Chapter 308

495K 20.2K 30.3K
                                    

A/N: Maraming salamat sa laht ng bumati kay Ci-N. Si Keifer naman ang aabangan natin.

Thank you Lori Jin!

Thank you Lori Jin!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

M

arami pa kong nakita kaso wala na ko time para kolektahin sila. Pero maraming salamat pa rin. Pati na rin sa mga nag-video greet.

Enjoy the update. Expect the wrong grammar and typo.




Girlfriendsssss

Jay-jay's POV

"WALANG TATAKAS!" Malakas na sigaw ko na halos ikapaos ko na.

Mga hayop tong mga kumag na to.

"Lahat tayo maglilinis!" Dagdag ko pa bago sila makalapit sa pinto.

"Ang liit ng room na to, tsaka muka pa namang malinis." Sabi ni Calix habang pasulyap-sulyap sa cellphone. "Hinihintay na ko ni Mica."

Dinuro ko siya ng walis tambo. "Ihahambalos ko sayo to! Mamaya ka na lumandi!"

Maglilinis nalang ng room tinatakasan pa. Akala mo naman ikamamatay nila. Kamot ulong lumayo sa pinto si Calix.

Pinandilatan ko ng mata yung iba para lumayo din sa pinto. Kumuha ng basahan ang iba at ang iba naman nakiwalis-walis. Si David naman kinuha ang pang-map at timba bago lumabas.

Bantay sarado ko sila. Nakapamaywang pa ko na parang mayordoma sa isang malaking mansyon. At syempre dahil nakabantay ako dapat walang makakaligtas.

"Hoy Ci-N! Saan ka pupunta?" Tawag ko sa batang kumag.

Pasimple pa siyang gumagapang palabas ng pinto. Akala yata niya dahil maliit siya hindi ko siya makikita. Agad siyang tumayo st pinagpag ang damit.

"Susundan ko si David." Inosenteng sagot niya.

"Kaya na ni David yon. Dito ka, magpunas ka ng bintana." Utos ko sabay turo kila Kit na nagpupunas ng bintana.

"Susundan ko si David." Pag-uulit niya.

"Wag na nga!"

"Susundan ko si David."

"Bakit ba?"

"Susundan ko si David."

Tinignan ko siya ng masama. "Gusto mo masaktan?"

Umiling siya. "Susundan ko si Dabid."

Recorded ba sinasabi nito?

"Lintik! Puntahan mo na nga! Para kang sirang plaka!" Inis na sabi ni Felix at inambaan pa siya ng bato ng basahan.

Ang Mutya ng Section E (Part Three) The Final BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon