, may mga dala silang bagahe. Lumalapit ako kapag may nabibigatan para tulungan sila roon. 


"Last na lipad mo 'to?" Tanong sa'kin ni Kyla, isa sa crew. 


"Oo," ngumiti ako sa kanya. "Makakapagpahinga na rin." 


Nakakapagod ang mahabang byahe mula Atlanta pabalik dito sa Manila. Dalawang araw din kaming nag-stay doon. Hindi pa nga 'ko nakaka-adjust sa jetlag, bumalik nanaman dito sa Pilipinas. Nagugulo na ang body clock ko. 


"Kain muna tayo!" Aya sa'kin ni Bri, isa pang flight attendant. 


Hatak-hatak na namin ang maliliit naming bagahe palabas. Rinig na rinig ko pa ang maingay na pagtapak namin sa sahig dahil sa heels na suot. Sumasakit pa ang paa ko dahil bagong heels ang suot ko ngayon.


"Hindi na 'ko. Kailangan ko nang umuwi," tinanggal ko ang scarf sa leeg ko dahil naiinitan na 'ko kaagad. 


"Oo nga, may alaga pa 'yan si Yanna," tumango naman si Bri. 


Sumakay kami sa service pabalik sa headquarters ng airline. Pagkababa, kumaway ako sa kanila at naglakad na 'ko papuntang parking. Tinanggal ko kaagad ang coat ko pagkasakay sa sasakyan dahil sa init. Nagpalit na rin ako ng sapatos para hindi mahirapan sa pagdadrive. 


"Puking inang sasakyan 'to!" Hinampas ko ang manibela nang hindi nanaman mag-start. 


Bumaba ako at tinignan ang makina. Pagkatapos, pumasok ulit ako at sinubukang i-start. Ngayon naman, gumana! Kailangan ko na talagang palitan 'yung sasakyang 'to. Wala lang talaga akong pambili sa ngayon! Ang dami kong pinag-iipunan pa. Ang dami kong pinag-gagastusan!

Safe Skies, Archer (University Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon