Chapter 51

21.4K 677 261
                                    


Rigel's POV

Wala pang alas dies ay narinig na namin ang busina sa labas ng bahay. Lumabas kaming dalawa ni Titania na dala ang maliit na bag. Hindi ko inaasahan na ang mismong bus ng Meteorite ang gagamitin namin para gumala. Hindi malaki ang bus ng Meteorite. Maliit lang ito na kasya ang twenty na tao. Konti lang naman silang miyembro ng Meteorite kaya okay lang ang ganitong sasakyan para sa team nila.

"Hello Rigel at Titania." nakangiting bati ni Sunny. Nasa unahan sya kaya sya ang unang bumati samin. Binati namin sya pati na rin ang buong team.

Umupo kami sa bakanteng pwesto. Agad naman nakipagkwentuhan samin ang Meteorite habang nasa byahe. Ngayon ko lang sila naka-bonding ng ganito, na sila lang kasama namin. Madalas kasi na kasama namin sila Zandy kaya hindi kami nakakapag-usap ng matagal. Nakakatuwa din sila at parang sila Julia din kung magkulitan.

Madaldal sina Nicole, Sunny, Veloce, at Brook pero sumasabay naman sa asaran sila Devon, Reagan, Sharmaine at Abi. Sila yung simpleng tahimik pero kapag nagsalita ang lakas mang-asar o magbiro. Pinag-uusapan nila si Lulu at Asta dahil sa nalaman namin kung ano ang kayang gawin ni Dite. Hindi namin maiwasan matawa ni Titania kapag tinatakot nila si Asta. Alam ng lahat na mas pipiliin ni Dite si Lulu kaysa kay Asta kaya sobrang nakakatawa ang itsura ni Asta.

"Rigel, sa tingin mo kapag sinaktan ni Veloce si Joella. May pakialam si Dite kay Joella?" tanong ni Sunny.

"Siguro? bago umalis ng Miracle si Dite, napalapit sya kanila Joella. Pero meron ba talaga sa kanila ni Joella?" nakikisali kong asar. Napa-ohhh ang buong Meteorite.

"Rigel ah!" sabi ni Veloce na nakatayo pa sa upuan nya. Nagtawanan kaming lahat.

"Veloce, mabahala ka kay Julia." sabi ni Abi. May hawak syang libro. Nagbabasa sya pero nakakasabay sya samin. "Bestfriend natin si Julia pero hindi natin nababasa ang takbo ng isip nya."

"Abi naman eh! Wag mo nga ako dagdagan ng problema!" sabi ni Veloce.

"Akala ko nga may something sa kanila." sabi ko. Napatingin sila sakin.

"Lagot ka Veloce!" sabi ni Nicole. Natatawa na naman kami dahil lugi-lugi ang mukha ni Veloce. Nawala ang pagiging cool nya.

"Akala ko ba napagsunduan natin na walang magtatalo sa mga nagugustuhan natin." nakasimangot na sabi ni Veloce. Nawala na talaga ang pagiging cool nya. Para syang natalo sa sugal.

"Hindi ko alam. Tanong mo kay Julia." sabi ni Brook. Lalong napasimangot si Veloce at naupo na lang. Nagsitawanan tuloy ang mga kaibigan nya.

Nagbibiro lang naman ako na may something yung dalawa. Kung ano ang pinapakita ni Julia kay Joella ay ganon din ang pinapakita nya samin. Sadyang close lang silang dalawa ni Joella kaya madalas silang magkasama. At tsaka may sinabi samin si Julia kung sino ang gusto nya. May sinabi pa nga sya na ang isang Romero ay isang beses lang kung magmahal at sobrang loyal nito. Mukha lang loko-loko si Julia pero seryoso sya sa taong nagugustuhan nya.

"Nandito na tayo!" masayang sabi ni Sylvia at nauna pang bumaba.

"Ganyan talaga ang reaction ng mga taong probinsya." sabi ni Reagan. Natawa naman kami.

"Gisingin nyo na si Dite!" sigaw ni Sunny bago bumaba.

Huh? nandito si Dite?

Tumingin ako sa likuran kung saan narinig ko si Devon na may ginigising. Napaawang ang bibig ko dahil ngayon ko lang napansin na nasa likuran pala si Dite. Nasa pinakadulo sya kaya mahirap mapansin.

"Tara na." pag-aaya ni Asta. Tumingin muna ako kay Dite bago sumunod pababa ng bus. "Nicole, okay na ba ang mga tickets?" tanong ni Asta at lumapit kay Nicole.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now