♥ 7

5K 95 3
                                    

RK's POV

Nakita kaya niya yung binigay ko sa kanya? Sana matanggap nya. Sumakit na din kasi dila ko sa sobrang tamis kaya ibinigay ko na lang sa kanya.

Nandito na pla siya. Habang naghihintay ng sign kung galit pa rin siya sakin, bigla siyang tumingin sa kinauupuan ko.

" Salamat pala sa Gummy Worms" sabi nya.. Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Nabuhayan naman ako ng loob. Yesss! Di siya galit!

".Welcome! naubos mo na ba?" tanong ko.

"Ah oo, kinain ko yun habang naglalakad pauwi."

Pagkatapos ng sinabi niyang yun, tumalikod na siya at tumitig na sa bintana. Ano bang meron sa bintanang yun? Sa tuwing mapapatingin ako sa kanya, lagi sya dun nakatulala.

Nakangiti na ako ngayon ng bigla na naman siyang magsalita.

"Pero ayoko pa din sayo. Baka mag-assume ka eh." ngumiti siya ng nakakaasar.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kya ginantihan ko na lang din siya.

"K." walang gana kong sagot dahil sa inis ko.

Kita ko sa mga mata ko yung reaksyon ng mukha nya. Anong akala nya? Gulat naman siya. Nagkaiwasan kaming dalawa ng tingin. Habang siya eh nagdadabog na parang bata, ako naman napapangiti ng palihim.

Charlie's POV

"K."

"K."

"K."

Hindi ko pa rin makalimutan ang malatext niyang sagot. First time kong makita yung cold side niya 

Inaayos ko na ngayon yung mga dadalhin kong books bukas ng biglang tumunog ang phone ko.

Calling Sarah♡

Agad ko nmang inaccept yung call. Isa siya sa mga bestfriends ko.

[Charlie!!] sabi ng nasa kabilang linya.

"Oh bakit...bakit ka napatawag?"

[Alam mo na ba yung balita?]

"Na ano?"

[Magkakaroon ulit ng transferee.] excited na sabi niya.

"Bakit ba lagi na lang sa atin tinatambak ang mga transferee?" iritado kong tanong

Napansin ko lang naman na halos yung mga transferee ay sa aming section inilalagay. Hindi na tuloy balance ang number of students sa bawat section. Sa ibang section 44-45 students lang tapos sa amin 52? At may madadagdag pa. Hindi porket malaki ang room namin compared sa iba ay sa amin na agad.

Buhay sardinas

[Are you still there?]

"Ah oo."

[Thanks God you're still there!! Teka..bakit ba ang init init init init ng ulo mo sa mga transferees? Ayaw mo nun? The more the merrier!]

Biglang naputol ang linya. Naka-5 minutes na ba? 5 minutes na yun?!

Hayy, transferee na nman. Kadadating lang nung anim, may dadating na namang bago. 52 na tuloy kami lahat lahat sa room. Huhh! goodluck na lang sa transferee na yun..

RK's POV

(evil laugh) Magiging masaya tong araw na to, hula ko. Tagal nman niyang pumasok.. Di ba niya alam na miss na miss ko na siya?  Pinaghandaan ko pa naman yung sorpresa ko para sa kanya.

"Pre, kanina ka pa tawa ng tawa dyan ah." - Ully

"Nabaliw na siguro kakakain ng gummy worms." - Owy

*nagtawanan silang lahat*

Dahil di ko na mapigilan, nagsalita na ako.

"Wag nga kayong maingay dyan, .nawawala ako sa focus eh. "

"Naku! my kababalaghan na naman yang ginawa .. ." - Cav

"Goodluck na lang sayo basta wag mo kaming idadamay jan ha?" - Oliver

"Oo, kayo pa! .." sabi ko.

Charlie's POV (shortest POV)

Ganda naman ng umagang to sana maging maganda rin ang araw ko.  

Naglalakad na ko ngayon dito sa hallway namin. Mukhang ang bu-blooming lahat ng mga tao ngayon dito ha. Anong kayang meron?

~~

LinyarPanksyon

Gummy Worms with Ranz Kyle [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon