Chapter 50

17.9K 612 220
                                    


Zaparta's POV

Pagkalabas ko ng restaurant ay nakita ko si Dite na nasa gitna habang nasa harapan nya ang isang lalaki na may hawak ng baril at nakatutok kay Titania na umiiyak na. Sa gilid naman ni Dite ay may tatlong lalaki na nakahilata tapos may mga taong nasa gilid at nanonood.

"Zap! pumasok ka sa loob!" sabi ni Mama Alicia.

"Oh my god, Dite!" sabi ni Tita Louise.

"Fuck! Dite anong ginagawa mo dyan!" sigaw ni Ate.

"Wag kayong lalapit!" sigaw ng lalaking nasa harapan ni Dite.

"Aiden!" sigaw ni Tita Kill. Nasa gilid si Kuya Aiden na tila tinetyempuhan ang lalaki. Ang isang pulis naman nasa kabilang gilid ng lalaki.

"Titania!" sigaw na umiiyak na si Rigel.

Maraming nagpa-panic samin dahil sa nangyayari. Delikado ang lagay ni Titania at Dite. Paano ba sila nauwi sa ganito? sana pala hindi ko na iniwanan si Dite kung alam ko lang na may mangyayaring ganito.

"Tarantado ka talaga, Dite!" sigaw ng lalaki. Kilala nya si Dite.

Nakatalikod samin si Dite kaya hindi namin mawari kung ano ang itsura ni Dite.

"Napaaway ba ang anak nyo?" tanong ni Mama Japan.

"Hindi namin alam." natatarantang sabi ni Ate Zoe. Hindi sya mapakali. Nasa delikadong lagay ang anak nya.

"Ma, si Dite." tumingin ako sa likuran ko. Halos lahat pala kami nasa labas na.

"Gago ka!" sigaw muli ng lalaki kaya tumingin ako sa kanila. Napahiyaw ang mga tao nung dukdukan ng lalaki ang baril sa ulo ni Titania. "Papatayin ko 'to!"

"Titania!" sigaw ni Rigel. Napayukom ako ng palad dahil wala kaming magawa para iligtas si Titania at Dite dahil kapag kumilos kami ng bigla-bigla ay may mapapahamak.

"Aiden!" sigaw ni coach Avey dahil tinapat ng lalaki ang baril kay Aiden nung napansin nyang humakbang ito papalapit.

"Wag kayong lalapit, papatayin ko talaga 'to!" sigaw ng lalaki. "Punyeta, tumayo kayo dyan!" sigaw ng lalaki. Siguro tinutukoy nya yung mga lalaking nakahiga.

"Dite, umatras ka!" sigaw ni Ate Alexa pero hindi nakinig si Dite. "Dite!" pambihira, Dite umalis ka na dyan para si Titania na lang ang ililigtas nila!

Napasigaw kami dahil humakbang pasulong si Dite. Anak ng!

"Wag kang lalapit!" sigaw ng lalaki at tinapat sa kanya ang baril. "Sinasabi ko sayo, Dite! Wag kang lalapit! babarilin kita!"

"Dite wag kang lumapit!" sigaw ni Kuya Aiden pero hindi nakinig si Dite. Dahan-dahan na lumalapit si Dite sa lalaki. Umaatras naman yung lalaki.

"Dite ano ba?!" halos pigilan na naming lahat si Dite na wag lumapit sa lalaki. Lahat na kami sinisigawan sya.

Tila nagkaroon ng lakas ng loob si Titania na sikuhin sa sikmura ang lalaki kaya nabitawan sya ng lalaki. Nagmamadaling umalis si Titania at mabilis din kumilos si Dite papunta sa lalaki na ikinasigaw namin.

Medyo nakahinga kami dahil napatumba ni Dite ang lalaki. Nagmamadali tuloy sila Ate Zoe na lumapit sa kanila kaya lumapit na din ako.

"Dite bitawan mo na sya! Mapapatay mo na sya!" sigaw ni Kuya Aiden habang pinipigilan si Dite na sinasakal ang lalaki. Pagtingin ko sa lalaki, halos namimilipit ito sa sakal ni Dite.

"Dite!" sigaw ng magulang ni Dite at pilit na nilalayo sa lalaki. "Bitawan mo sya Dite!" sigaw ni Ate Zoe. Nailayo nila si Dite sa lalaki. Agad din hinawakan ng pulis ang lalaki.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now