Chapter 49

16.3K 672 207
                                    


Zaparta's POV

"Hindi ba kayo manonood?" napatingin kami ni Dite kay Mama Alicia. Hawak-hawak nya ang bunsong anak ni Kuya Al na nine months pa lang. "Final na ngayon. Miracle vs Meteorite."

"Sigurado naman na Meteorite ang mananalo." sabi ni Dite. Hindi man lang nya sinuportahan ang Miracle na dati nyang team. "Walang laban si Kennie sa kambal."

"Ganon kagaling ang kambal?" tanong ko.

"Matalino ang kambal. Hindi sila lalaban para makipag-one on one. Lalaban sila para sa team." sabi ni Dite. "Kung gusto mo malaman ang totoong galing ng kambal. Yayayain mo sila makipag-one on one dahil kapag may kasama sila, paglalaruan lang nila kayo."

"Kahit na matagal mo silang hindi nakita, kilala mo sila." sabi ko.

"Actually, sinabi nila 'yon sakin." napaka-honest talaga nito at walang preno. Hindi man lang nilihim. "Sinabi nila 'yon na kahit mapalabas ninyo sila, paglalaruan lang nila kayo. So, matatalo at matatalo ang Miracle sa kanila."

"Grabe, wala kang tiwala sa dati mong team?" napailing na sabi ko.

"Pero..." napatingin ako sa kanya dahil may pahabol sya. "Matatalo sila pero lumalaban sila. Ayoko kay Kennie pero isa rin naman syang matalino. Kaya nga natalo ka nya." sinamaan ko sya ng tingin. Napaka talaga. "Hindi mo ba napansin? early game pa lang binaug na nila kayo. Hindi pa sya kumikilos non pero tambak na kayo. Kung hindi ka pa nga gagalitin, hindi ganon kaliit ang lamang nila sa inyo."

"Tama si Dite, anak. Magaling ang strategy ng Miracle nung laban ninyo. Mula sa defense hanggang sa offense. Alam nila ang weak point ninyo at alam nila kung saan papasok." sabi ni Mama Alicia. Hindi na ako umimik dahil si Mama Alicia na isang manager ng Queer ang nagsabi.

"Isa rin advantage ng Miracle sa inyo ay dahil sa mga magulang nila. Iniisip ninyo na purkit anak sila ni ganito, ganon na din ang gagawin nila. Katulad ni Lee, aggressive si Ninang Steph pero hindi ganon si Lee, isa lang syang shadow na kinukuha ang bola sa inyo." sabi ni Dite. Well, tama sya don. Hindi ko inaasahan na ganon ang role ni Lee.

"Ang kulang din sa inyo ay lahat sila nakaasa sayo." tumingin ako kay Mama Alicia. "Hindi tama ang ginawa ng Dragon Empire na iasa lahat sayo dahil sa totoo lang, anak, kulang ka pa." akala ko buo na rin ako dahil natalo ko si Eloi pero nung nakalaban ko si Kennie ay may kulang pa. "Hindi tama na galitin ka nila para lang mas gumaling ka pa sa laro. Paano kapag sa sobrang galit mo at hindi mo na makontrol ang sarili mo, masapak mo ang kalaro mo? Masu-suspend ka nyan."

"Hindi ko rin gusto ang ginawa nila." nakayuko kong sabi. "Damdamin ko yung nasasaktan."

"Kaya nga hindi tama 'yon." sabi ni Mama Alicia. "Kaya kailangan mong pag-aralan kung paano mo gagawin ang unstoppable moves mo na hindi ka gagalitin."

"Unstoppable. OA, Ma." sabi ko na natatawa.

"Sa laban nyo sa Shakers, hindi ka mapigilan pwera lang sa Miracle." sabi ni Mama Alicia.

"Nice comeback." sabi ko at napailing. "Uuwi naman si Sora dito next week hindi po ba? siguro sa kanya na lang ako magpapatulong since sya ang Beast ng Queer." nakangiwing sabi ko sa dulo. Naalala ko bigla yung sinabi ni Stace tungkol kay Sora.

"Sasabihan ko sya na wag magpapapigil sayo. Hindi purkit magiging girlfriend ko sya, kailangan nyang maging easy sayo." sabi ni Mama Alicia at naglakad paalis.

"Pambihira." sabi ko at sumandal sa sofa. "Dite, manood tayo ng laban nila." pag-aaya ko. Hindi sumagot sakin si Dite, bagkus nilipat nya ang channel sa Sport TV. Live na pinalabas ang Final game ng basketball. Gusto ko sanang sabihin na pumunta kami sa mismong Arena para manood pero mukhang ayaw naman nitong isa.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now