Kabanata XXIII

18.2K 950 331
                                    

- ELIANA -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- ELIANA -

"Maaari ka naman tumanggi, Eliana. Huwag mo nang ipilit na lumaban sa ngayon lalo na at wala ka namang alam sa ganitong larangan."

Kanina pa ako nagtitimping sigawan si Caedmon habang sinesermunan niya ako. Tinapos ko muna ang pagsisintas ng aking sapatos upang masigurong mahigpit na mahigpit ito saka ko siya tinapunan ng isang naiinis na tingin.

"Kuya "

Paunang tawag ko sa kanya na kababakasan ng pagka - sarkastiko ang aking boses.

"Huwag mo nang pakialaman ang buhay ko pagka't kaya ko naman ang aking sarili."

Iritado kong pahayag saka pairap na inalis ang tingin sa kanya at naglakad na paalis pero nahinto rin ako sa paglalakad nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Muli na naman akong napatitig sa guwapong pagmumukha ng aking kapatid na sa kabila ng ilang galos at pasa ay hindi pa rin maikakaila ang kagandahang lahi na taglay namin.

"Hindi mo kailangang maging malakas, Eliana."

Bakas ang pagka-seryoso sa tono at pagmumukha ng kapatid ko nang bigkasin niya ang mga katagang iyan ngunit, hindi ako nagpadaig sa pagmamatigas. Tinabig ko ang kanyang kamay upang kumalas ito sa pagkakahawak sa akin saka ako pumameywang.

"Bakit? Kaya niyo ba ako protektahan?"

Pang-aasar na tanong ko sa kanya na mas lalong nagpadilim sa kanyang mukha. Napaiwas na lamang siya ng tingin dahil bakas na bakas ang pagkapahiya niya sa aking sinabi.

"Wala sana ako sa sitwasyon ko ngayon kung noon pa lamang ay pinrotektahan niyo na ako."

Iyan na lamang ang iniwan kong mga kataga sa kanya bago ko siya tuluyang tinalikuran at muling naglakad palayo. Totoo naman ang aking sinabi. Kung nagawa niya o kahit na sino sa mga kapatid namin na ipagtanggol si Eliana noon ay hindi ko na sana kinakailangan patunayan ang aking sarili sa akademyang ito. Puro lamang sila satsat at hindi man lamang isinasagawa.

"Mukhang nagtalo na naman kayo ng iyong kapatid."

Tuluyan na akong nakalapit sa kinatatayuan ni Maestro na may tipid na ngiting iginagawad sa akin. Inirapan ko naman siya sa kanyang tinuran.

"Walang kuwentang usapan lamang ang naganap sa amin."

Tanging sagot ko saka nakasimangot na tinitigan si Maestro at naghintay nang mga dapat pang gawin.

Bahagya naman siyang natawa sa aking sagot saka tinapunan ng tingin ang puwesto kung saan ako nanggaling. Mukhang sinulyapan niya pa si Caedmon bago magpatuloy sa pakikipag-usap sa akin.

"Nag-aalala lamang ang kapatid mo, Eliana. Nakita mo naman ang naganap na labanan kanina hindi ba? Ayaw niya lamang siguro makita ang kapatid niya na danasin ang ganung klaseng sakit."

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon