Chapter Two

4 0 0
                                    

I woke up past 7 na, it's a Friday naman so walang school today and Noah prepared the breakfast.

He made pancakes and syempre hindi mawawala ang bacon. He greeted me at pinaghanda ako ng plato. It's a morning at kagigising ko lang, alam niya naman na hindi talaga ako nakikipag-usap kapag bagong gising ako. He did not say anything. Nilagyan niya lang ako ng pancake at bacon sa plato.

Almost one year na rin akong hindi kumakain ng bacon and pancake in one breakfast, nakaka-miss din pala. I took a piece of the pancake and put some bacon on top of it saka ni-roll 'yon at sinubo. Nostalgic, shet! Ang sarap!

Sa kanya ko natutunan ang kumain ng ganon, halata nga ang tuwa sa mata niya habang pinapanuod akong kumain. Na-conscious tuloy ako bigla. Damn. Ni hindi ko nga alam kung paano ako aakto sa harap niya, do I have to look like I moved on? Kasi parang siya hindi pa e.

Oh dear.

Buti na lang at bumaba na si Carlene, hindi na ganon ka-awkward para sa akin ang kumain. Binati niya kami ng good morning at saka ako nginitian na parang tanga.

"Sis, nagreply na ba si Ivan sa'yo?" She suddenly asked.

Ni hindi ko na nga matandaang nagmessage pala siya sa Ivan na 'yon kahapon.

"Hindi ko pa nakikita."

"Check mo na." She urged. "Baka may sinabi na e."

Ano bang gustong mangyari nitong Carlene na 'to? Teka– Pinagseselos niya ba si Noah? The fuck? Natawa ako nang marealize ang ginagawa niya.

"Wattpad ka ghorl?" Sagot ko sa kanya habang tumatawa. Hindi naman maipinta ang itsura ni Noah habang nakatingin sa aming dalawa at halatang walang maintindihan sa nangyayari.

"Siraulo. Basta check mo na! Baka mamaya niyaya ka na no'n makipag-date!" Tukso niya pa at humalakhak. Siraulo talaga.

"Sino si Ivan? Classmate mo?" Noah asked. Umiling ako.

"Friend nila Sandy, na-meet ko kahapon." I explained.

"And he likes you?" He asked

"Feeling ko!" Sabat ni Carlene. Natawa na lang ako at sinakyan ang trip niya.

"Feeling ko nga rin e." I chuckled. "Cute naman siya and charming."

"Charming my ass." He snorted kaya mas lalo kaming napatawa. "Kahapon mo lang nakilala e."

"He's nice and fun to be with kaya, you should meet him."

"Kapag ikaw napahamak dyan." Seryosong banta niya. Ngumiti na lang ako dahil sa totoo lang my heart is almost jumping in joy. He still cares for me.

"Sure ako hindi mapapahamak si Jaja don. Nagstalk na kami kahapon, good boy siya."

Kumunot na ang noo ko at sinipa na siya sa ilalim ng lamesa. Napa-aray siya at saka tumawa.

"He better be." Tumayo siya at naghugas na ng plato sa sink. "Mauna na 'ko, may klase pa ako mamayang tanghali."

"Ah really?" I innocently asked kahit na alam ko ang buong schedule niya. May dalawang class siya ngayon, isa sa tanghali at isa sa hapon na parehas tig-dalawang oras. "Okay. Ingat ka ha."

I led him to the door before bidding my last goodbye. Sakto naman dumating si Sandra at nagkagulatan pa sila.

"Ginagawa mo rito?" She asked him habang nagtatanggal ng sapatos.

"May pinagawa lang." I answered.

She looked at me with her accusing eyes. "Sino? ikaw o siya?"

"Project nila." I waved Noah goodbye saka hinila papasok si Sandra. "Kumain ka na ba?"

All The Sad MoviesWhere stories live. Discover now